Chapter 3

969 68 4
                                    

Naningkit ang mga mata ko nang matunghayan ang pagpasok ni Calvin sa lobby ng munisipyo. Sinundan ko ito ng tingin. Naupo siya sa pahabang upuan mula sa tanggapan, kaharap nitong desk ko.

Mabilis niyang ipinirmi ang mga mata sa akin dahilan para mapakurap-kurap ako. Anong ginagawa niya rito? Oo, alam ko na madalas sila rito ng mga kasama niya, palagi silang dumadaan dito tuwing hapon.

"Oh? Nandito ka pala, Cop. Frias," ani Ma'am Cris nang dumaan ito sa lobby. "Napapadalas ang pagpunta mo rito..."

Natawa si Calvin. "Nagpapahinga lang po."

Tumikhim ako at hindi na sila pinansin. Nang lumabas si Ma'am Cris ay tuluyang nagwagi ang katahimikan sa paligid ng lobby, kaya ramdam ko ang pagiging awkward sa aming dalawa ni Calvin.

Sanay na ako na tahimik dito, lalo kapag ganitong oras pa ng trabaho. Ngunit ngayon ay naninibago ako, walang duda dahil sa presensya iyon ni Calvin. Bakit ba kasi siya nandito? I mean, sa lahat pa ng pagpapahingaan niya ay dito pa talaga sa kung nasaan ako.

Hindi ako makapag-concentrate sa kung ano man ang ginagawa ko— kunwaring abala ako sa lamesa para ipakitang hindi niya ako pwedeng kausapin o istorbohin. At kahit din wala siyang imik ay hindi ako mapalagay.

Malakas na pumipintig ang puso ko, siguro ay dahil sa kaba. What if ungkatin na naman nito ang nangyari sa amin noong gabing iyon? Ang malala pa ay may makarinig. Hindi ko alam kung papaanong kahihiyan ang aabutin ko kung sakali.

Napatingin ako sa wall clock ng munisipyo. Kating-kati na akong umuwi. Gusto ko na lang din ay maglaho na lang na parang bula. Napansin kong alas kwatro pa lang ng hapon. May isang oras pa bago ang uwian.

Magtatagal ba siya rito? Sasabay ba siya sa pag-uwi ko? Huwag naman sana. Lihim akong nanalangin.

Mayamaya pa nang gumalaw si Calvin sa kaniyang pagkakaupo. Nagpalit lang siya ng pwesto at idinekwatro ang mga binti, pero ang mga mata niya ay nananatiling nakatanaw sa akin. Tila ba hindi mababali kailanman ang paninitig nito sa akin.

Napanguso ako, kapagkuwan ay nagbaba ng tingin sa kaniyang katawan. Bagay na bagay sa kaniya ang pagiging pulis. Humahapit sa matikas niyang katawan ang uniporme nito. Masyadong nakaka-distract.

Gwapo na siya noong unang kita ko sa kaniya sa bar, pero ngayon na ganito ang ayos niya ay naging triple ang dating niya. Parang mas gusto ko siyang ganito— shít! Madali kong pinilig ang ulo at kaagad na yumuko.

"Saktong five ang uwian niyo, hindi ba?" pagtatanong niya.

Kung hindi ko lang din alam na kami lang ang tao roon ay magpapalingun-lingon pa ako para hanapin kung sino ang kausap niya. Bandang huli ay tiningnan ko siya.

Wala akong choice kung hindi ang sumagot. "Depende kung marami pang gawa."

Nagbaba siya ng tingin sa ginagawa ko, partikular sa ballpen na pinaglalaruan ng mga daliri ko.

"Mukhang wala naman," pahayag niya sabay ngiti sa akin. "Sabay na tayo?"

Kamuntikan na akong masamid. "Bakit? Obligado ka bang hintayin ako? Mauna ka na. Marami pa akong aayusin dito. Alam mo naman na papalapit na ang fiesta."

"Hindi naman... wala na kasi tayong maayos na pag-uusap simula noong gabing iyon. Iniiwasan mo ako. I just want to talk to you. At ihatid ka rin sa inyo. That's all."

Umismid ako. Bakit niya ba ito ginagawa?

"Wala namang dahilan para mag-usap tayo."

"So you forgot when you made friends with me? Akala ko ba ay magkaibigan tayo?" Ngumisi siya, halatang nang-uuyam.

Nights Of PleasureWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu