Chapter 19

15 2 0
                                    

#HRGChapter19

"Ang itim ko na," natatawa kong sabi habang tinitingnan 'yung balat ko habang nag-aagahan kami. "White pa naman 'yung gown 'ko" I laughed imagining my look sa Saturday. Pero hayaan mo na.

Di ko ipagpapalit 'yung masayang experience sa maputing balat.

"You're tan, it's okay"

I moved my brows upside down. "Ganyan 'pag bestfriend"

After breakfast and taking a bath, I went down tapos humilata lang ako sa sofa.

Today and tomorrow, dito na lang daw kami sabi ni Saveo. We only have two days left and parang ayoko na talagang umalis.

Buti naman nga at ang nasa itinerary na lang ni Saveo ay magpahinga. Jusko! Sa pagod ko sa mga pinagagawa namin nung mga nakaraan, gusto ko na lang talagang humilata.

Our activities for the past few days were extreme! Nag cliff jumping kami, Zipline crossing one island to another, parasailing then tinuruan niya ako pano magpaandar ng jetski.

Ang dami kong pasa, actually. Lalo na sa braso at hita. Bugbog 'yung katawan ko but I admit na sobrang saya. Everything's my first time.

Hindi kami lumangoy ni Sav. Nakahiga lang kaming dalawa sa sofa maghapon. Tapos bumangon lang kami nung maghahanda ng tanghalian tapos nung pinadalhan kami ng meryenda.

This is the real vacation.

After naming magmeryenda, hindi ko namalayang nakaidlip ako sa sofa. Or hindi na ata idlip kasi paggising ko madilim na.

"Wake up, we're going somewhere", sabi ni Saveo habang tinatapik ako pero sa phone niya nakatingin.

I frowned deeply. Pupungas pungas ko pang kinuha 'yung phone ko at tiningnan 'yung oras.

"Saan tayo pupunta?"

Saan kami pupunta, e mag aala siete na? 

"May pyesta ba? Teka, magbibi-"

He chuckled. "No, no fiesta, and what you're wearing is fine."

"Eh, saan nga?"

Hindi siya sumagot kaya naiirita ako lalo. Kagigising ko lang tapos pinag-iisip ako, eh!

He ruffled my hair while I'm glaring at him. Tapos, he just pulled me up.

"Just trust me. This is fun"

Inakbayan niya ako pero parang hinahatak na rin halos palabas ng bahay.

Pagkalabas namin, nagtataka na ako kasi sa dagat kami papunta. Magsswimming ba kami? I'm still on my white cardigan and shorts. Pero, ayaw niya na magswimming kami sa gabi.

"Lulunurin mo ba 'ko, Saveo? Tapos, magkakaroon na lang ba ng documentary na "the murdering case of Avelina Alec"?"

His deep laugh echoed around. Sa lakas ng tawa niya, nanahimik yung mga kuliglig saglit.

"Are you studying Creative writing? Your imagination's always so wild"

Mahina ko lang siyang kinurot sa tagiliran kaya napalayo siya sa kanan ko pero tumatawa pa rin.

"Saan ba kasi tayo pupunta?", baliw talaga 'to.

Sa pampang, sinalubong kami ni Kuya Wil na may bitbit na flashlight. Tapos, naglakad kami sa dagat. Low tide naman kaya mababaw lang but I am still so confused.

"Kuya Wil, saan po tayo pupunta? 'Di niyo naman po ako lulunurin di ba?"

Natawa si Kuya Wil. "Hindi ho, Ma'am. Lakad lang tayo saglit sa bangka kasi sadsad pa ho dito."

His Rebound GirlWhere stories live. Discover now