Chapter 15

21 3 0
                                    

***


"Hay.." I sighed while opening the condo's door.


Tumambad sa'kin si Kayn na mag-isang kumakain sa lamesa, I could see her sad face. I sat beside her. Itatanong ko sana kung kamusta siya, but she gave me her assuring smile when she saw me.


"How was your day, love?" I asked.


"It was just a.. n-normal day, Ate. How about you?" I'm not satisfied with the 'normal day' but I think, she's not comfortable telling that to me.


"We had a date," wala sa sariling nasabi ko. Nanlaki ang mata niya bigla na sabay takip sa bibig. "I-I mean, with the girls!" Bawi ko agad. Baka kung ano ang isipin niya.


"Ahh." Tumango-tango pa siya at bumalik na sa pagkain. "Akala ko may boyfriend ka na, eh."


"Of course not!" Pag dedepensa ko agad.


Pumasok na rin ako sa kwarto, busog din naman ako. Naligo na rin ako at nagbihis ng pantulog. Nahiga ako sa kama at nag twitter. Napatigil pa ako sa bumungad sa'kin!


Post iyon ng isang Twitter account kung saan nilalagay ang mga ganap sa school. Nalalagay na rin ako minsan dito, pati na ang mga kaibigan ko, pero hindi sila naglalapag ng issues, puro lang papuri 'yon.


@FU_News tweeted:

President Matt Rodriguez and Dayshin Fhluria were caught dating!


Kasama rin doon ang ilan sa mga pictures namin together, ang pag corner niya sa'kin sa library, sa parking lot, sa tapat ng room at sa cafeteria kanina!


Hindi ko alam kung maiinis ba ako o.. kikiligin..


Kikiligin?!


Sinampal ko ang sarili ko nang isipin 'yon! Ano ba, Dayshin?! Bakit ka kikiligin? Dapat, mainis ka!


I checked the comments, lahat sila ay tuwang-tuwa sa nabalitaan. These gossips. Pati mga kaibigan ko, nakisali!


@syden.yn

Sana all!

@z_beatrice

#MatShin4ever

@ryleettuce

@aemievergara dito ka!

@aemievergara

Kaya pala hindi ka mahagilap kanina, Daye.


Pati si Aemie, nahahawa na sa tatlo!


Walang comment doon si Matt, siguro ay wala lang sakanya 'yon. Sabagay, kahit naman siya ay ulo ng mga balita sa school. Sanay na siguro siya. I just turned my phone off, humiga sa kama at ipinikit nalang ang mga mata ko saka sinubukang matulog.


Tumingin ako sa orasan, 1 AM na at hindi pa rin talaga ako makatulog. Bakit ko ba kasi siya iniisip? Ilang hayop na ang nabilang ko at uminom na rin ng gatas pero 'di pa rin ako dinadalaw ng antok.

The Promise Under the Sunset (Amantes Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora