CBH 2: Chapter 9

2.1K 66 37
                                    

Glaiza's POV

Ang daming gumugulo sa isip ko ngayon. Hindi ko alam kung dapat ba na maniwala ako sa mga sinabi ni Rhian.

Kaya ko naman protektahan sarili ko. Kaya ko na protektahan kaming dalawa. Bakit kailangan pang humantong sa gantong sitwasyon? Bakit bakit?

"Tsong! Ang lalim ng iniisip mo ah. Dahil ba to sa sinabi ni Rhian sayo?" Tanong ni Chynna sa akin.

"Oo eh. Gulong gulo pa rin ako until now. Di ko na alam kung ano ba dapat kong isipin" sagot ko sa kanya. Ang hirap talaga ng ganto.

"Kalmahan mo lang kasi. Huwag mong madaliin. Kalma" pagkumbinsi niya sa akin. Sa sitwasyon ko ang hirap kumalma. Like how?!!!

"Sige." Yun na lang ang nasagot ko.

"Alis muna ako kailangan kong magpahangin" pagpapaalam ko kay Chynna.

"Sige tsong ingat ka. Baka matangay ka" pagbibiro nito.

Hindi ko na lang siya pinansin at umalis na lang ako. Tsk. Siraulo.

Pumunta ako park para makapag isip isip. Grabe ang gulo ng utak ko. Ayoko ng ganto.

Pero mahal ko si Rhian at kaya ko siyang patawarin sa nagawa niya. Siguro kailangan ko lang ng konting oras para matanggap lahat ng mga sinabi niya sa akin.

Handa akong tanggapin siya ulit na parang walang nangyari. Pero bahala na.

Habang nag iisip isip ako may biglang batang babae ang lumapit sa akin na may hawak na pink balloon. Ang cute niya lang.

"Ate! Bakit mag-isa ka?" Tanong ng batang babae sa akin. Napangiti naman ako.

"Wala naman. Gusto ko lang magpahangin. Eh ikaw bakit mag-isa ka lang?" Tanong ko sa kanya.

"Ah eh... Wala lang po. Andun po kasi sila mommy. Nakikipagchikahan wala tuloy akong kalaro" sabi nito sa habang tinuro yung Mommy niyang nakikipagchikahan.

Ibang klase talaga mga magulang ngayon, chismis.

"Kaya pala eh. Anong name mo?" Tanong ko sa kanya.

"Tina po" sagot niya. Ang cute naman pala talaga niya.

"Ako si Glaiza" sabi ko sa kanya sabay ngiti.

Tinitignan ko lang siyang inaaliw yung sarili niya sa balloon. Aliw na aliw siya.

Ang sarap maging bata ulit. Yung wala ka pang pinoproblemang ganto, yung simple lang. Iisipin mo lang kung anong lalaruin mo mamaya o kinabukasan.

"Ate! May tanong ako sayo" biglang nagsalita si Tina. Ginulat naman ako ng batang to.

"Oh sige ano yun?" Tanong ko sa kanya.

"Yung lola ko po kasi tsaka yung lolo ko napakasweet pa rin sa isa't isa. Kahit minsan laging nagagalit si lola kay lolo kasi ang daming kalokohan. Bakit ganun? Kasi ako sa mga kalaro ko po kapag may ginawa silang kalokohan sa akin hindi ko sila bati"

"Ang lalim naman ng problema mo bata. Hahaha. Halika dito" pinalapit ko siya sa akin at pinaupo sa tabi ko.

"Kasi ganto yan. Diba si mommy mo pinapagalitan ka rin kasi may nagawa kang bad?"

Tumango lang si Tina sa sinabi ko.

"Pero diba kahit ganun love ka pa rin ng mommy mo. Kung love mo talaga yung tao, handa kang magpatawad as long as nagsorry siya at nagbago. Ikaw ba kapag may nagawa kang mali inuulit mo pa rin ba?"

"Hindi na po." Sagot niya sa akin

"Bakit?"

"Kasi ayoko pong magalit si mommy at love ko siya" napangiti ako sa sinabi niya.

"That's the point Tina. Siguro yung nagagawa lang ni lolo mo is yung simpleng kalokohan like pagiging pasaway, pero sweet pa rin sila kasi love nila ang isa't isa. Gets mo ba ako?" Tanong ko sa kanya.

"Opo! Love po kasi ni lola si lolo"

"That's right, very good" sabi ko sa kanya.

Ilang sandali lang ay lumapit na ang Mommy ni Tina at humingi ng sorry sa akin dahil baka raw nagambala ako ng anak niya. Pero hindi niya alam. Nakatulong siya sa akin.

This is my chance. Rhian, wait for me..

-A.B

----

Author's note.

Bitin kayo nuh? Hahaha. Sorry sa 2 years? Na walang update. Mej nabusy lang ako. Hahahaha. Sinubukan ko lang kung may charm pa ba ako sa pag susulat. Hehehe

Since nasabi ko sa post ko last time na baka ireveal ko na sarili ko. Gagawin ko na.

You can follow me on my PERSONAL SOCIAL MEDIA ACCOUNTS:

Ig & twitter: gemsibells

P.S please huwag niyo naman akong kulitin mag update if ever and huwag niyo kong ibash dahil matagal akong nawala. 😅

So ayan na. Heto na. Papakilala na ang author na tamad mag update. And sana don't judge me dahil sa itsura ko. Di po ako maganda. 😅

God Bless 😘😘

Come Back HomeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora