Chapter 09

35 1 0
                                    

#HRGChapter09

Pagdating namin sa bahay, nagmovie marathon na kami kaagad. Sa sala lang kami nanonood. Si Mama, nasa kwarto niya nagwowork.

We're watching Stranger Things Season 1.

Kaso, after Season 1, nagyaya na ako na Kdrama na lang panoorin namin. 

Hindi talaga ako mahilig manood ng American Series. Ewan ko. Masyadong mabigat para sa kakarampot kong braincells at pakiramdam ko, nasa ibang dimensyon sila na hinding hindi ako makakarelate kahit minsan. I prefer Kdramas. Ang gagwapo kaya ng mga oppa. Hehe. Feeling ko yung magiging asawa ko, korean or soft type na lalaki. Yung charming tas laging nakangiti. Yung Lee Jong Suk, Song Joong Ki or Park Bogum type ganern. Kailangan ko pa kayang pumunta ng Korea para makakita ng oppa?

"May korean ka bang classmate?" biglang tanong ko kay Sav.

Kasi, united nations ang mga kaklase nito malamang. Si Inigo na lang mukhang espanyol. Si Alden, singkit pero parang mas mukha siyang Chinese.

"Chinese ba si Alden? Or Korean?"

"He's Chinese" sagot niya. "His parents are both Chinese"

"CWoah. E, may classmate ka ngang Korean?"

Nag-isip siya saglit. Habang nag-iisip siya, inabot ko 'yung popcorn na nasa gitna ng sofa. Nasa magkabilaan kaming dalawa ng mahabang sofa. Tigkabilaan kami na nakadantay yung paa sa solo na upuan sa gilid.

"Wait, do you mean a guy classmate or just any classmate?"

"Kung girl, okay lang pero dapat may kuya" sagot ko sabay subo ng popcorn.

Tumawa siya. "I'm not sure if she has a brother though. You can check her fb. What? You want koreans?"

Tumango ako. "Oo. Tingnan mo naman 'yan. Ang gwapo" nguso ko kay LJS na nagpapacute sa TV. "Kung ganyan makikita ko kada imumulat ko ang mga mata ko, ayyy, kahit dragon ata kaya kong kalabanin"

"You're exaggerating." He chuckled. "It doesn't work that way"

"How does it feel ba?"

He raised his brows at me. "What? I thought, aral muna anak?"

"Eh, I'll graduate na next year no. Tsaka, sometimes, I'm curious but most of the times I don't have the time to think about those things"

Sa dinami dami ng sinosolve naming  problems at kinakabisadong articles, tapos pag naalala ko pa love life nito ni Saveo, mas pipiliin ko na lang matulog.

"You don't even have a crush in your school?" he asked.

Ako naman ang nag-isip ng kunti. "Meron akong crush nung first year. Kaso, 4th year na kasi yun nun so gumraduate na. Tapos, wala na after."

He shrugged. "I bet there are lots of guys who want to date you so just wait until you graduate"

"Sav, can I ask something?"

"Hmm" his eyes focused on the TV. He smiled slightly while watching.

"You know, we never really talked about how you and Anna met. I mean, you're not classmates, nalaman ko na lang na nag exist siya nung pinakilala mo siya and then the next thing I knew, you're dating her..."

Nawala yung kakarampot na ngiti niya. I asked him before. He never answered. I guess, it's the same until now.

He shook his head. "It's all just perfect timing, I guess." Perfect timing? Fate? Taray. Dumedestiny din pala 'tong lalaking 'to. "This guy's so pacute. Crush mo 'to?"

When he diverted the topic, I knew he didn't want to talk about it. So, okay. Ano ba 'yan? Naka curious! Ang hirap naman talagang maging chismosa.

And, this night, naging adik na rin po sa kdrama ang magaling na Saveo.  Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako sa sofa. Sa mahabang sofa na ako nakahiga habang siya, lumipat sa solo chair. Naalimpungatan ako ng mga 3am, nanonood pa rin siya.

"You're still watching?"

"Yah. I'm on episode 5. We should've watch this sooner."

Ay grabe. Natulog na lang ako ulit kasi antok pa 'ko. Nagising na lang ako kinabukasan nang maamoy ko 'yung bawang na niluluto ni Mama.

And he's still awake.

Binato ko siya ng unan. "Gising ka pa rin? Natulog ka ba?"

Binato niya sakin pabalik. "I slept, okay? I just woke up."

"Weh"

Grabe. Adik na adik sa Dr. Stranger. Palibhasa, parehas  niyang martyr si LJS, eh. Wala. Kung ako, mas bet ko si Dr. Oh. Nakinood na rin lang ako sa kaniya hanggang sa tinawag na kami ni Mama para magbreakfast.

Nung after lunch, dahil masakit ang likod ko at puyat, natulog na lang ako. Iniwanan ko sila ni Mama na nanonood sa sala.

Paggising ko, nanonood pa rin siya. Natatawa akong bumaba sa sala. Grabe. Ala singko na.

"May balak kang tapusin 'yan?" tanong ko habang tumatabi sa kaniya. "Anong episode mo na?"

"17"

Hinilot yung ilong niya habang sumasandal sa balikat ko. Natatawa ako. "Ano, kaya mo pa?"

"I have to finish this"

"Wow, ah. May pasok bukas hoy. Anong oras ka pa matatapos. 8 or 9. Tapos, puyat ka pa? Ma, si Saveo oh!"

"Shhh. Hindi ko tuloy nabasa"

Natatawa ako kasi nireplay niya pa talaga.

"Tita left. I'll sleep here then will just leave early tomorrow. I badly want to sleep but I need to finish this"

Hinayaan ko na lang siya. Gumawa na rin ako ng meryenda namin kasi di pa ata tumatayo 'tong isang 'to. Habang nanonood siya, nakasandal lang siya sakin. Nakikinood lang rin ako habang kumakain.

Inopen ko rin ang wifi sa phone kaya nag-ingay na agad 'yung messenger. Puro sa gc ng class and gc namin nila Trish. Ang dami namang ibabackread. Si Trish mostly ang nagcchat. Tinatanong 'yung assignment namin sa tax at sa law. Isang beses lang naman akong nabanggit. Hinahanap ako ni Trish na sinagot ni Der.

Derrick: tulog 'yun malamang.

Nung nareach ko 'yung dulo, nagchat na palang bago si Trish.

Trish: Wow, nagseen. Gising ka na???

Me: Tulog pa :P

Derrick: samahan niyo naman ako magkwek kwek bukas :(((

Trish: pasama ka sa JPIA mo.

Natawa ako at binasa lang 'yung pag-aaway nilang dalawa. Tinanong naman ako nitong katabi ko kung bakit. Umiling lang ako.

Hay. Monday na naman bukas. Nakakatamad pumasok. Ang tagal namang magbakasyon. Gusto ko na magbakasyon.

His Rebound GirlWhere stories live. Discover now