Chapter 15

69 5 1
                                    

"Anong nangyari kay Bianca?" maang kong tanong nang mapag-isa kami ni Calvin sa loob ng kwarto ko.

"Hindi ko alam, Verra. Hindi ko naman siya nakita noong umalis ako," sagot niya.

Napanguso ako. "Pa-fall ka siguro, ano? Iyong lahat ng ginagawa mo sa akin ay nagawa mo sa kaniya, kaya ganoon na lamang din siya umasa. Kasi akala niya ay gusto mo siya. Hindi naman siya ganoon aakto kung hindi ka rin nagpapahiwatig."

"We didn't have séx," ani Calvin habang paulit-ulit na hinahaplos ang buhok ko.

Pareho kami ngayong nakahiga sa kama. Ang kanang braso niya ang ginawa kong unan habang nakasiksik ang mukha ko sa pagitan ng kaniyang kili-kili at tagiliran. Yakap-yakap ko naman ang dibdib niya.

"I mean kung paano mo siya itrato..."

"Ganoon naman ako sa lahat ng malapit sa akin. Mas sweet at clingy nga lang ako pagdating sa 'yo." Isang halik sa ulunan ko ang ginawa ni Calvin dahilan para saglit akong matulala. "Mabilis siyang nahulog sa akin dahil una pa lang ay gusto na niya ako. Kaya kahit maliliit na bagay na ginagawa ko ay nabibigyan niya ng malisya."

Tumango-tango ako dahil wala na akong maidugtong pa roon. Tama naman din si Calvin, kung hindi mo gusto ang isang tao, magkakaroon ka pa rin ba ng pakialam at isiping gusto ka niya?

Well, may mga ganoong cases. Lalo kung bulgaran naman ang pagpapahiwatig. Pero sa lagay ni Calvin, na likas nang may mabuting puso ay hindi hamak na pagkakaibigan lang ang gusto sa 'yo.

Nagkataong ako ang nagustuhan niya, kaya malas talaga ni Bianca. Halos matawa ako sa sarili. Mayamaya nang bahagya akong lumayo para tingalain siya. Kaagad na nagpang-abot ang mga mata naming dalawa.

"Nagkausap kayo ni Mayor?"

Umimpis ang labi ni Calvin bago siya sumagot. "Noong makita ko na iba na 'yung nasa Information desk at nalaman kong tinanggal ka. Sinugod ko si Mayor Velasquez, napaaway ako dahil doon."

Bumagsak ang panga ko. "Grabe ka naman?!"

Natawa si Calvin. "Nalaman kong tinakot ka niya at masisisi mo ba ako, Verra? Anak natin ang pinagbantaan niya."

"Pero... baka hindi ka na makabalik sa Isla Mercedes dahil sa nangyari."

"Ayos lang naman sa akin iyon, Verra. Wala na rin naman na akong balak na bumalik pa roon. Rito na lang tayo sa Manila."

"Paano ang trabaho mo roon?"

"Nakapag-request transfer na ako sa pinaka-head namin. Transfer will be granted at the discretion of the Department Administrator. Medyo matagal dahil marami ang proseso. And in the meantime, aalagaan muna kita habang nagbubuntis ka."

Ngumiti si Calvin habang titig na titig sa akin, para bang kahit ang pangit ko ngayon ay gandang-ganda pa rin siya sa akin. Para bang ako na ang pinakamagandang babae sa paningin niya at ganoon siya kabaliw sa akin.

Grabe lang din 'no?

Hindi mo talaga aasahan kapag naglaro ang tadhana. Dati isa lang iyan sa mga tanong na nabuo sa utak ko. Is there really someone you're supposed to meet at the right time and they are meant to be with you?

It's almost impossible. Hindi ba't parang coincidence lang 'yon? Na mabilis kayong nag-click, nagustuhan ang isa't-isa at napagdesisyunang maging isa? Nasa sa inyo rin kung gusto ninyong magtagal at pahabain ang relasyong mayroon kayo.

Destiny? Is there really such a thing destiny in love? Many of us believe in fate because it offers us comfort and security.

In my opinion, there is no pre-destined future to anyone. Because we all make our own choices that will ultimately determine our future. If there is, nobody would be responsible for their own actions.

Nights Of PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon