CBH: Chapter 7

4.8K 182 27
                                    

GLAIZA'S POV

Flashback

After ng ginawa kong proposal sa babaeng clumsy na hawak hawak ko ang kamay, eh halos hindi kami magkahiwalay dahil na din nakabantay ang mga De Castro at Ramos, talagang wala kaming kawala.

Masayang pareho ang pamilya namin dahil sa nangyari, pero hindi nila alam, pansamantala lang to. Kapag kinasal na kami, aasikasuhin ko agad ang divorce paper namin, para pareho kaming lumaya sa isa't isa. Alam ko naman na mahal pa rin ni Rhian si Jason, at ako naman, wala pa akong panahon para sa pagmamahal na yan.

"So ano na ang plano mo ngayon?" Tanong sa akin ni Rhian ng medyo nakalayo kami sa kanya kanya naming pamilya.

"Still the same. Papaniwalain natin sila. Ikakasal tayo, then we get divorse, at itong coffee shop, it will be yours, baka ibigay ko din sayo ang bahay ko sa New York" I said to her. Yun lang talaga ang balak ko,. Ginagawa ko lang naman ang lahat ng to para sa kapatid ko, ayoko siyang makitang maghirap in the future, hindi na baleng ako, basta huwag lang siya.

"Ganun ba? Mabuti naman. Basta huwag mo lang gamitin yung katawan ko." Ano daw? What the f?!

"What? Nagpapatawa ka ba? Ako? Gagamitin yang katawan mo. Tsk! Hindi kita pagnanasahan nuh! Baka ikaw.." I said, at ng pagkasabi ko nun bigla siyang namula at napalunok.

"Ka-kapal mo ah!" Agad naman niyang inalis ang kamay niyang kanina ko pa hawak. Gosh! Napaka stubborn talaga. Spoiled brat!

Pumunta si Rhian sa mga kasamahan niya sa coffee shop, ako naman pinalapit ako ni Dad kung asan man sila.

"Glaiza!" Biglang tumayo si Tita Clara, ang mama ni Rhian, at niyakap ako ng sobrang higpit. Pagkatapos nun pinunta niya ako sa labas. Siguro may pag uusapan kami.

"Glaiza, I want to say thank you sa ginawa mo for my daughter" she said,.

"Wala po yun tita. Walang kaso sa akin yun." Kahit ang totoo naman, inis na inis ako sa kanya, dahil ang dami niyang alam. Nakagastos tuloy ako ng a half a million, para sa singsing na yan, kumanta pa ako. Inayos ko pa tong shop, para lang mag "yes" siya sa akin! Haaaysss.

"Please, don't call me tita anymore. Just call me mom." Sa tana ng buhay ko simula ng mawala ang mommy ko. Parang ngayon lang ulit ako nakaramdam ng isang ina.

"O-ok po mom" medyo nahiya pa akong sambitin ang word na yun, dahil ilang taon na din ang nakalipas simula ng may tinawag akong "mom"

"Alam mo ba, yan si Rhian. Napakatigas ng ulo" buti naman at alam ng mommy niya ang katigasan ng ulo ng anak niya,

"Pero kahit ganun, mahal na mahal ko siya. Glaiza do me a favor." She said.

"Ano po yun ti- mom?"

"Please love her. Show her how to be loved. Mahalin mo siya, huwag mo sanang iparamdam sa kanya yung naparamdam namin sa kanya ng daddy niya. We always think about the business, our name, our dignity. Pero hindi na namin naalala na may anak na pala kaming napapabayaan at hindi nararamdaman ang pagmamahal namin. Yes, hindi kami nag kulang sa kanya ng finacially, pero sa love. Kulang na kulang. Kaya Glaiza, please give her love that she deserved" nakita ko sa mga mata nito ang labis na pagkalungkot, nakita ko din kung gaano niya kamahal si Rhian.

"Don't worry mom, I will" I said. Kung alam lang sana nila na set up lang ang lahat na to. We're doing this for our good own sake. Hindi na namin naisip na may iba papalang maaapektuhan sa pwedeng mangyari. Like her mom, nakita ko sa kanya ang saya ng makita niyang ikakasal na ang nag iisang anak niya.

Come Back HomeWhere stories live. Discover now