Chapter 19

487 51 0
                                    

"Ano kayang pwedeng maging pangalan ng baby girl natin?" wala sa sariling tanong ko habang maiging nakatitig sa hawak-hawak kong ultrasound.

Kagagaling lang namin ni Calvin sa isang Clinic malapit lang sa Dela Vega Publishing House para magpakonsulta. Dumeretso na kami roon pagkatapos kong mag-out sa trabaho. Mamaya ay uuwi rin para naman ibalita kay Mama at excited din siya.

Four months na ang tiyan ko. Grabe lang ang bilis ng panahon at parang kailan lang noong naglayas ako, parang kahapon lang noong makabungguan ko si Calvin sa isang Restaurant ng Isla Mercedes.

Iyon ang unang pagkikita namin sa isla, sumunod iyong sa bar na nauwi sa unang experience ko. Wala akong idea noon na isang beses na rin pala kaming nagtagpo rito sa Manila. Wala akong alam, kasi sa ibang lalaki pa nakatuon ang atensyon ko.

Akalain mo iyon, kung gaano kabilis nagdaan ang panahon ay ganoon din kabilis na nawala sa puso ko iyong pait. Lalo iyong sakit na tinamasa ko noon kay Andrew. At the same time, marami rin akong natutunan.

Hindi lang dahil sa pinagdaanan ko, kahit ngayon na kasa-kasama ko si Calvin ay patuloy akong natututo sa mga bagay na hindi ko pa alam. Siya ang naging daan para mamulat ako sa katotohanan.

Aniya, kung may mawala man sa atin, may darating din na kapalit. Hindi lahat ay nagtatagal, pero hangga't nariyan ay dapat nating pahalagahan. Kung sakali mang mawala, matuto tayong magparaya. Para bang dumaan lang sila para magbigay ng aral sa buhay natin.

Sa buhay natin ay may pagkakataong nalulungkot tayo ngunit sa ganoong sitwasyon, mas dapat nating isipin iyong mga araw na masaya tayo. Marami mang dumaang problema, pasakit, lugmok at hinanakit, pasasaan ba't malalampasan din natin iyon bandang huli?

Ang sabi nga ng karamihan; the greater your storm, the brighter your rainbow.

Gaano man kahaba ang pagsubok natin sa buhay, gaano man kadilim ang naging karanasan natin, sa dulo ay naroon ang isang liwanag na magpapaahon sa atin.

And there is; you must work hard to become a rainbow despite all challenges.

"I want it Jillian Caleigh," sagot ni Calvin na siyang nasa tabi ko.

Narito kami ngayon sa Mall of Asia, malapit sa seaside. Pareho kaming nakaupo sa nguso ng kaniyang kotse. Pasado alas singko na ng hapon, wala nang masyadong araw at papalubog na rin iyon mula sa kanlurang bahagi ng Manila Bay.

"Para may resemblance sa pangalan natin. And I want our baby to be like you, matapang na kayang lumaban, matatag... at the same time, mabait, matulungin at mapagmahal," dagdag niya kaya napangiti ako.

"Just like you, Calvin, sa ating dalawa ay mas mabait ka, matulungin na nagagawa pang bumisita sa babaeng kaibigan—"

Hindi ko na natuloy ang gusto ko pang sabihin nang bigla siyang mapalingon sa akin. Napipilan niya akong tinitigan, tila ba nababaliw na ako sa paningin niya.

"Na sa sobrang mapagmahal, lahat din ng tao ay gusto kang mahalin—"

"Stop it, Verra," malambing niyang wika, kapagkuwan ay hinawakan ang magkabilaan kong balikat para iharap sa kaniya. "Mahal kita. Ikaw lang ang mahal ko. At ilang beses ko mang sabihin ito, o marindi man ang tainga mo ay hindi ako magsasawa. Araw-araw kong ipaparamdam sa 'yo na ikaw lang ang babaeng pinakamaganda sa paningin ko, ikaw lang, wala namang iba."

Napanguso ako sa tinuran nito. Hindi ba pwedeng mag-joke? Binibiro ko lang naman siya at kita mo saan na napunta ang pagbibiro ko. Halos umusok ang ilong ko sa sobrang pamumula ng mukha ko.

Honestly, kahit hindi rin sabihin ni Calvin nang paulit-ulit ay nararamdaman ko naman. Hindi lang siya sa words of affirmation magaling, binibigyan niya rin ako palagi ng assurance at consistency.

Nights Of PleasureWhere stories live. Discover now