Backstory: Quintuple Ruby [The Fall]

317 29 4
                                    

"PERCIVAL! SARADO 'yung favorite nating cafe ngayon!" mangiyak-ngiyak na sigaw ni Agatha.

Simula noong pumunta sina Percival at Agatha sa bahay-paampunan, mas naging madalas ang paglabas nila. Biyernes ngayon ng hapon, mga 4:00 PM, at malapit na ang kasunod nilang misyon. Tatlong araw silang bakante at tinamasa ang kaligayahan ng pagiging malaya. Ngunit kahit na nagpapahinga ang Quintuple Ruby, ang ibang kriminal naman ang nagsasaya.

"Is that so? Then let's visit the kids first before I proceed to the group's rendezvous," sabi ni Percival at hinila ang kamay ng nagdadabog na Agatha.

Nang dumapo ang kamay ni Percival sa kamay niya, may naramdaman niyang may kumukuryente sa balat niya. 'Is this love?' sa isip niya. Siguro nga ay pag-ibig na 'yon. 'No, assassins shouldn't be in love.'

Sumakay sila ng taxi at nagtungo ito sa bahay-ampunan. Sinalubong sila ng mga bata na may ngiti sa kanilang labi. Masigla naman silang binati nina Percival at Agatha. Iniutos ni Percival na magtipon-tipon sila sa sala-kasama ang anim na bata, ang madre, siya at si Agatha.

"Mayroon akong baong riddle," sabi ni Percival habbang nakaupo sa couch. Taimtim na nakikinig sa kanya ang mga batang nakaupo sa tabi niya. Samantalang ang dalawang babaeng kasama nila at nakatayo lang sa gilid.

"Easy mode lang po dapat 'yan a. Hapon na e!" sabi ni Chris at ngumuso.

"Ahaha. Mayroong anim na bata-"

"-parang kami!" singit ni Pia.

"Anim na bata na nakatira sa iisang bahay. 'Tapos mayroong babaeng madalas na dumadalaw sa kanila. Isang araw, tinanong sila ng babae, 'Ano ang gusto n'yo maging, paglaki?' Ano ang sinagot ng anim na bata?" tanong ni Percival habang suot ang pinakamatamis na ngiti nito. Nanahimik ang buong sala at lahat ay nag-iisip ng sagot.

Pero walang nakasagot.

"Kuya Percival! Siret na kami!"

"Nu-uh. Kayo mismo ang sasagot no'n. Hahaha."

Napansin nilang iba ang saya ni Percival ngayon kaysa noong mga nagsaang araw. Mas masigla. Mas matamis ang ngiti. Mas mabait.

"Edi next time na pumunta kayo, sabihin n'yo po 'yung sagot a!" sabi ni Warren.

"Ah, tungkol d'yan. Si ate Morgana na ang magsasabi ng sagot," natatawang sagot Percival.

Ibang-iba ang ugali ni Percival kapag nasa bahay siya kasama ang Quintuple Ruby kaya masayang-masaya si Agatha na nakita niya ang gan'tong uri ng Percival.

Nang umalis na ang mga bata para kumain ng kanilang meryenda. Naiwan sa sala sina Agatha at Percival at parang biglang lumungkot ang aura. Kinakabahan si Agatha dahil narealize n'ya gusto n'ya si Percival at nagiging awkward na kapag silang dalawa lang.

"Agatha. Sit here," sabi ni Percival at tinapik ang bakanteng espasyo sa tabi niya.

"Sit here? Ano 'ko? Aso?" natatawang tanong ni Agatha at umupo sa tabi ni Percival. Mas lalo pang bumulis ang tibok ng puso niya dahil sa malapit na distansya nila sa isa't isa. Hindi nagiging komportable ang pakiramdam ni Agatha dahil magkadikit na balikat ng dalawa.

"If I were to die, what would be your last words for me?"

Kumurap ang mga mata ni Agatha at ipinihit ang ulo patagilid upang makita ang ekspresyon ng katabi niya. "Ha? A-ano..."

"Hmm?" ipinihit din ni Percival ang ulo niya upang makita ang mukha ni Agatha kaya ilang centimeters lang ang distansya ng kanilang mukha. Hindi nila tinatanggal ang tingin sa mga mata nila at naririn8g din nila ang paghinga ng bawat isa.

The Phantom Detective ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon