Chapter 19: She Should Stand Still

342 23 2
                                    

WENDY

KENTONNI DRAGGED me in the hospital. Habang bumabyahe kami, nabanggit niyang sinugod sa ospital ang ate ni Sophie—iyon daw ang dahilan kung bakit miserable ito.

Nakaupo ako sa isa mga upuan sa waiting shed, habang hinihintay ang mga kamag-anak ni Sophie na umalis sa room at maiwan siyang mag-isa. Then that's my time to enter—

You know what Kentonni told me?

"Why need to bring me?" tanong ko.

"In case na hindi ako kausapin ni Sophie, may back up ako," sagot naman niya habang nakatingin sa labas through the car's window.

"Back up? You mean, me?"

"Yeah, exactly. Girls' talk. In this kind of circumstances, she needs that."

"Huh?" Napakunot ang noo ko. "Kung ayaw ka niyang kausapin, you as her childhood friend, malamang na hindi niya rin ako kakausapin."

"No, iba ka, Wendy." He then looked at me in the eyes. "You're her first girl friend. She won't ignore you. Baka kasi nagsasawa na siya sa mukha ko kasi ako nalang lagi ang nagko-comfort sa kanya."

I squinted my eyes. "You're in love with her, aren't you?"

Bigla namula ang buo niyng mukha at umiwas ng tingin sa 'kin. That's a good sign of yes.

"No! Why would I love someone who does nothing but beats me up?!"

I let out a heavy breath to hush myself. Girls' talk? I might need someone to tell me how the hell it is done. Ni hindi ko nga alam kung bakit na-ospital ang kapatid ni Sophie. Paano kung makapagsabi ako ng hindi maganda ta's ma-offend siya?

Hindi niya nga ako pinansin kanina e. Papansinin niya kaya ako ngayon?

"Are you waiting for someone, honeypie?"

I lifted my gaze to see who spoke at halos malaglag na ang panga ko dahil sa sobrang gulat.

Damn. She's so gorgeous. Para siyang isang model ng runway dahil sa tangkad niya at kitang-kita sa style ng pananamit niya kung gaano siya kayaman. She wore black sunglasses kaya hindi ko siya masyadong mamukhaan. Mahaba ang straight niyang buhok, at kahit hindi ko hawakan 'yon, halatang sobrang silky nito. Tungkol naman sa edad niya, nasa early 20's lang siguro siya.

"U-Uh," I stuttered. "I'm . . . w-waiting for a friend."

She went silent for a short while at pagkatapos ay ibinaba ang sungglasses niya para makita ako na nang maliwanag. She gave me a suspicious look. "A friend? No kidding, honeypie. Outside the VIP room?"

Saglit muna akong napatingin sa pinto ng kwarto kung nasaan si Sophie ngayon—oo nga pala, VIP 'to—at ibinalik ang tingin sa babaeng nasa harap ko.

Halos sumakit na ang batok ko sa kakatingala sa kanya.

"Opo . . ."

"Who are you?"

She gripped something from her handbag and it turned out to be a spray-like container pero mukha namang pabango. Wait a second—baka pepper spray 'to!

The Phantom Detective ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon