Chapter 16

32 1 0
                                    

#HRGChapter16

Sa sobrang pagod ko magluto, nakatulugan ko na ang paghihintay kay Mama. I woke up on my bed the next day. Eh alam ko nag-uusap pa kami ni Saveo sa sofa kagabi.

Pagkababa ko, Sav and Mama are already having his breakfast.

I kissed Mama's head and hugged her from the back as I said good morning. "Anong oras ka na po nakauwi? Sorry po, nakatulog na 'ko" I said.

"Mga 12 na ata. Ayos lang. Pinagalitan ko nga itong si Saveo dahil gising pa. May susi naman ako, hindi niyo na 'ko kailangang hintayin. Halika na, sabayan mo na kami kumain"

Tinapik ko ang balikat ni Saveo bago kumuha ng plato ko.

Umupo ako sa tabi ni Saveo. Inabot niya naman ng kusa 'yung sinangag at ulam.

"Anong oras pasok mo?" tanong ko pagkaabot ko.

"10" he answered.

Ba't wala sa mood? 'Di ko na pinansin kasi baka wala lang talaga sa mood.

Dinaldal ko na lang si Mama sa lakad niya kahapon. Masaya rin naman niyang chinika 'yung nangyari with her friends. Gustong gusto ko talaga pag nakikipagkita siya sa friends niya or gumagala siya. Feeling ko kasi after Papa's death, Mama's life revolved around me and work. Parang nawalan na siya ng social life.

"Nga pala, nak. Nakwento ni Savy na gusto niyang mag Batangas. Tamang tama kasi. Kasi napag-usapan naming magkakaibigan na magventure sa farming. So we're planning to do an ocular visit sa farm sa Cebu -"

My eyes widened. "Wow! Can I come po?"

Umiling si Mama kaya sumimangot ako.
She chuckled. "Baka hindi rin kita mabantayan doon. Tsaka na lang tayo bumalik kapag gala lang talaga"

I pouted. Gusto ko ring sumama. 'Di pa ako nakakapuntang Cebu. Kaso, baka wala rin kaming pera. 

"Magbakasyon na lang kayo ni Savy sa Batangas. Bukas ba ang sabi mong alis niyo, Savy?" tanong niya.

Sav cleared his throat before answering. Anong problema nito?

When Sav's ready to go, I walked him to his car.

"Okay ka lang? Masama ba 'yung tiyan mo?"

He looked at me, confused. "What?"

"Kamukha mo si Mr. Grinch, eh. Did something happen?"

...Anna related, I wanted to add but I stopped myself.

The side of his lip rose. "I'm okay"

"Sure? Makagat man dila nang magsinungaling"

Natatawa siyang umiiling habang pinapatunog 'yung sasakyan niya. He opened the backseat door and threw his bag inside. Tapos, humarap ulit siya sa'kin.

Nakatingin lang ako sa kaniya. Naghihintay ng kung anong sasabihin.

"I'm really okay, Av. And, thanks for asking" he smiled. "Pabukas ng gate"

Umingos ako bago padabog na lumapit sa gate habang rinig ko yung tawa niya at pagsara ng pinto.

When the car's outside, he honked twice and I waved goodbye.

Pumasok na ako ng bahay pagkasara ng gate. Tapos, excited ata ang nanay kong palayasin ako kasi niyaya niya akong mag-ayos ng dadalhin.

"Ma, umamin ka nga po sa'kin...." sabi ko habang nag-eempake.

Pinigilan kong tumawa nang magulat siya. Aba! Bakit parang nininerbyos?

"May tinatago ka po ba sa'kin, Ma?"

His Rebound GirlWhere stories live. Discover now