Chapter 14

40 1 0
                                    

#HRGChapter14

Sobrang sakit ng ulo ko paggising. Ayoko na nga sana bumangon but..swimming. 

Gusto ko magswimming. 

Kinalkal ko kaagad 'yung cabinet ko dito kung meron ba akong swimsuit. Si Tita Tess naman ang nag-istock ng mga gamit dito. Pangarap kasing magkababaeng anak ni Tita, eh si Saveo ang meron siya, kaya sa akin napupunta 'yung frustration niya sa baby girl. 'Pag umuuwi sila galing US, minsan mas marami pang damit para sa'kin. Minsan nga tinanong ko si Mama kung anak niya ba talaga ako o si  Tita Tess talaga ang tunay na nanay ko. Malay ko ba. 

Natatawa ako habang tinitingnan 'yung mga two-piece swimsuit. Baka tuktukan ako ni Saveo pag sinuot ko 'to. Wala akong nakitang rash guard kaya 'yung pinaka matinong swimsuit na lang. May adidas na two piece sando bra and shorts kaya yun na 'yung kinuha ko. Nagbihis na ako tapos pinatungan ko na lang na shirt at shorts ko. Nakakaloka namang irampa 'to.

Medyo nawala 'yung sakit ng ulo ko dahil sa excitement.

Dumaan muna ako sa kusina para bumati kila Nanay Tina tapos tinanong ko na rin kung gising na ba si Saveo. Di pa raw bumababa. Aba, tinamaan ata talaga. Actually, dalawa lang nainom ko sa smirnoff kagabi. Siya na 'yung umubos sa iba.

"Mag almusal ka na iha"

Umiling ako. "Mamaya na po, 'Nay. Sabay na po kami ni Sav. Magswimming lang po ako. Hehe. Pakisabi na lang po pag hinanap ako"

Yey.

Pagkabihis ko, talon agad ako sa swimming pool.

Ahhhhh. Ang sarap. Mas masarap pag dagat. Parang gusto ko na tuloy patusin 'yung alok na bakasyon ni Saveo. Ang sarap maligo sa dagat. Hindi pa naman summer ngayon kaya masarap magbabad. Kaso baka naman bagyuhin kami. Nung nakaraan nga umuulan ulan.

Dahil napagod na ako kakalangoy, nag-floating na lang ako pero patalikod. Nakalublob 'yung mukha ko sa tubig. Binibilangan ko 'yung sarili ko kung gaano katagal ko kaya.

"The fu-"

Nagulat ako dahil sa biglang galaw ng tubig, hawak hawak na ako sa bewang ni  Saveo 'yung bewang ko at inaangat ako. Sa sobrang bigla ko sumisigaw ako tas pinaghahampas ko siya. Siraulong 'to!

"What the hell are you doing?!" sigaw niya habang hinihilamos mukha niya pero hawak pa rin ako.

Nakakapit ako sa balikat niya habang humihinga ng malalim. "Bakit ka ba nanggugulat?!"

"Well, sorry if I thought you're a floating corpse."

Bumuga ako ng malakas na hangin at nagtimpi na magalit. Ke aga aga, jusko.

"Tsk" inirapan ko siya. "Panira ng trip, eh"

"Are you hungry? I asked Nanay Tin to bring our breakfast here"

"Oki"

Lumayo ako sa kaniya at lumangoy ulit para ilublob 'yung mukha ko. Kumapit ako sa end ng pool. Nasa kabilang dulo na rin si Sav habang nakatingin sa akin. 

Ngumiti ako sa kaniya.

"Paunahan. Game ha!"

Lumangoy ako papunta sa kung nasaan siya. I focused on swiming para maunahan ko siya. Excited akong umahon pero napasimangot agad ako nung nakita ko siyang di umalis sa pwesto niya. Sinabuyan ko siya ng tubig sa mukha. 

"Ang epal mo!"

Tumatawa siya habang inaalis 'yung tubig sa mukha niya. "Did I say yes?"

"Did I say yes, nyenye" I mimicked him. Epal, kainis. Bahala nga siya diyan. Lalangoy na ulit ako pabalik nang hatakin niya 'yung paa ko. Oh my god! I thought I was gonna die.

His Rebound GirlWhere stories live. Discover now