Chapter 29

12 2 0
                                    

#HRGChapter29

Bumalik kami ng bahay na hindi nag-uusap....pero nakangiti. Para kaming timang.

Pagpasok sa bahay, natanaw namin si Mama na nasa garden mag-isa. I looked at Sav. Tumango siya. Para akong napaso nang hawakan niya ang bewang ko at hapitin ako palapit para halikan ang noo ko.

"Happy new year, Av. Good night"

Nanigas lang ako for two seconds, namalayan ko na lang nakapasok na siya. Huminga ako ng malalim kasi parang di ako makahinga. Hindi naman siguro 'to dahil sa lechon, 'di ba?

Ang saya ko lang.

Huminga uli ako bago naglakad palapit kay Mama. Niyakap ko siya sa tagiliran tapos tiningnan rin 'yung tinitingnan niya. 'Yung dati naming bahay.

Ngayon lang siya uli nakapunta rito. Siguradong bumalik lahat ng alaala - both good and bad.

Naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa braso ko.

"Miss ko na ang Papa mo, 'nak" pumiyok ang boses niya and then I heard her sobbed. I silently cried with her. It's really not the house we missed but Papa. The memories with him. All the laughters. All the banters.

Kailangan kong mag-aral ng mabuti. I'll do my best to buy it back.

Siyempre, pagkatapos ng masasayang araw, balik school na ulit. Ang daming kailangan aralin. Hatid sundo pa rin ako ni Sav. Nasasanay na lang ako kasi tapos gusto ko rin naman kasi ang bilis kong nakakarating sa school at nakakauwi ng bahay. Pagod na pagod talaga ang utak ko, tapos siya 'yung pahinga ko.

"Where's Trish?" tanong niya agad pagkapasok ko ng sasakyan niya. He planted a kiss on my forehead and fixed my seatbelt.

Natawa ako nang maalala si Trish. "Nakikipag away pa sa score niya. Mauna na raw tayo"

Sinasabay kasi namin lagi si Trish papuntang Pureza. Mas mabilis daw kasi talagang makasakay don kesa sa Stop n shop. Kinwento ko kay Sav na may mali raw sa tanong sa quiz namin sa advacc kaya pinaglalaban niya pa sa Prof namin. Hindi talaga titigil 'yun pag alam niyang tama siya.

"Feeling ko talaga bagay siya maging lawyer." tawang sabi ko.

"How about you? Any plans on law school?"

"Hmm. Gusto ko sana. Kaso baka hindi right after boards. Magtatrabaho muna siguro ako"

Nagkwentuhan lang kaming dalawa. Nakaka three months na kami together. Ang bilis ng panahon. Akala ko, parang wala lang na maging kami. 'Yung tipong nag-iba lang ng label pero ganyn pa rin. Pero may... nag-iba.

I am now more conscious on what he does. Akala ko, kilala ko na siya but I'm still discovering something new like how he rhythmically taps the steering wheel whenever where stuck in traffic. 1-2-3-4-1234 and subconsciously ko rin siyang nagagaya kasi lagi akong sinisita ni Trisha kapag nag aaral kami. Naiirita raw siya. But it calms me.

"Wala pala kaming pasok next week" sabi ko sa kaniya.

Saglit siyang lumingon sakin kasi nag green na ang light. "Really, why?"

"Free cut whole week kasi evals sa weekends. Mahirap daw." I paused before I continued "baka magfocus muna 'ko mag-aral, Sav."

He nodded. "It's fine"

"Baka mamiss mo 'ko" asar ko sa kaniya tapos ang lakas ng tawa ko nung namula 'yung tenga niya.

"As if" he snorted pero namumula naman 'yung tenga. "Will see you on Saturday, then? What time should I pick you up?"

"7" sabi ko. "Malapit na pala umuwi sila Tita" pag-iba ko. Malapit na birthday niya! Buti na lang talaga hindi weekends ng birthday niya 'yung evals namin.

His Rebound GirlWhere stories live. Discover now