Chapter 9

29 5 1
                                    

***

Flashback


Nagmadali akong lumabas mansion at pumunta sa kotse ko. Sa hindi inaasahang pangyayari, nasira pa 'yon at ayaw umandar.


"Ugh! Kainis!" Inis akong bumaba at pinatawag ang guard para ipaayos ang kotse ko.


"Ma'am Daye, hihintayin niyo pa po ba?" Tanong niya. Mabilis akong umiling.


"Hindi na po. Mag ta-taxi na lang ako. Ma le-late na ako sa klase." Lumabas ako sa malaking gate namin, sakto namang may nakaparadang puting kotse kaya sumakay agad ako.


Umupo ako sa likod ng sasakyan. "Manong driver, tayo na." Nakayuko ang lalaki mula sa pagkakaupo niya sa driver's seat at inaayos ang sintas ng sapatos.


"Tayo na agad?" Tumingin siya sa salamin sa harap ng kotse. Napahinto ako nang marealize na naka polo siyang white at hindi pang taxi driver uniform ang suot. Hindi pala 'to taxi!!


Nagmadali akong bumaba dahil sa gulat. Bumaba rin siya. "Sorry, kuya! Hindi ko alam! Nagmamadali kasi ako, nasira yung sasakyan ko. Huli na ako sa klase, sorry po, pasensya na--"


"Okay lang. Hatid na kita?" Pinag isipan ko muna kung sasabay ba ako sakanya matapos ang kahihiyang nagawa ko. Pero, wala akong choice. Ayoko namang ma late sa school.


"Ahh.. ehh, hindi ba nakakahiya?" tanong ko sakanya. Tumawa pa siya nang bahagya at umiling. "Okay lang talaga, ha? Sira kasi 'yung kotse ko. Male-late na rin ako 'e." Nahihiya ko pang paliwanag.


"Okay lang 'yan, sakay ka na." Sasakay na dapat ako sa likod nang pigilan niya ako.


"Ops, bakit dyan? Hindi ako taxi driver 'no." Nahihiya akong napatawa nalang. Pinagbuksan niya pa ako ng pintuan sa front seat ng kotse. Ang gentleman niya.


Tahimik lang ako sa byahe. Ayoko rin namang magsalita dahil nahihiya talaga ako matapos ko siyang mapagkamalan na taxi driver.


"Dito nalang," ani ko. Huminto siya sa tapat ng gate ng school na pinapasukan ko. Bumaba ako, siya naman ay nanatili sa driver's seat.


"Ahh, so F.U. pala ang school na pinapasukan mo?" tanong niya nang makababa ako.


"Uhh, yes. Ikaw, saan ka nag aaral?" tanong ko pabalik.


"Sa Forteo Academy. Malapit lang." Tumango na lang ako. "By the way, ano nga pala'ng pangalan mo?"


"I'm Day--" hindi ko natuloy ang pagbanggit sa pangalan ko nang biglang nag ring sa cellphone niya at dali-daling sinagot iyon.


"Ah. Okay, okay. I'll be there. Bye." Binaba na niya ang tawag. "I have to go. See you."


"Sige, thank you sa paghatid ha!" Bumusina nalang siya at umalis.


"Excuse me, miss. Excuse me. Excuse me po. Padaan." Sunod-sunod na sabi ko sa mga estudyanteng humaharang sa dinaraanan ko. Crap! Late na ako.

The Promise Under the Sunset (Amantes Series #1)Where stories live. Discover now