Chapter 13

21 3 0
                                    

***


"It's fine, we'll ask the chefs to fix this."


Walang salitang lumalabas sa bibig ko nang ma-realize ang kahihiyang sinabi ko hanggang sa nagsimula na 'kong mag panic. Tinawag ko na lahat ng santo sa isip ko para manalangin na sana ay 'di ko nalang sinabi 'yon.


"I-I'm so sorry! I didn't know. I'm not insulting it! I'm–"


"It's okay. Thank you for being honest. Hindi naman 'yon mukhang insulto for me, that's a good critique," he's trying to make me calm and think that it's okay. Pero hindi man lang gumaan nang kahit konti ang nararamdaman ko.


Hindi tuloy ako mapakali habang palabas kami sa restaurant.. nila. He didn't even bother to pay, because of course. It's their restaurant! Oh my gosh. I remembered that embarrassing moment again.


"I'll tell Mom to change her recipe because an honest customer told me that it's a bit salty. What do you think, Daye?" He chuckled when we get inside his car. I just rolled my eyes. Tsk, this man.


Tahimik lang ako habang nakatingin sa bintana, nag iisip ng pwedeng pag usapan. Hanggang sa maalala ko ang ginawa niya kagabi. 


"Hey," I called him.


"Hmm?" He replied, still looking at the road.


"What's the meaning of your message? Remember that 'kamukha ko 'yung future gf mo'?" He looked at me pero this time, seryoso na. I got nervous, a bit.


"That was a joke," binalik na niya ang tingin niya sa daan. I bit my lower lip, I felt pain inside me. Geez, what's happening to me?


Ilang minuto pa at nakabalik na kami sa parking lot ng school and it's already 2:30PM


"May klase ka?" Tanong niya nang makababa kaming dalawa sa sasakyan at naglakad papasok sa school.


"None, you?" I asked back. Ngumuso pa siya habang nag iisip. Tsk, he looks like a duck.


A duck..?


He shook his head. "After 1-hour pa. Let's stay in the cafeteria for now."


"Hmm." I nodded and walked with him until we reached the cafeteria. Nag order lang ako ng shake because I'm already full while Matt ordered nothing. Naupo kami doon, nilabas niya ang libro niya mula sa bag pati na rin ang lalagyan niya ng.. eyeglasses? I looked at him with curiosity.


"You wear eyeglasses? Why?"


"Siguro, sobrang linaw ng mga mata ko kaya gano'n," pambabara niya habang nagsisimula nang magbasa.


Nilabas ko rin ang ilan sa mga reviewer ko para basahin 'yon. Buti nalang at bilang lang ang tao sa cafeteria kaya walang masyadong nakakakita, for sure na wala rin silang klase. Ang iba siguro na wala rin ay nasa soccer field.

The Promise Under the Sunset (Amantes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon