Chapter 13

31 4 0
                                    

Sa oras na tulog si Calvin ay nananatili akong gising. Mulat na mulat ako kahit alas kwatro na ng madaling araw. Hindi ako makatulog, o mas magandang sabihin na wala talaga akong balak na matulog.

Hinayaan kong makatulog si Calvin sa tabi ko. Mula sa braso kong nakayakap sa kaniyang dibdib ay dama ko ang payapa niyang paghinga. Ramdam ko rin sa balat ko ang maninipis at maliliit niyang balahibo roon, since wala itong suot pang-itaas.

Ang isang kamay niya ay nagsilbing unan ko, halos magsumiksik din ako sa gilid niya habang maigi siyang tinatanaw. Madilim ang kabuuan ng kwarto, pero sapat na sa akin ang liwanag na nanggagaling sa lampshade na naroon sa banda niya.

Kahit madilim ay maganda ang side profile ni Calvin. Naghihimutok sa sobrang tangos ang kaniyang ilong, pati ang pilikmata niyang kulot at may kahabaan. Ang labi naman ay nasa perpektong kurba.

Wala sa sariling napangiti ako nang maalala ang nangyari kagabi. We did it again. Hindi ko alam kung nakailan kami, o kung anong oras kaming natapos. Pareho kaming pagod at hindi nga iyon maikukubli sa mahimbing na pagkakatulog ni Calvin.

Sa kasiyahan niya dahil sinagot ko na ito ay iyon ang naging sukli, para bang iyon na rin ang naging selebrasyon namin bilang unang araw naming magkarelasyon. Wala pa man, hindi pa man tumatagal, pakiramdam ko ay inabot na kami ng ilang taon.

Totoo na masaya ako, pero hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang kasiyahan ko gayong ang daming balakid.

Gusto ko pang manatili sa tabi ni Calvin. Gusto ko pa siyang makasama nang matagal. Ngunit sa maikling oras sa araw na iyon ay nakapagdesisyon na ako.

Sa probinsya ng Isla Mercedes, si Calvin Frias ang naging mundo ko— literal na kasiyahan ko, and yet how dearly I pay for it is counterfeit. Palaging may hangganan, palaging may dulo, palaging may expiration.

Marahan akong bumuntong hininga, kasabay nang pagtulo ng luha ko. Gusto ko pang mag-stay ngunit mas inaalala ko si Calvin, pati na rin ang magiging baby namin. I know this is a selfish act, but letting go helps us to live in a more peaceful state of mind.

And I actually want that fvckin' peace of mind. Gusto ko talaga rito sa Isla Mercedes, gustung-gusto. Ayoko pang umalis, pero alang-ala na lang din sa lahat, sa ikatatahimik at kapayapaan ng lahat.

"I'm sorry, Calvin," bulong ko sa pisngi ni Calvin, para kahit sa panaginip man lang niya ay marinig niya iyon at matanggap niya itong pinal kong desisyon.

Nang sabihin kong mahal ko siya, totoo iyon. Alam ko na masyadong mabilis ngunit iyon ang katotohanan. Kaya nakakatawa siguro para sa iba na madali akong naka-move on. But all thanks to Calvin, tinulungan niya ako.

Muli akong bumuntong hininga. Mayamaya lang nang dahan-dahan akong umahon mula sa pagkakahiga ko. Hindi ko na hinila at dinala ang comforter. Nang makatayo ay saglit ko iyong inayos sa katawan ni Calvin.

Sa kadahilanan pang hubo't hubad ako ay kaagad nanuot sa akin ang lamig ng aircon sa kwarto ni Calvin. Niyakap ko ang sarili, kapagkuwan ay magaan ang bawat paglalakad habang pinupulot isa-isa ang mga damit kong nagkalat sa sahig.

Mabilisan ko iyong sinuot, bahala na rin kung wala sa ayos ang buhok ko. Matapos kong kunin ang bag ko sa study table ay naging dere-deretso ang tungo ko sa pinto. Marahan ko iyong binuksan.

Bago pa man din tuluyang sumara ang pintuan ay ilang segundo kong binalikan ng tingin si Calvin. Tinitigan ko ang katawan niyang nagmistulang anino dahil sa liwanag mula sa gilid niya.

Mabagal ang bawat paghinga niya, bakas pa rin ang pagod, kaya natanto kong baka tanghaliin ito ng gising kung wala siyang alarm clock. Mabuti ay nai-set ko na iyon kanina sa oras ng pasok niya mamaya.

Nights Of PleasureNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ