Chapter 20

39 3 1
                                    

***

Dayshin Veronica

April 16 | Friday


"Ate, wake up!"


6 AM ako madalas mag alarm pero 4 AM pa lang, ginising na ako ni Kayn. "Parating na sila Ate Syden and your friends!" Ngayon nga pala ang birthday ni Syden, ngayon din ang celebration ng 2 million subscibers niya sa YouTube.


Wala namang pasok ngayon dahil holiday. Napag usapan na rin na Sunday pa nang hapon ang uwi namin para raw sulit. Buti nalang, nakabili na 'ko ng regalo para sakaniya. I just bought a designer bag as gift, though hindi naman siya gaanong mahilig sa material gifts. For her, simple greetings are enough. That's Syden.


Uminom muna ako ng tubig and eat my breakfast, nakapag luto na si Kayn kaya naman sabay na kaming kumain. "Maka gising ka sa'kin, parang excited na excited kang palayasin ako, ha? May pa-breakfast agad," I sarcastically joked.


"Hay na'ko Dayshin! Lahat nalang binibigyan mo ng meaning," she argued. "Alam ko lang na maaga kang aalis. Also, I wanted to thank you for taking care of me while my ankle is injured."


"Psh, it's my job, Kayn. I'm your sister." I gave her an assuring smile saying 'I'm always here'. "Pero, kaya mo na ba? Hindi pa fully recovered 'yang paa mo ha. Baka mamaya, maabutan kitang umiikot-ikot at tumatalon-talon dyan. Hahaha."


"Ate!" She pouted. "Oh, nga pala. I asked Hazel and Avery to come here para may kasama ako. I hope that's fine."


"Of course. Para naman may makapag check na rin sayo. Ayoko namang mag isa ka lalo na't hindi pa magaling 'yang paa mo and I know na super miss mo na sila." Simula kasi nang maaksidente si Kayn, nag leave muna siya sa school. Nag aattend pa rin naman siya sa virtual classes niya.


"Thank you, ate! Anyways, naka handa na ba ang mga gamit mo?"


"Yup, I already packed them before I sleep last night." Kulang pa nga ako sa tulog dahil nag countdown pa kami nila Syden, Rylee, Zein and Aemie sa facetime kagabi.


Nagpost din ako sa IG story ko nang eksaktong 12:00 AM ng picture naming dalawa ni Syden nung nag outing kami sa Palawan with a "Happy Birthday" caption.


Naligo na ako at nagbihis, I wore my two­-piece crochet na pinatungan ko ng see-through blazer at maong shorts. Tinali ko ang buhok ko at sinuot ang shades ko. Dumating na ang van ni Syden, kinuha ko ang good for 3 days and 2 nights na gamit ko. Hanggang ngayon, ayaw pa rin sabihin ni Syden kung saan ba ang ang beach na pupuntahan namin, all I know is outside Manila 'yon. Gano'n siya eh, adventurous siyang klase ng tao, mas gusto niyang nagpupunta sa malalayong lugar.


Hinatid na ako ni Kayn palabas para tulungan ako sa mga bitbit kong gamit, sinabihan ko na siya na h'wag na dahil hindi pa naman magaling ang paa niya pero gusto niya raw batiin nang personal si Syden.


"Happy birthday, Syden!" Sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap nang bumaba siya sa van, binigay ko na rin ang regalo ko sakanya na nakalagay sa paperbag. Bumaba rin si Sean para kuhanin ang bag ko na hawak ni Kayn.

The Promise Under the Sunset (Amantes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon