Chapter 18

35 2 0
                                    

Ayaw maniwala ni Elsa kahit anong sabihin ko. Gusto pa niya yata ng patunay. Ang kaso, ni wala kaming picture ni Calvin sa cellphone ko kaya wala akong maipakita sa kaniya. Ngayon tuloy ako nanghinayang sa mga memories namin sa Isla Mercedes.

"Tawagan mo nga," pang-uudyo ni Elsa sa akin; matalino pa rin talaga ang matsing.

"Wala ka talagang tiwala sa akin, ano?" natatawa kong sambit.

"Mabuti na ang sigurado. Malay ko na gawa-gawa mo lang 'yan para masabi mong okay ka kahit hindi naman. At saka kapatid iyon ni Chloe, mailap 'yon sa babae at imposibleng ikaw ang magustuhan no'n."

Pinanlakihan ko siya ng mata. Hindi rin nagtagal nang kunin ko ang cellphone sa bag ko. Oras ng trabaho, dapat ay abala kami ngayon ni Elsa, pero hindi na niya ako tinantanan pa simula kanina. Hindi na malayong mapagalitan kami ngayon sa ginagawa namin.

Ngunit alang-ala na lang din sa ikatatahimik nitong kaibigan ko. Hinanap ko ang numero ni Calvin, nasa favorite list iyon kaya madali ko lang nai-dial. Samantala ay nagtaas ng kilay si Elsa, buo pa ang loob na hindi totoo ang sinasabi ko.

Matagal bago nasagot ni Calvin ang tawag at mabilis kong in-on ang loudspeaker nito. Maingay pa ang paligid, mayamaya lang nang maging kulob ang kabilang linya. Siguro ay kararating lang din niya sa bahay nila.

"Yes, baby? Miss mo ako agad?" paunang bungad niya, sabay pang bumagsak ang panga naming dalawa ni Elsa.

Kaagad na nasapo ni Elsa ang kaniyang bibig. Napangisi naman ako. Wala talagang palya kung magpakilig ang lalaking 'to. Lahat na lang siguro ng sasabihin niya ay nakakakilig para sa akin, malala na 'to.

"Sino ka nga?" tanong ko dahilan para mapasinghap si Calvin, kalaunan ay humalakhak sa tinuran ko.

"Hindi si Natoy, pero si Calvin na mahal na mahal ka."

Binalingan ko si Elsa, ngising-ngisi ako at hindi maipagkakaila ang kayabangan sa itsura ko. Pulang-pula naman ang mukha niya at para bang hindi na humihinga. Hindi rin nagsasalita.

"Nandiyan ba si Chloe?" dugtong ko.

"Yup. Nasa kwarto niya nag-aalaga ng quadruplets." Bumuntong hininga si Calvin. "Wala ka bang ginagawa, Verra? Ang aga mong tumawag."

"Hmm, mayroon." Tumawa ako. "Pero nandiyan ba si Sir Melvin? Wala pa siya rito."

"Hindi ako sigurado. Kanina pa iyon nakaalis, baka parating na rin. Bakit mo hinahanap?"

"Wala naman."

Bahagya kong inalog si Elsa na literal nang hindi gumagalaw sa pagkakaupo niya. Kumurap-kurap ito, kapagkuwan ay nabalik sa reyalidad at nilingon ako.

"Okay na ba iyon bilang patunay?" nakangiti kong banggit.

"Sinong kausap mo?" sabat ni Calvin.

"Si Elsa, ayaw niyang maniwala na boyfriend ko si Calvin Frias."

Natawa si Calvin. "Isama mo siya rito sa bahay. Dito na kayo maghapunan mamaya."

Hindi na lalong nakahinga si Elsa. Kahit noong patayin ko ang linya ay nananatili pa ring hindi makapaniwala ang reaksyon niya. Ilang sandali nang makailang beses niyang tumili habang animo'y uod na kinikiliti.

"Oh, my God! Ang ganda mo, Jinky! My God! Verra? Verra talaga ang tawag niya sa 'yo? Ayokong maniwala, pero lintik, ang swerte mo hayp ka!" Kagustuhan niya akong sabunutan, pero mas pinili niyang paghahampasin ang table niya.

"Ang ingay mo, Elsa," bulong ko rito at literal nang pinagtitinginan kaming dalawa.

"Hindi lang talaga ako makapaniwala. Kasi naman! Sa lahat pa ng lalaki, sa lalaking bukod pang pinagpala! Ack!" parang shotgun talaga itong bunganga ni Elsa, natatawa na lang ako kahit sobra na akong nahihiya.

Nights Of PleasureWhere stories live. Discover now