Chapter 01: The Trapped Melody

1.3K 69 35
                                    

WENDY

THE INCIDENT in the restaurant yesterday was reported in TV and other medias. As usual, the news travelled faster than light in our school. Almost every student here has great admiration for the phantom detective.

Will they believe in me if I tell them the identity of the unknown celebrity? Probably not. First, I'm known as the cursed doll of this school. Second, the answer to the question: the detective is still in highschool? rather is impossible. Absurd.

"Monday nanaman, papasok nanaman sa school. Pwede bang alisin na 'yang araw na 'yan sa kalendaryo?" one of my classmates requested.

Today's Monday, yes, the first day of the week obiously. Thirty minutes akong ahead sa time pagdating sa klase kaya tahimik lang akong nakaupo habang nagbabasa sa ebook ko ng And Then There Were None ni Agatha Cristie. Ito na ang pangatlong beses na babasahin ko 'to. The work is amazing, you can't blame me.

"Sino'ng hampas-lupang naglagay ng mga bato sa bag ko no'ng Friday, ha?!"

Always before the classes start, our section was known as the wildest, loudest throughout the STEM building. Ingay dito, chika doon. May mga lumilipad na papel, mga nagkalat na bag, at mga sumasayaw sa harap. Akala mong mga elementary students pa din.

Pero biglang nanahimik ang lahat nang biglang may malakas na galabog ang nanggaling sa pintuan.

Dumating si Zen, na beast mode dahil sinipa ba naman 'yung pinto. Ilang beses na naming nakita ang berserk mode ng lalaking ito dahil wala siyang pinipiling lugar kung saan ibabato ang tantrum n'ya.

Pero ang kadalasang ugali niya, being a happy-go-lucky guy. At hyperactive na akala mong lumamon ng maraming imported chocolates. Hindi lang mga babae ang nagm-mood swings. Daig pa sila ni Zen Vergara.

Kahit na wala akong kaibigan dito, kinikilala ko pa rin ang bawat classmates ko.

Sinundan ko lang siya ng tingin habang naglalakad patungo sa direksyon ko. Pero napahinto siya sa harap ng isa naming kaklase. Kay Tommy the nerdy extrovert.

Zen gave him an inhuman glare without uttering word. His chin's up as he looks down at the nerd, like a mighty King who was about to declare a punishment to the outlaw before him.

"A-Ano po 'yon?" nauutal na tanong ni Tommy habang nakatingala kay Zen at inangat ang makapal niyang salamin. Halatang matatakot siya.

Oh well, who wouldn't? That's a monstrous glare. If it could kill someone, there wouldn't be anyone in this room who could leave alive. Hindi pa siya nasasangkot sa mga suntukan, o kahit anong gulo dahil sapat na ang mga titig n'ya para manalo siya.

Saglit na ipinikit ni Zen ang mga mata niya at pagkatapos ay pumunta na sa upuang katabi ko. Nang maupo siya, ibinalik ko ang tuon ko sa cellphone at nagpatuloy sa pagbabasa. Ano kayang nagpabeast mode sa kanya?

Nanatiling tahimik ang classroom namin habang hinihintay ang teacher namin na dumating. Hindi ko alam kung natakot ba sila kay Zen o ano.

Padabog ulit na bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang isa nanamang anghel. Ito 'yung lalaking top 1 sa classroom namin, at siguro ang pinakamabait na estudyanteng makikilala n'yo-mabait sa lahat, maliban kay Zen.

The Phantom Detective ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon