Chapter 18

18 2 0
                                    

#HRGChapter18

Pagkarating namin sa isang island sa Nasugbu, inagaw na sakin ni Kuya Pol si Ate Maris kaya kami na ni Sav ang magkasama.

"What? You forgot you're with me?", tanong niya nung kunot noo ko lang siyang tiningnan.

Natawa na lang ako at napailing. Hindi ko na makita kung nasaan sila Kuya Pol. Tss. Mang-aagaw.

"Saan tayo magllunch?"

"On the next island. We'll travel for another two hours", he said as he looked at his watch.

After kong magpicture picture sa paligid at sa sarili, niyaya ko si Sav na ilibot ako sa yate. Hindi ko masyadong na-assess yung yatch kasi namangha na ako kay Ate Maris.

Pinakilala ako ni Sav sa pilot ng yatch then naupo na lang ulit kami. Kita na namin sila Kuya Pol and Ate Maris. They're just holding hands while walking pero mukha silang models na nagsshoot ng music video o cover page.

Ate Maris is wearing a yellow maxi dress that covers her toes. Wala siyang ibang accessories aside from a thin necklace.

"Next time, dapat mga ganyan 'yung jowain mo", sabi ko kay Saveo habang nakatingin kay Ate Maris.

"What?", he asked confused.

"Yung maganda na, mabait pa tapos matalino, kaso mukhang 1 out of 10 women lang 'yung pinagpala ng ganyan. Pero kahit ma-compromise na 'yung maganda at matalino, basta wag na wag 'yung mabait"

Tumawa siya tapos umiling iling sa pinagsasasabi ko.

Aba, 'wag niya kong tinatawanan, para sa future niya 'to.

"Gusto ko rin ng ganyan", I pouted while looking at the couple far from us, na walang kamalay malay na kinaiinggitan ko na sila. "Ganyan 'yung mga ideal relationship ko"

"Yeah. They deserve it. They struggled long enough"

I nodded.

"Pero ayoko rin ng ganun"

"Ng what?"

"'Yung dramatic na love story", sabi ko. Inayos ko 'yung hem ng dress ko kasi nililipad bago ulit magsalita. "Pwede kaya 'yun? 'Yung chill lang?"

"I don't know", he just murmured beside me.

Tiningnan ko lang siya saglit bago binalik 'yung tingin ko kila Ate Maris and Kuya Pol.

"Yung magkikita kaming dalawa, aamin siya, manliligaw, sasagutin ko siya tapos magpapakasal na kami"

He chuckled. "That fast?"

"Why not?" I shrugged. "Kung mayaman na ako at 23, magpapakasal na ako."

Dalawa lang kaya kami ni Mama, kaya gusto ko ng malaking pamilya. I sighed. Kaso nga lang feeling ko, I'll work until fifty pa just to get back our house. 'Wag naman sana.

"Marry a rich man then"

Tumango tango ako. "Pwede rin. Kapag napagod ako sa life, pipikutin ko si Iñigo"

Natawa kami pareho nang maalala si Iñigo na muntik na daw mapikot.

"Basta ikaw," I looked at him and glared at him. "No more Anna"

"Stop worrying about me, Av. I'll worry for myself."

Inirapan ko siya. Asa naman siya. As if na hindi ako mag-aalala, e feeling ko toddler lang siya na madadapa sa tae anytime.

I enjoyed the view, the sea, the sand and even the super yummy seafoods. Sabi ko hindi ako lalangoy ngayon, e. Pagmamasdan ko lang ang paligid kaso hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ang sunod na pinuntahan namin is a cove - I forgot about the name - with fine sands and a very very clear water.

His Rebound GirlWhere stories live. Discover now