Chapter 34

38 2 1
                                    

#HRGChapter34

Narealize ko na isa sa nagpapahirap sa buhay ni Saveo ay ang tatay ni Anna. Baka sa kaniya nagmana 'yung anak niya. Talo niya pa ako kung makatext kay Sav. Mas talo nga ata niya si Iñigo.

Text siya ng text kay Sav na pumunta sa hospital. Sav even reached a point na binlock niya ang tatay ni Anna pero nagtext pa rin gamit ang ibang number.

"Gusto mo bang makipagpalit ng phone?"

Nakakunot ang noong tumingin sa'kin si Sav. Grabe, ang gwapo niya talaga pag nakasalamin! Araw araw ko 'tong nakikita pero di pa rin ako nagsasawa. Phew, Avy focus!

"Why?" I didn't answer. He sighed. "It's fine. I'll just change my number"

Tinaasan ko siya ng kilay. Kasi as much as he wants to, alam kong gusto niya pa rin makibalita kay Anna.

"Really, Avy, it's fine. Come here" hinatak niya ako palapit sa study table niya. "I'm sorry this is bothering you. Is it distracting your review?"

Umiling ako. "Ayaw mo bang makita sino mga nagcchat sa'kin?"

Napaawang ang labi niya and then he shook his head. "Really, Avy? It's your privacy"

"Messenger, Instagram, you have access. You can even reply to them to tell them na ikaw 'yung nagcchat"

Ewan ko ba dito, ang seloso pala? May nakita lang sa messenger ko na nagchat ng Hi, kaklase ko ata nung first year college, ang dami niyang tanong. Although, hindi naman niya pinakealaman 'yung phone ko. Halata mo lang talaga na sobrang curious niya and agitated. Bigla tuloy akong napa-change ng relationship status sa facebook.

"I don't - " he sighed again. "Fine..I know why you're doing this but this might bother you. If I see you distracted, I'll get it"

"Deal" I smiled at him and caressed his cheek. "I'll tell you if something happened, I promise"

"Give me your phone"

Umikot na lang ang mata ko nang simulan niya agad basahin 'yung mga nasa message request. Kunwari pang ayaw niya!

Napataas ang kilay ko nang may mga babae ring nagcchat kay Savy. 'Yung isa nag-aaya pa magdinner! Aba, kita na ngang in a relationship na siya?

Pinabayaan ko na lang kasi sure naman akong di magrereply si Savy. Kahit nga kila Iñigo di nagrereply, eh! Tinatamad daw siya magchat.

"Avy, who is this Marcus?" rinig kong sigaw ni Sav mula sa kwarto niya. I just closed the door. Bahala siya diyan. Mag-aaral ako.

And then his phone rang. Unregistered number.

"Hello?" sagot ko.

"Who is this?" I know that voice. Anna's dad.

"Avy po" sagot ko na lang.

"Where is Saveo? I need to talk -"

"Ako na po 'yung may-ari ng phone."

"You liar!"

I sighed. Ang sakit naman niya sa ulo. Alam kong mahal niya lang ang anak niya. Pero mahal ko rin si Saveo.

"Ahm" nag-isip ako. I really don't know how to address him other than that. Ang awkward naman kung Tito. Kasi last time I checked, dinuduro niya 'ko.

"Mawalang galang na po, Sir. May sarili pong buhay si Sav. Sana po patahimikin niyo na siya. Pwede niyo pa rin po akong i-contact pag may...emergency. Sasabihin ko po sa kaniya. Hindi naman po siguro kayo magbibiro na napahamak 'yung anak niyo kasi anong klase po kayong tatay pag ganun." hindi siya nagsalita. I took it as a yes. "Aasahan ko po 'yan. Bye po"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 31 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His Rebound GirlWhere stories live. Discover now