Chapter 7

687 56 3
                                    

Mula sa pagkakatulog ay naalimpungatan ako nang tumama sa mukha ko ang mainit na sinag ng araw. Nanggagaling iyon sa bintanang gawa sa salamin. Nahilot ko ang sentido ko at unti-unting dumilat.

Saglit akong napatitig sa kulay puting kisame. Sinipat ko rin ng tingin ang kurtina mula sa isang pinto, marahil ang daan patungo sa balcony. Sumasayaw ang kurtina dahil sa malakas na hangin sa labas.

Sunod kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng kwarto. Purong puti iyon, tipong maihahalintulad sa kwarto na mayroon ang isang magarbong Hotel. Kaunti lang ang gamit sa paligid, pero lahat iyon ay nasa ayos.

Maging ang kamang kinahihigaan ko ay puting-puti ang bedsheet. Kalaunan nang mangunot ang noo ko. Na-realize kong hindi ito ang bahay na inuupahan ko. Kwarto pa lang ito ngunit mas malaki pa ito kaysa sa bahay kong iyon.

Dahan-dahan akong umahon at kaagad na sinilip ang sariling katawan sa ilalim ng comforter. Wala na iyong naalala kong damit ko kagabi, bagkus ay isang malaking black t'shirt at boxer short ang suot ko.

Napakurap-kurap ako, unti-unti namang bumalatay sa utak ko ang mga nangyari kagabi. Ako at si Calvin... sa kotse niya. Bumagsak ang panga ko. Kasunod nang pagtampal ko sa mukha ko nang maramdaman ang pag-init ng pisngi ko.

Hindi ako lasing kung kaya lahat iyon ay sariwa sa utak ko. Ganoon pa man ay hindi ko na maalala kung kailan kami natapos, o kung paano kami napadpad dito. Teka, bahay ba ito ni Calvin?

Dali-dali akong tumayo at saglit na yumuko upang dungawin ang isang pares ng tsinelas na nakaabang sa ilalim ng kama. Sinuot ko rin naman iyon at patakbong tinungo ang pinto palabas ng kwarto.

Sumungaw ako sa railing ng hagdan upang tingnan kung may tao ba sa baba. Nang walang makita ay deretso na akong bumaba. Kahit sa sala ay purong puti rin ang makikita. Walang masyadong gamit. Mayroon lang sofa set at flatscreen TV.

Tingin ko pa ay hindi iyon madalas na nagagamit. Wala ring bahid ng dumi sa paligid, animo'y palaging nalilinisan. Dumeretso ako sa pinto palabas ng bahay upang tingnan kung naroon ba ang motor ko.

Nakahinga naman ako nang maluwang nang makitang maayos iyong naka-park sa tapat ng bahay. Sa tabi nito ay iyong kotse ni Calvin na siya ring ginamit niya kagabi. Walang duda, bahay nga ito ni Calvin.

Tumalikod ako upang ipagpatuloy ang paghahanap kay Calvin. Ilang segundo lang nang matagpuan ko siya sa loob ng kusina. Saktong kalalapag lang niya ng isang pinggan sa countertop at nang mapansin ang presensya ko ay kaagad siyang ngumiti.

"Good morning," malambing niyang bati at halos mapaatras pa ako nang walang pag-aalinlangan na lumapit siya sa akin.

"G—good... morning," utal kong banggit.

Tiningala ko siya nang nasa tapat ko na siya. Dinungaw niya ako. Ang mga mata niya ay naninimbang. Nagawa pa niya akong hawakan sa magkabilaan kong braso dahilan para mapatigil ako at saka pa pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng katawan ko.

"Does it still hurt?" Tinitigan niya ako, ilang beses naman akong umiling.

"Hindi naman..."

Shít! Mas lalo yata akong nahiya.

Hindi ko siya matingnan nang maayos at hindi ko matagalan ang mga mata niya kung kaya ay nag-iwas ako ng tingin. Tinanaw ko ang countertop kung saan naroon na nakahain ang mga pagkain.

"Nagluto ka?" mahinang tanong ko, nananatiling hiyang-hiya sa sarili.

"Yup. Gutom ka na ba?" Bahagya akong hinila ni Calvin upang makalapit doon. "Hindi na kita ginising. Alam kong napagod ka."

Umawang ang labi ko. Muli na namang namula ang pisngi ko, kaya kahit anong pagkausap niya sa akin ay hindi ko siya magawang tingnan. Tinulungan pa niya akong makaupo sa mataas na stool.

Nights Of PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon