Chapter 17

26 2 0
                                    

#HRGChapter17

"Anong gusto mong dinner?" I turned to him and asked while we're still on the sands.

I suddenly remembered na maghahapunan pa pala kami.

Sav's leaning back with his hands supporting him. Nakatingin lang ako sa kaniya habang nakapatong ang mga braso at baba ko sa tuhod ko.

Tiningnan niya ako saglit tapos umiling, "I asked Kuya Wil for dinner."

Okay. Napagod din ako kakalangoy kaya gusto ko na lang humilata.

When the sun was down at kaunting liwanag na lang ang nasa langit, naengganyo ulit akong lumangoy. Tutal hindi rin naman pala ako magluluto but Sav pulled me away from the sea!

"We have two weeks to swim. Let's go back", sabi niya habang hatak hatak ako.

Nakasimangot lang akong sumunod sa kaniya.

Pagkabalik namin sa bahay, sakto naman na dumating si Kuya Wil dala ang dinner namin. He brought us batteries too and reminded us na mawawalan na nga ng kuryente mamayang 10pm.

I took a shower first. Iniwanan ko ulit silang dalawa kasi may pinag-uusapan ulit sila. Each room has its own bathroom and jacuzzi. Grabe, ito talaga ang perfect definition ng rest house.

Kahit saang dako ng bahay, makakapagpahinga ka.

Lahat ng dako na napuntahan ko, parang ayoko ng umalis. Ayoko ng umalis ng banyo, tapos pagkalabas ko, ayoko ng umalis ng kwarto tapos gusto ko na lang mahiga at namnamin ang malambot kong kama.

Dahil mawawalan daw ng kuryente, I tried to contact Mama na. I frowned when I can't contact her. Kanina pa siya nagtext na nakalapag na sila sa Cebu.

Nasa labas kami, nak. Kamusta kayo diyan?

I sighed in relief when she texted. Kinabahan ako, eh. Busy nga pala si mother. Nagkamustahan lang kami sa text kasi hindi rin daw ako makatatawag dahil mahina ang reception sa lugar nila.

Gusto ko pa namang magvideo call. Gusto ko ipakita 'yung kwarto ko tapos 'yung dagat.

Nang magpaalam na si Mama, bumaba na rin ako. Naabutan ko sa dining si Sav, bagong ligo na rin. Mukhang ang tagal ko talaga sa taas.

"I thought you fell asleep" sabi niya pagkakita sa'kin.

"Katext ko si Mama" Umupo ako sa tapat niya at tiningnan 'yung hinahain niya "Ano 'yan?"

"Lechon kawali and a soup"

Pagod ata kaming dalawa kasi tahimik lang kaming kumain. Hindi naman awkward yung paligid. We can hear the sound of the crickets, and the waves.

Pagkatapos kumain, ako na ang naghugas ng pinagkainan namin. Alam ko namang mas pagod siya sa'kin kasi nagdrive siya.

"You want coffee?", he asked when I'm tidying up.

"Barako?" I hesitated. Nakita ko 'yung inabot na kape ni Kuya Wil kanina, eh.

He nodded. "I'll put milk on yours"

"Sige"

"Okay. Just wait in the sala"

Uminat ako bago masayang umupo sa sofa. I went to the left arm of the sofa tapos siniksik ko 'yung sarili ko.

It's really long. Feeling ko pwede mahiga ang dalawang ako dito.

Napatingin ako kay Saveo nang makita ko sa peripheral vision ko ang paglabas niya. He almost camouflaged kung di lang sa black board shorts niya.

His Rebound Girlحيث تعيش القصص. اكتشف الآن