Chapter 18

28 3 0
                                    

***

Dayshin Veronica


Nagiging awkward tuloy ang feeling ko sa tuwing iisipin ko si Matt. Masyado siyang confident sa mga sinasabi niya. So.. he likes me?


Bumalik nanaman ang mga ala-ala. Bakit naman ako nahuhulog nang sobra?


Veron... Veron...


Ang dami ko na ngang iniisip, dadagdag pa siya. Binilisan ko na ang pagmamaneho pa uwi. Magdidilim na kaya bumalik na rin kami sa school, mahirap na ring ma-ipit sa traffic.


Naabutan ko ang T.V. na nakabukas habang natutulog na si Kayn sa sofa. "Kayn, wake up!" Niyugyog ko pa siya.


"Hmm.." Tss, antok na antok. Binigyan ko nalang siya ng kumot at unan para comfy siya, pagod lang siguro kaka-practice.


Naligo muna ako at nag ayos ng gamit para sa mga dadalhin ko pag uwi sa mansiyon bukas. Maaga rin akong gumising para makapag luto ng breakfast.


"Good morning," I greeted my sister when she woke up. "How was your sleep, little swan?"


"Fine. Thank you sa kumot at pillow. Ano'ng niluluto mo? Uuwi ba tayo?"


"Bacon and ham. Yes, uuwi tayo. Bukas na ang tournament mo, ready ka na?"


"I should be ready, ate," she laughed. "Ate.." Nilingon ko siya habang nagluluto ako. "Thank you and.. I'm sorry."


Sorry? For what? "Para saan?"


"Nevermind, let's eat." Sakto namang tapos na ako magluto kaya kumain na kami. "Kamusta ka? Bakit ginabi ka kahapon? Nag date ba kayo?"


Pft, napansin niya pa 'yon? "Uh.. nag-aya lang si Syden na uminom. Hehe," I lied.


"Tsaka, hindi kami nag date ni Matt, ha! Hindi ko naman siya kasama. Why would I? We are not close, anyways." I defended.


"Really, huh. Why are you so defensive? Wala pa naman akong sinasabing name." I could see her smirk. Alam naman niyang nagsisinungaling ako pero hindi niya nalang pinilit.


Nahuli nanaman ako ng kapatid ko.


Nang makarating kami sa mansiyon, nakita namin ang mga magulang namin na kumakain ng umagahan. Bumati muna kami sakanila.


"My princesses, let's eat?" pag-aya ni Daddy.


"No, Dad. Kumain na kami," Kayn refused.


Umupo muna kami para makipag-usap sakanila habang kumakain. Sa gitna ng pag uusap, nag-ring ang phone ko na agad ko namang sinagot. I excused myself at pumunta sa veranda to have some privacy.

The Promise Under the Sunset (Amantes Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt