Chapter 10

44 1 0
                                    

#HRGChapter10

I was busy the rest of the sem. Grabe, ramdam ko na talaga na fourth year na ako. Ilang overnights din ang ginawa namin nila Trish, Der and the rest of the group. Sa mga groups kasi, kami yung huling huli talaga kami para sa feasib at thesis. Pano ba naman 'yung leader namin, napakabusy. Tapos tamad din kami ni Trish. Eh yung dalawa pa naming kasama, parehong mahinhin. Haha.

Weekly pa ring nasa'min si Sav. Siya na nga 'yung nasa amin tapos ako 'yung wala kasi nakila Derrick kami. Malapit kasi yung condo niya sa school kaya dun kami nag overnight. Katabi lang, eh. Hindi na namin kailangang mag commute commute.

When the sem finally ended, I praised the Lord. For the good grades and for ending this na matino pa 'yung utak ko.

"Uno uno uno uno" sigaw namin habang tinitingnan grades namin sa thesis. Akala talaga namin hindi kami uno kasi gisado kami nung defense. "Iba talaga ang Romualdez powers!!" sigaw ni Trish. "Best thesis pa yon!"

"Kain tayo sa Mang Inasal! Libre ko!" sigaw ni Derrick. "Kaso, bukas na. May meeting kami ngayon hehe"

"Ano ba yan!? Wala ng pasok bukas!" reklamo ni Trish.

"Ito naman. Magbbind pa tayo"

"Akala ko ba si Av na bahala sa binding?"

"Edi kami na lang kakain"

"Edi kayo. Sus. Sa recognition na ko papasok ulit. Ang layo ko kaya no"

"Sa recognition na nga. Eto, napakareklamadora, eh" natatawang ginulo ni Der 'yung buhok ni Trish tapos tumingin sakin. "Ano? Bukas ka? Kaya mo ba mag-isa? Medyo busy ako bukas pero samahan kita pag free ako"

"Sus, papabind lang, eh. Go, Mr. President"

Naghiwa hiwalay kami na matiwasay lahat. So far, pasok pa ako sa magna. Waiting pa ako ng isang subject but I know I did good. Magwawala ako pag below 1.75 grade ko dun.

Pagkarating ko sa bahay, nagulat ako kasi nandun sasakyan ni Sav. Ginagawa nito dito? 

"Ma!" tawag ko agad pagpasok ng gate. Tapos, ang lumalamong si Saveo ang lumabas. Naka tshirt na green at shorts na cream habang kumakain ng banana cue.

"Ginagawa mo dito?"

"We bought a cabinet"

"Wow. Ikaw na ba bagong anak? Maaaa, bat di mo ko sinama?" maktol ko. " Nagplano kami bumili ng mga bagong gamit sa bahay tapos di ako kasama.
Tumawa lang si Mama. "Inuna ko lang naman mabibigat kaya si Savy sinama ko. Sa linggo ulit" sabi niya. Nasa kusina ata.

"Para namang nagbuhat siyaaaa! Idedeliver naman yon, e" I pouted. "Dito ka ba matutulog? Wala ka na bang pasok?" tanong ko kay Saveo. Jusko.

Parang kailan lang, hindi ko nakikita maski dulo ng buhok nito tapos ngayon, parang dito na talaga nakatira sa'min. Ang laki laki ng bahay nila sa QC. Sabagay. Maski, ako man siguro nasa kalagayan niya.

"Still have a week of exams. You done?"

"Yep! Uno kami sa thesis" pagyayabang ko.

"It's probably thanks to Derrick" asar niya.

Nagkita na kasi sila. Hinatid ako ni Sav sa condo ni Der thrice. Tapos every time kasi sumasama siya sakin sa taas kasi bitbit niya 'yung mga gamit ko. Tapos nagtatampo pa siya kasi sa condo daw ng iba, nakikitulog ako. Hampasin ko siya, eh. Wala namang nanabunot at naninigaw na kabit ako sa condo ni Der. Edi nung sinabi ko sa kaniya yun, nanahimik siya.

Grabe, dumaan lang ako para mag abot ng pagkain nung bagong lipat siya sa condo niya. Nakiinom lang ng tubig bago umalis tapos masasabunutan ako at mapagkakamalang kabit? Kung di naman talaga malala ang sayad sa utak ng girlfriend ng lalaking 'to, ewan ko na lang.

His Rebound GirlWhere stories live. Discover now