Chapter 3

55 7 0
                                    

***


Nagdaan ang tatlong araw. Pa ulit-ulit lang ang nangyayari sa school. Aral, kain, uwi, aral, kain, uwi. Nakakapagod. Until Friday came and it's finally a "Happy Weekend".


Kinaumagahan, 5:30 a.m. nang gumising ako dahil mamayang alas sais ay dadating na ang van ni Syden dahil ngayong araw ang plano naming magpunta sa Palawan. Nag impake na ako at nagdala ng ilang damit para sa dalawang araw at isang gabi naming pamamalagi roon. Nagpaalam na rin ako kay Kayn kahapon kaya hindi ko na siya inabalang gisingin pa.


Lumabas ako sa condo, pagkababa ko ay nando'n na ang sasakyan. Nasa likod naman ay ang sasakyan ni Sean. Nakipag beso naman ako kay Zein at Rylee, si Syden naman ang driver.


"Good morning, Philippines and everything!" Bati ni Zein sa'kin.


"Ang aga aga, ang ingay mo!" reklamo ko sakanya.


"Matulog muna kayo. Mamaya pa naman ang dating natin do'n," sabi ni Syden habang sa daan pa rin ang tingin. Sinubukan kong matulog pero hindi naman ako dinadapuan ng antok. Nakita ko naman na mahimbing na ang tulog ni Ry at Zein kaya hinayaan ko nalang.


I opened my phone at kinuhanan ng litrato ang daan tsaka nilagay 'yon sa ig story ko with caption:

Otw to Palawan!

Chineck ko ang social media accounts ko pero wala naman akong nakita do'n. Hindi rin naman nag tweet si Matt today.

Wait, bakit ba 'ko interesado sakanya? Kainis!


"Bangon naaa!" Mahabang sigaw namin ni Syden sa dalawa nang makarating kami sa Palawan, tanghali na nang marating namin 'to. Inis naman na nagising ang dalawa. Tumawa naman kami ni Syden.


"Mga mantikang tulog," Syden said.


"Kingina niyong dalawa!" sigaw ni Ry.


"Ha? Nasa'n ako? I-Ikaw, s-sino ka? Kidnap? Mama! Na kidnap ako, mama, mamaa!!" Pinitik naman ni Syden si Zein sa noo dahil sa kagagahan niyang biro. "You're so loud, Zein Beatrice. Let's go, the beach is waiting!"


Kinuha na namin ang mga gamit. I'm wearing a beige off shoulder and white maong shorts. Itinali ko ang buhok ko ng bun. Nakapaloob ang red swim suit ko, sinuot ko naman ang shades ko.


Bumaba ako at dumiretso kami sa hotel tsaka pumasok sa room namin. Si Sean naman ay nasa kabilang kwarto. Pumunta ako sa maliit na veranda, tinignan ko ang view. Napaka ganda ng dagat, nakakamiss din ang Palawan dahil matagal tagal na rin no'ng huling naka punta ako rito.


"Kain muna tayo. Gutom na ako." Maktol ni Zein habang hinihimas ang tiyan niya.


"Sige, tanghali na rin. Hindi pa ako kumakain," sagot naman ni Syden.


Bago kami lumabas ay nag intro muna siya sa loob ng kwarto for her vlog. Sinubukan naman niyang katukin si Sean mula sa kabilang kwarto pero walang sumasagot. Binuksan niya naman ang kwarto at nakita niyang natutulog si Sean, mukhang pagod mula sa byahe. Hinayaan nalang namin siya.

The Promise Under the Sunset (Amantes Series #1)Where stories live. Discover now