Backstory: Quintuple Ruby [The Righteous]

386 33 1
                                    

RANSHIN IS an urban city with 25 million of population. A metropolitan. The city name came from a legend of a man named Ranshin who sacrificed the lives of his friends to save a thousand people. Supposedly because of this fascinating legend, the city must be sound and peaceful.

But 35 years ago...

Magulong siyudad ang Ranshin at hindi ito nagkaroon ng tahimik na araw. Mayroong isang namamatay bawat pagpatak ng araw. Sa bawat taon, kasing-dami ng patak ng ulan ang bangkay na iniiyakan.

Kahit ang mga pulis ay walang magawa sa krimeng nangyayari. Karamihan doon ay kagagawan ng grupo ng Quintuple Ruby—isang kilalang grupo ng limang professional assassins na gumagala sa Ranshin.

Ang kulay ng ruby ay lumalarawan sa dugong ikinakalat nila sa buong siyudad. Walang nakakaalam ng identity nila. Wala anumang klase ng armas ang makakapigil sa kanila. Hindi nila iniiwan ang crime scene na may isang bakas na clue. Para silang mga gumagalang leon na naghahanap ng pagkain para lang mabuhay.

They kill to live—not live to kill. Tumatanggap sila ng mga 'request' sa kanilang kliyente, at tumatanggap ng malaking halaga ng pera bilang kapalit.

"Leader, what do we do with this guy? He saw my gorgeous face," sabi ng pinakabatang babae na miyembro ng kanilang grupo.

Agatha Gregg—an orphan whose existence has been 20 years.

"Eliminate him," sabi ng leader nila. Kasing lamig ng mga yelo sa Antarctica ang boses niya. Sa unang beses na maririnig mo ang nagyeyelong boses na iyon ay hindi ka makakagalaw sa sobrang takot. Kahit na ilang beses pa paulit-ulit sabihin ng utak mo na lumayo sa kanya, hindi iyon magtatamgumpay.

Siya si Gregor Alburo, 47 years old with spirited leadership.

"Aren't this the 5th victim of this day?" walang-ganang tanong ng isang lalaking dating doctor.

Evan Gerona—45 years old at isang expert sa sniping. Walang isang bala ang magkakamaling dumaplis sa target niya.

"Okay lang 'yan. Tayo pa mapapahamak 'pag nabuhay 'yang hayop na 'yan," sabi ng babaeng may peklat sa pisngi na mukhang hiniwa ng kutsilyo. Rachel Daño—38 years old at magaling sa paghawak ng mga patalim. Hindi mo mamamalayang nad'yan na siya sa harap mo at ginigilitan na pala ang leeg mo.

Pagkatapos ay binaril ni Agatha sa noo ang lalaking nakahiga sa harapan nila. Walang emosyon ang mga mata niya habang nakatingin lang sa mga dugong umaagos sa paanan niya.

"Percival, clean the scene."

Agad na tumayo ang isang lalaking may salamin nang marinig ang utos ng kanilang leader.

Siya si Percival Monte—isang 25 years old retired detective na may pinagpalang nag-uumapaw na katalinuhan.

Sa kanilang lahat, si Percival ang pinakatahimik at pinakamatalino. Nagsasalita lang siya kapag kinakausap o tinatanong. Hindi siya nagsisimula ng pag-uusap kung hindi kailangan. Dahil sa kanya, walang anumang clues na naiiwan kapag pumapatay sila.

Pero hindi pa siya nakakapatay ng isang tao-ni walang pinaputok na baril at walang sinugatang tao. Ang trabaho lang niya sa grupo ay ang ilahad ang talino niya. Kahit pa sabihing self-defense ay hindi siya nananakit kaya siya ang laging inililigtas ng mga kagrupo niya.

Nang makabalik sila sa base nila, isang bahay sa isang subdivision, agad silang pumunta sa kanya-kanyang kwarto para magpahinga. Walang kapit-bahay ang nakakakilala sa pangalan nila. Hindi sila nakikipagkaibigan sa iba.

Nasa ilalim ng bahay na 'yon ang secret base nila kung nasaan ang mga armas nila at mga tinatagong pera. Hindi sila gumagamit ng banko para sa kaligtasan ng mga pangalan nila.

The Phantom Detective ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon