Chapter 6

827 62 0
                                    

Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang ma-realize ang pwesto naming iyon ni Calvin; parang nakita ko na 'to. Naalala ko na, ganitong-ganito rin iyong posisyon namin noong unang punta namin dito sa Isla Mercedes Bridge.

Ako na nakaupo sa nguso ng kaniyang kotse at siya na naroon sa harapan ko. Napapagitnaan siya ng dalawang hita ko habang ang mga kamay naman niya ay naroon sa magkabilaan kong gilid, literal na ikinukulong ako.

Pigil-pigil ko ang hininga ko dahil ilang dangkal lang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa. Ewan ko ba kung bakit hindi ako nakapagreklamo kanina. Nadadala ako masyado sa mga sinabi ni Calvin.

Kung magpaliwanag siya sa akin ay akala mong girlfriend niya ako. Pero sa totoo lang? Doon ko napagtanto na may halaga pa ako, na importante rin pala ako para sa ibang tao— kay Calvin ko naramdamang I am worth more than second thoughts and maybes.

Hindi lang ako pang-second option, hindi pampalipas oras at hindi pang-rebound. Para sa isang Calvin Frias, isa ako sa top priority niya. At hindi ko alam kung paano ko ba iyon masusuklian. Posible bang magmahal ulit pagkatapos ng isa?

Higit sa lahat, kaya ko na bang masaktan ulit? Alam ko naman na kapag nagmahal ka, dapat handa kang masaktan. Dapat ay alam mo ang mga bagay na kailangan mong isuko kapag minahal mo ang isang tao.

Sabi nga nila, kaakibat ng pagmamahal ang salitang sakit. Walang madali. Kasama iyon bilang pagsubok para mapatibay ang dalawang taong nagmamahalan. Ang tanong; kaya ko na bang buksan ulit ang puso para tanggapin si Calvin?

Honestly, hindi siya mahirap na magustuhan. Kung ihihilera siya sa isang daang lalaki ay siya ang mamumukod tangi. Mas maraming pipila sa kaniya. Bukod sa angking kagwapuhan niya, katalinuhan at kakisigan, tunay pang mabuti ang puso niya.

Natatandaan ko na minsan kong sinabi, kung siya lang marahil ang una kong nakilala, baka hindi ko rin nararamdaman iyong sakit na naiwan at nakaukit dito sa puso ko ngayon. Baka hindi ako brokenhearted.

"So tell me about him, Verra," untag ni Calvin dahilan para mabalik ako sa reyalidad.

Nangunot ang noo ko at dagli siyang tinitigan. "Huh?"

"Kwentuhan mo ako tungkol sa lalaking minahal mo, o kahit sa mga bagay na lang na gusto mong ikwento. What do you like? Your favorite color, food or most unforgettable moment," malambing niyang pahayag. "So I can get to know you more. I want to know where my girl is coming from."

Umawang ang labi ko. My girl? Humalakhak ako. Napangiti naman siya habang pinapanood ang paniningkit ng mga mata ko dahil sa pagkakatawa. Kalaunan nang tumikhim ako at nagseryoso.

"His name is Andrew Evangelista. And I have this so-called bestfriend named Elsa Adsuara. Pareho ko silang katrabaho, pareho ring malapit sa akin. Little did I know, may past pala sila. Hindi nila sinabi sa akin. Kaya I felt betrayed. They've been together for almost five years, may anak din sila. Masakit iyong katotohanan na naloko nila ako, but then, pinipilit ko ngayon na tanggapin na lang. Ano pang magagawa ko 'di ba? Nangyari na. At gusto ko nang sumaya na nagkabalikan na ulit sila, na nahanap na nila iyong totoong kasiyahan sa isa't-isa."

Tumango-tango si Calvin, tila ba bawat binibigkas kong salita ay buong atensyon niyang pinakikinggan at iniintindi. Nakatitig lang siya sa akin, kaya hindi ko rin matagalan na tingnan siya.

Saglit pa akong napapitlag nang hawakan niya ang buhok ko. Ang ilang takas na nakadikit sa pisngi ko ay kaniyang inaalis at inilalagay sa likod ng tainga ko. Napakurap-kurap ako at bumuntong hininga.

"Sa ngayon ay hindi ko masabi kung naka-move on na ba ako. May kirot pa rin sa puso ko, pero syempre ay hindi na ganoon kasakit. Siguro dahil natatakot na lang ulit ako na masaktan," dagdag ko habang nakatanaw sa malayo.

Nights Of PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon