Chapter 8

32 6 5
                                    

***

Today is May 9 (the day I'm typing this) Dedicating this chapter for all the mothers out there. Thankyou for being a super mom. Happy mother's day!<3

Love, redlune.

***


Sa parking lot, sabay-sabay kaming nakarating nila Syden, Rylee at Zein doon. Nagkagulatan pa kami nang makababa.


"Wow, 'di pinagplanuhan!" Pumalakpak pa si Zein.


"Oh my god, himala!" sigaw ni Syden. "Hindi late si Rylee." Tumawa kaming lahat.


"Partida, maganda ata ang gising," saad ko.


"Lubayan niyo nga akong tatlo. Let's go na nga, oh my God kayo." Nauna na siyang lumakad at parampa pa, as usual ay may gum sa bibig.


Nakita namin ang Student Council Officials na tumutulong sa pag aayos sa gymnasium para sa gaganaping event dahil ngayon din ang intramurals sa school. Mas maganda na ito kaysa kahapon. Nakita ko rin si Matt doon pero 'di ko nalang pinansin. Pumunta muna kami sa cafeteria para tumambay dahil wala namang klase ngayon.


"Hoy, Dayshin!" Sabay-sabay na sigaw nung tatlo kaya napahawak ako sa dibdib ko sa pagkagulat.


"A-Ano nanaman?!" tanong ko.


"Ano'ng meron sainyo ni President Matt, ha?!" tanong ni Zein.


"W-Wala?"


Pinanlisikan ako ni Syden ng mata. "Ay sus! Kala mo, 'di namin nakita yung tweet mo? My goodness. Lumalandi ka na sa twitter!" Mabilis akong umiling sa paratang nila.


"No, I'm not!"


Lumapit si Rylee sa'kin at tumabi. "Come on, Daye. We're bestfriends."


"I told you, girls. Walang namamagitan sa'min nung mayabang na 'yon."


"Huli ka!" Tumingin si Zein sa likod ko kaya napatingin din kami, nakita namin si President Matt, kasama niya si Crimson at nag uusap sila. "Hi, President Matt!" Kumaway ang tatlo habang napa iwas naman ako ng tingin.


"Hi, ladies. Good morning." Nakaiwas pa rin ako ng tingin sakanya.


"Hi, Daye." Baling niya sa'kin kaya tumingin ako pero mabilis lang at umiwas ulit.


"H-Hi.. ouch." Kinurot ni Rylee ang bewang ko kaya napasigaw ako pero mahina nang onti. "Ano ba, hayop ka." bulong ko sakanya.


"Una na kami. Ingat." Umalis na sila. Nakita ko naman na kumindat si Crimson kay Syden, kilig na kilig naman ang gaga pero tinatago niya 'yon.


"Wahh mamamatay na ata ako!!! Omg, girls. Nakita niyo 'yon!!!?! Ahhhh!!!" Sinabunutan pa ni Syden si Zein na katabi niya.

The Promise Under the Sunset (Amantes Series #1)Where stories live. Discover now