Chapter 10

27 5 3
                                    

***

Flashback continuation


Araw-araw na kaming lumalabas ni Khalix. Minsan, hinahatid niya rin ako sa school. Mas madalas ko pa nga siyang kasama kaysa sa mga kaibigan ko.


Hindi kami mapaghiwalay. Unti-unti ko pa siyang nakikilala. Pinakilala niya rin ako sa parents niya at napag alaman ko na may bunsong kapatid si Khalix, she's Kamille. Nasa 14 years old ito. Mayaman sila, doon din daw siya talaga nakatira sa California dahil doon na sila nanirahan no'ng pinanganak si Kamille.


Lumipas pa ang mga araw na lagi kaming nagkikita hanggang sa..


"Teka, baka matisod ako," saad ko at kinakapa ang paligid dahil naka blindfold ako. He's about to surprise me. Siya naman ay hawak ang kamay ko para alalayan ako.


"Okay, dito na. Tanggalin mo na blind fold mo."


Tinanggal ko ang blindfold ko at nakita ko ang napaka gandang tanawing dagat. 'Yon lang ang nakikita ko at wala nang iba.


Nang lumingon ako, nandoon si Khalix. Nakaluhod hawak maliit na box. Binuksan niya 'yon at may necklace sa loob at may moon na pendant.


"Dayshin Veronica, will you be my girlfriend?"


I was speechless. I don't know what to say. Para akong na estatwa sa saya na nararamdan ko. Tanging tango lamang ang naisagot ko.


Noong una, sabi ko hindi ko seseryosohin pero nang nakilala kita. Ikaw 'yung taong nagpaalala sa'kin kung ano ba talaga ang definition ng love na sinasabi nila. Mahal kita, Khalix.


***


Khalix's P.O.V.


"Hi po, tito. Good evening, tita." Nagmano ako sa parents ni Daye. Nakaka kaba pala ang ganito. I'm doing my best para hindi ipakita sakanila na kinakabahan ako dahil ngayon ang gabi na ipapakilala ako ni Daye sa mga magulang niya. They invited me for a dinner.


"Have a seat." Seryosong utos ng Daddy niya na agad kong sinunod.


"So you're Khalix, right?" I nodded.


"Are you the only child?" Umiling ako.


"Pipi ka ba?"


"N-No, sorry."


"Kidding. Hindi ka kasi nagsasalita. I thought you can't speak."


Sumabat naman si Daye sa usapan para ipagtanggol ako. "Mahiyain lang siya, Dad. Where's Kayn, by the way?"


"Kakauwi lang at natulog na. Pagod siguro," her Mom said.


Napangiwi nalang si Daye at nagsimula na kaming kumain. Ramdam ko pa rin ang panginginig ng buong katawan ko. Halos hindi ko na nainom ng maayos ang tubig.

The Promise Under the Sunset (Amantes Series #1)Where stories live. Discover now