Chapter 08

29 1 0
                                    

#HRGChapter08

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Aba naman talaga. Kinalma ko yung sarili ko. Medyo nilayo ko rin yung baso ng gatas sakin kasi pag sinabi niyang magbabalikan sa kanila, baka ibuhos ko talaga sa kaniya 'to.

"Anong sabi?"

"She told me she's in France"

"Tapos?"

He shook his head. "Nothing. I just want you to know I didn't reply"

Natawa ako. At nakahinga ng maluwag. Thank you, Lord. Tumayo ako tas pinisil yung pisngi niya. "Very good naman ang baby boy na 'yan, hindi na tanga"

He sighed. "I still worry about her"

Bumalik ako sa pagkakaupo. "I think that's natural. Never pa naman akong nagkajowa pero feeling ko naman, she will forever be a part of you pero jusko, sinasabi ko sayo Saveo Alec, ipapamulto kita kay Papa kapag nakipagbalikan ka pa"

He just chuckled and shook his head.

A sign that our Anna talk is over.

Okay lang, ayoko rin namang pag-usapan yun. Naistress ako, eh.

Inubos lang namin yung gatas bago kami sabay na umakyat ng kwarto.

The next day, like what he said, hinatid niya nga ako sa Glorietta. Mag iikot ikot lang daw muna siya o tatambay kung saan.

Pagkababa namin ng kotse napalingon kami sa tumawag samin.

"Avy! Saveo!"

Nanlaki ang mata ko at ngumiti ng malapad. "Ms. Cruz!" halos tili ko.

Tumakbo ako sa kaniya. Niyakap ko siya ng mahigpit bago magmano.

"Kamusta po kayo, Ma'am?"

"Still pretty, of course! Ikaw ang kamusta?! Oh, kayo na ba ni Saveo?"

Natawa kami ni Sav. Nagmano rin siya kay Ms. Cruz. Room Adviser kasi namin siya ng 3rd year kaya magkakilala din sila tsaka lahat din naman ata ng teacher kilala to si Saveo kasi Class Valedictorian.

"Best friend pa rin, Ms. Cruz, siyempre"

"Hay nako. Hindi pa rin nagkakadevelopan?! Bakit Saveo? Naku, please tell me, hindi na kayo ni ...sino nga ba yung girlfriend mo nung Grade 10? Anyway, honestly, I really don't like her"

"Naku, Ma'am, wag na kayo mastress. Lika na po." Nilingon ko si Sav. "Text text na lang mamaya?"

He nodded.

"Oh bakit? Hindi ka sasama?"

"Di naman siya council, Ms." Natatawa kong sabi.

"Aba, Valedictorian naman. Hayaan mo at ako ang bahala sa'yo. Sumama ka. Iyayabang ko kayong mga anak ko dali"

Ms. Cruz is small but one persistent woman so Sav really had no choice. Nasa gitna namin si Mam habang naglalakad at mukha kaming tore sa tabi niya pareho. Natatawa na lang talaga ako.

Nginitian ko ng pang asar si Sav. Akala ko mayayamot pero mukha naman siyang enjoy.

Pagpasok namin, pinagtitinginan kami sa loob. Parang ang venue ata is resto ng isang alumna in support na rin sa business.

"Madam Avy!" natawa ako sa lakas ng tili ni Jace. Kung anong ginawa ko kay Ms. Cruz, ganun siya samin. Tumitili siyang tumatakbo at niyakap kami.

"Ay wow. Hi daddy Savy." Malandi at pabiro niyang bati kay Sav. He laughed and offered his hand. Kunwari namang kilig na kilig si Jace, or baka hindi kunwari.

His Rebound GirlWhere stories live. Discover now