Chapter 13

29 1 0
                                    

#HRGChapter13

Bago niya pa ko sagutin, parang baliw na siyang hinatak ni Trish papunta sa table namin.

"Di mo alam na andito siya?" Tanong ni Der sa tabi ko.

Umiling lang ako. Malay ko ba diyan. May exam pa daw siya hanggang 9pm..... so bakit siya nandito?

Lumingon lingon ako sa paligid. Kinakabahan ako. Grabe, Lord, sana mali 'yung hinala ko, please. Baka naman sila Iñigo kasama. Pero knowing Iñigo, madali kong makikita 'yun. But just please.

Kahit na nabother ako sa itsura niya pagkakita sa'kin at gusto ko siyang tanungin, hindi ko naman na siya mabawi mula sa kaibigan kong may tama. Adik talaga to si Trish.

"Guyssssss, ipapakilala ko sa inyo 'tong poging best friend ni Avy!!!!!" 

I was half embarrassed and half amused by Trish. At dahil sigurado akong pagsisihan niya 'to, nilabas ko 'yung phone ko at kinuhanan siya ng video. Ibabalik ko sa kaniya 'tong kahihiyan na binibigay niya sa'kin. Itong si Der, tawang tawa lang din sa tabi.

"Ang pogi 'di ba?!" tawang tawa 'yung mga kaklase at profs ko lalo na nung nakita nila akong nagvivideo ako. "Halikaaaaa, join ka sa'min dali." hatak niya uli kay Sav.

That's when Sav turned his head and looked at me. I'm not really sure whether he's asking for my help to take him away or he's asking for permission if he could sit with us. I just nodded. Bahala siya diyan. Maya na lang kami mag-usap. Enjoyin ko muna pinaggagawa ni Trish sa buhay. Kung sakali man din na kasama niya si Anna, mas mabuti ng nandito siya samin. Pero jusko, di naman siguro susugod 'yun no?

Nakatayo pa rin kami ni Der sa may end ng table kasi nga nagvivideo ako habang nag-iinterview si Trish kay Saveo. I'll just get him out when needed pero safe questions pa naman like:

1. Saan ka nag-aaral? - Sir Mark

2. Bakit ang pogi mo? - Si Cherry na may tama na rin ang utak

3. Anong course mo? - Ma'am Mona

4. Kaibigan mo 'yan si Avy? Masisira buhay mo! - Sir Chris... hmp sapakin ko 'to eh.

5. Weh best friend lang ba talaga? - Sir Mark 

6. Bakit ang pogi mo? May kapatid ka pa ba? - Si Cherry ulit hahahaha

At lahat ng 'yan si Trish 'yung sumasagot. Bale inuulit niya 'yung mga tanong kay Saveo na akala mo bingi 'yung tao tapos sa kaniya sasagot si Sav tapos sasabihin ni Trish sa kanila na parang di sila magkakalapit. 

Ang sakit sakit ng tiyan ko kakatawa. 

"Lubog sa lupa 'yan bukas si Trisha.." sabi ni Der. Very true. 

Hindi na umorder ng alak ang mga profs dahil alam nilang may saltik na 'yung mga lasing. Nagpapahimasmas na lang din ang lahat. Si Trish nakayukyok na sa lamesa. 

Tinabihan ko na si Saveo sa upuan. Maiyak iyak pa rin ako kakatawa, eh.

"Happy?"

Tumango ako. "Ikaw? Happy?"

He shrugged. Nilapit niya yung bibig niya sa tenga ko para bumulong.. "Is your friend really like that?"

I giggled. "Bakit ka kasi nagpakaray?"

"Nagpa what?"

"Nagpahatak kako"

Kumamot siya sa ulo niya at umiling na lang. 

"Nakainom ka ba?" tanong ko. Di ko na maalala kung may bote ba dun sa lamesa niya kanina.

"Nope. I'll drive." iling niya. "You?"

His Rebound GirlWhere stories live. Discover now