Chapter 03

54 1 0
                                    

#HRGChapter03

So, paano?

Halos hindi ako nakatulog kagabi kakaisip kung ano gagawin ko para di na balikan ni Sav si Anna. Umabot na nga ako sa point na, itali ko sa puno si Saveo, jusko.

"Oh, ano nangyari sa bestfriend talk niyo?"

Naupo sa harap ko si Trish habang si Derrick naman, naupo sa tabi ko.

"Salamat" sabi ko nung inabot niya 'yung pinabili kong FEWA at mango graham shake.

"Sino?" tanong ni Derrick.

"Sino pa ba? Edi 'yung bestfriend niyang kinakausap lang siya pag break na sa girlfriend" irap ni Trish bago sumubo ng bread roll niya.

"Anong nangyari?"

Buti talaga kaibigan din namin to si Derrick, e. May mediator kami.

"Ayun nagbreak nga sila."

"Bakit?"

Umiling lang ako. I really don't like to tattle. Hindi ko naman kwento 'yun and baka mas lalo nilang ijudge si Sav. Ako lang pwede humusga dun.

"Basta. Pero, kailangan hindi na sila magkabalikan. Pano ko ba sila pipigilan?"

"Edi paanak ka"

Binato ko ng tissue mukha ni Trish kasi walang kwenta kausap.

"Aray, pucha. Pero eto ha. Wala ka ba talagang gusto sa bestfriend mo"

I sighed. Nakakapagod na rin talaga sagutin tong bagay na 'to, eh. Minsan nakakainis na rin si Trish pag pinipilit niya 'to. I mean, bawal ba talaga maging magkaibigan ang babae at lalaki? Kaya ang hirap maging friends lang kasi ang daming malisyosa.

"Wala nga. Parang kapatid ko na nga 'yun. Kung may gusto ako dun sa palagay mo ba hinayaan ko pang makalapit sa'min si Anna."

"Malay mo, confused ka lang." Umingos siya but buti naman hindi na namilit kasi ibubuhos ko na sa kaniya buko juice niya. "Hanapan mo ng bago. I blind date mo"

Ngumiwi ako. "Kailangan ba talaga 'yun? Three month rule, hello"

"Eh, para alam niya na may iba pang babaeng nag eexist sa Earth. Oh kaya i-set up mo yung babae sa ibang lalaki"

Ako naman ang umingos. Jusq, nagloko na nga, hinayaan pa rin, eh.

"Maganda ba yung girlfriend nung bestfriend mo?" curious na tanong ni Derrick.

"Ay dyosa, Der. Pero mas maganda tong kaibigan nating Ms. JPIA."

"Syempre naman. Mas may gaganda pa ba dito?" Loko loko akong inakbayan ni Derrick habang tumatawa. "Tingin nga nung girlfriend. May fb ba?"

"Nakablock ata ako, eh. Wait."

Nagkalikot ako sa phone ko. Parang meron pa ata akong picture naming tatlo nung highschool, eh.

Ayun.

"Ito. Picture namin nung HS"

Nagkumpulan kaming tatlo sa phone ko. Nakadukwang na si Trish sa lamesa.

"Ay shet mas maganda - " sabi ni Derrick, na sinamaan ko ng tingin "- ka talaga, Avy. Lamang ka ng isang hilod" asar niya.

Tinawanan lang namin siya. Sira ulo. Pero okay lang naman kung mas maganda siya. Pero mas marami pa namang mas maganda sa kaniya so bakit nagsstick si Sav sa kaniya? I mean, bagsak na nga sa ugali yun, dapat sa itsura man lang bumawi di ba?

Hay, ewan.

"Ligawan mo na, Der." asar ni Trish.

"Pangit ata ugali niyan, eh? Pangit ba?"

Di ako nagsalita kaya tawang tawa si Trish.

Di ko rin kasi nakkwentuhan to si Derrick. Si Trish lang lagi. Kasi, girls talk. Tsaka, last year lang namin naging tropa si Derrick. Kami ni Trish, mula first year pa.

"Mabait yan. Tipong nangbubuhos ng tubig pag dadaan ka, ganun"

"Binuhusan ka ng tubig?" gulat na tanong ni Der. Tawa naman kami. Ang patola.

"Hindi, baliw. Subukan niya lang"

"Oh, ano ba kasing meron?"

Kaya ang nangyari, habang naglulunch kami, chinika ni Trish yung sitwasyon ko. Siyempre, yung alam lang niya na kinikwento ko kaya kulang din. Pero andun naman 'yung point.

"Di ba nagkagirlfriend ka?" Tanong ko kay Derrick.

Kami kasi ni Trish, NBSB kaya malay namin. Hanggang crush crush lang kami. Etong si Derrick, sikat to sa school since member ng JPIA tapos pogi pa kaya kalat na nagkaroon ng girlfriend na tourism, first year pa lang kami.

Kakabreak lang ata nila nung nagkakilala kami last year, eh.

"Bakit kayo nagbreak? Tas pano ka nagmove on"

Tumawa siya. "Teka lang, Tita Krissy, di ako prepared"

Tawang tawa naman kami ni Trish.

"We would like to welcome, Mr. Derrick Romualdez, President of JPIA, Most outstanding student awardee, here at The Buzz" gaya naman ni Trish kay Tito Boy.

Ang lakas ng tawa namin. Pinagtitinginan tuloy kaming tatlo.

Mga ilang minuto pa kaming naglokohan bago kami kumalma.

"Actually, nagpakabusy lang din ako. Acads tas ayon President din ako ng JPIA last year tapos nagtutor din ako sa freshies, tas nameet ko kayo ayun namalayan ko na lang, naka move on na 'ko"

Ohhhh. Pinakinggan ko siya ng maigi.

"Pano mo ba malalaman na naka move on ka na?"

"Dati, tingin ako ng tingin sa fb niya. Tas pag nakikita ko pangalan niya sa messenger gusto ko siyang ichat. Pag nakikita ko siya, tumitibok pa rin puso ko -"

"Malamang buhay ka" sabad ni Trish na ikinatawa ko.

"Bawal opinyon ng di pa nagkajowa ha" sangga ni Der na mas ikinatawa ko.

"Foul!"

"Please proceed" natatawang sabi ko.

"Hanggang sa wala na lang. As in wala na kong nararamdaman"

Tumango tango ako. Sana ganyan din si Sav. Hay.

"See. Hindi naman kailangang magkagusto sa iba ni Sav."

"Actually..."

Napatingin kami kay Der. Nanlalaki ang mga mata.

"Nagkajowa ka ng di namin alam?!" bunganga ni Trish ang laki.

Der chuckled. "Di ko naman naging girlfriend. Crush lang. Parang siguro it also helped when my attention focused on this girl"

Napangisi kami ni Trish. Sinundot ko sa tagiliran si Derrick. "Sino 'yan ha?"

Inasar asar namin siya. Nagbigay kami ng mga pangalan ni Trish na mga taga JPIA. Mr. Congeniality kasi to kaya ang hirap hulaan. Hanggang last section may kakilala. Bibo kid.

"Wala. Di ko sasabihin. Nanahimik 'yung tao"

"Bakit nagbblush? Hahaha. May jowa ba?"

"Wala naman"

"Bat di mo ligawan?"

"Mag ttop muna ko sa board"

Napahiyaw kami ni Trish. Ang taray. Di naman malabo dito magtop.

"Pero kung ako sayo Der, ligawan mo na. Kasi di mo sure. Baka kahit mag top 1 ka pa sa board, may first placer na sa puso nung crush mo" sabi ni Trish.

"I agree" natatawang sabi ko. "Pero okay din naman na mag-aral ka muna kasi alam mo, kung kayo. Kayo talaga. Whoo!"

Our banters and asaran continued pero napapaisip na rin ako ng mga sinabi ni Derrick.

So basically, he diverted his attention to other things and to someone else.

Ngayon, to other things muna.

Kailangan, hindi sisingit sa isip niya si Anna.

His Rebound GirlOnde histórias criam vida. Descubra agora