Chapter 6

46 7 1
                                    

***

Uwian na kaya nandito ako ngayon sa parking lot. Nahuli akong umuwi sa tatlo kong kaibigan dahil nagpasa pa ako ng schoolworks na hindi ko nagawa nung umabsent ako. Gosh, isang beses pa lang ako umabsent pero ganito na ka-hassle!


"Dapat hindi nalang ako umbsent, tsk! " Inis kong binuksan ang kotse.


Napahinto akong nakatayo sa pinto ng sasakyan ko nang makita si Matt na nakatingin sakin at nakatayo rin sa pintuan ng kotse niya. Magkatabi ang kotse namin!


"What?" Irita kong sabi.


Nakakunot ang noo niya at nakangiti. He bit his lower lip to stop himself from laughing. Kala niya ba 'di ko napansin?!


"Is there something funny, Mister?" Tinaasan ko siya ng kilay. Nakakapikon.


Umiling siya. "Weirdo." Agad siyang sumakay sa kotse at nagmaneho pa alis.


Nanatili naman akong nakabuka ang bibig habang nakahawak sa dibdib. Nakaka offend! Hindi ko dapat palagpasin 'yon. Kapag nakita ko siya bukas ay magtu-tuos kami! Mark my words, Matt Rodriguez!


Sumakay ako sa kotse at nag drive papunta sa school nila Kayn. Nando'n siya sa labas ng gate at katabi ang dalawa niyang kaibigan na dadalhin niya sa condo.


"Ugh, pinaghintay mo kami!" Inis na sabi ni Kayn nang buksan ko ang bintana ng sasakyan.


"Oh? I'm so sorry, Madam. Ang alam ko kasi, may sarili ka pong kotse at hindi mo ako DRIVER." Dahan-dahan ko talagang binanggit 'yon sakanya nang sarkastiko.


"'Di ka mabiro, ate." Ngumuso siya. "Nakakatamad lang mag drive. By the way, this is Avery." Kumaway ang babae na nasa likod niya sa bandang kanan. Blonde ang buhok niya. Ka height lang ni Kayn at maputi.


"And this is Hazel." Ngumiti sa'kin ang babaeng nasa bandang kaliwa, black ang hair niya at naka bun ang buhok. May bangs din siya pero konti lang. She looks cute.


"Hi, sakay na kayo." Aya ko na agad namang sinunod ng tatlo. Sumakay si Kayn sa front seat at ang dalawa ay sa likod.


Nag usap-usap pa silang tatlo tungkol sa mga lessons nila sa school. Minsan naman ay nakikisali ako kapag nag aasaran sila at ang kapatid ko ang pinaka pikon.


Nagpatugtog din ako para naman may background music kami.

14 by Silent Sanctuary, now playing.

Ikaw lang ang ang nais kong makasama~

Wala na 'kong gusto pang balikan.

Kahit ako'y papiliin ikaw ay umasang gusto kong makapiling~

Sinasabayan din naming apat ang kanta. Sobrang sarap pakinggan.

Pero bakit ganyan.

Tayo ay napaglaruan

Siguro nga'y sadyang ganyan~


Hindi ko alam pero parang may kung ano'ng kumirot sa puso ko sa linya ng kantang 'to. Para bang may tinutukoy ang puso ko pero alam ko sa sarili ko na wala naman. Weird.

The Promise Under the Sunset (Amantes Series #1)Where stories live. Discover now