Chapter 2

312 14 0
                                    

CHAPTER 2: LOVE STORIES





Hinihingal akong kakadating lang dito sa Future High, sosyal pakinggan, pero public high school ito at sikat dahil maraming beses na rin nakatanggap ng mga awards at kadalasan sa mga students dito ay magagaling, matatalino at talented, pero hindi naman talaga mawawala sa paaralan ang mga katulad kong pasaway.





Ito na nga, ang aking sekreto. Ako ay Grade 11 pa rin! Yeah I know I know, sa edad kong 20 ay dapat collage na. Ganito kasi ang nangyari. Noong ako'y bata pa ay hilig kong magbasa ng mga Love Stories at halos puno nga kwarto ko sa mga Books. Para kasi akong nasa ibang mundo na kasama ang mga fictional characters. Subrang saya dahil lahat ng mga bida ay talagang nagkakatuloyan sa huli.



Dito ko nauubos bawat oras ko. Nang dahil sa books, matutulog pa lang ako gumigising na pamilya ko. Nang dahil sa books, minsan nababalyo na ako, iiyak tapos biglang tatawa. Nang dahil sa books, mas lalong lumawak imahinasyon ko. Nang dahil sa books, marami akong natotonan na lessons na ina-apply ko sa buhay ko. Nang dahil sa books, minsan gugustohin ko nalang maging single habang buhay, kasi fictional characters lang sapat na. Syempre gusto ko din ikasal sa lalaking para sa akin, tamang hintay lang sa future husband ko.



Pero nang dahil din sa books ay late school attender na ako o overage student. Tsaka pa ako pumasok sa education nong ako'y edad 11. Pagtungtong ko ng 17 years old, dito na nagbago ang lahat. Kundi dahil kina Romeo and Juliet ay hindi ako matatauhan na kailangan ng bawas-bawasan ang pagka-adik sa hobby na ito. Sila ang dahilan kung bakit natatakot na akong mag-mahal at umibig. Namulat ang aking mga mata na hindi pala lahat happy ending, hindi pala lahat makakatuloyan ang o minamahal o prince charming.



Hindi ko alam anong nangyari, simula kasi nong nabasa ko ang Romeo and Juliet ay puro na traggic, sad ending at hindi na nakaka-kilig ang mga love stories na nababasa at napapanood ko. Naiisip kong sumpa ba ito? Pero naisip ko ring baka maaga akong nag mature at bahagi na rito ang pagkatakot kong mag-mahal.



Kaya ito, hindi na ako tulad ng dati...pero syempre nandiyan pa rin ang pagka-mahal ko sa mga books kasi kung nakasanayan mo ay hindi naman agad nawawala 'yan. Kaso nga lang hindi na tulad ng dati na puro mga love stories kinahiligan ko. Ngayon mga action, fantasy, mystery, thriller, horror at kung ano-ano pa basta walang romance. Ayaw ko na kasing masaktan at umiyak sa mga love stories na hindi nagkakatuloyan.






Lumilingon ako sa campus at lahat ng mga students ay may freedom. Oo freedom, lahat sila nasa labas ng klase, ginawa ang gustong gawin gaya ng kumain sa canteen, maglaro sa labas, chikahan with friends, landian with crush, para silang mga buboyog subrang likot at labas-pasok sa classroom kahit oras pa ng klase.



Hindi na ako nagtataka, normal na ito. Marami kasing mga program na nagaganap dito sa school at ang ibang mga teachers ay volunteer sa pag tulong kaya may freedom ang kanilang mga hinahawakang students. Oo ayaw kong magpaka-stress sa school at gustong magsaya lang, pero hindi naman ako tulad nila. Cool lang ako sa loob ng classroom, matulog, makipag kwentohan sa nag-iisa kong kaibigan at hanggang makatulog.




Pagpasok ko sa classroom ay gaya ng inaasahan, subrang likot nila. Wala akong nakita na nakaupo at behave, lahat sila nagtakbohan, naglaro, chikahan, tawanan, batohan, at may nakakasira pa ng gamit.



"Oi! Hala! Lagot kayo kay Ma'am..." nakasira na naman sila ng upoan. Napabuntong hininga ako at bagsak ang balikat ko habang umupo sa upuan kong nasa likoran.



"Sinong nakakita sa ballpen ko?! Pakiusap naman ibalik niyo, 'yon nalang natitira sa akin..." humagolgol ito sa kaniyang upuan.



Nakita ko ang mga babae kong classmates na nagpapa-ganda sa harap ng salamin "Maganda na ba ako?" Tanong nito habang naka nguso.



"Lagi ka namang nagpapa-ganda, pero pinapansin ka ba ng crush mo? Hindi!" Sabay sagot ng kaniyang kasama at tinawanan siya.



Ang mga kalalakihan nama'y kumakanta "Ika'y akin...akin din siya, mahal ko din iyong kaibigan..."



"I'm tired of this." Naka-busangot kong sambit. Ang sakit sa tenga. Lahat sila'y subrang ingay, halos sunod-sunod silang magsalita.



"Natatawa akong magbasa sa mga teen-fiction stories na may ganitong eksina, pero in reality nakaka bwesit!" Sabi ko sa sarili, tiyak ko namang hindi nila ako narinig.





"Nasaan na ba si Anna? Tagal naman niya...sana papasok siya..." lumilingon ako habang hinahanap si Anna, ang nag-iisa kong kaibigan. Kinuha ko sa bag ang cellphone at tinawagan siya, agad naman niya itong sinagot "Anna saan ka na?" Tanong ko.



"Naku sorry Pusa...hindi ako makapasok, may lakad kami ng pamilya ko..." sagot niya.



"Weeh...hindi ka lang pumasok dahil alam mong may dance performance tayo..." tinawanan ko siya.



"Totoo talaga Pusa...pero tama ka na rin, ayaw ko talagang sumayaw..." sabi ko na nga ba.



"Same...kaya nga tayo naging mag kaibigan. Pero walang nangyaring performance task." Pinipigilan kong matawa.



"Ano?!" Taas boses niya, alam kong umuusok na ang ilong niya sa kabilang linya.



"Masaya sana dahil walang teacher, pero sino bang sasaya sa ganapan ng classroom natin at absent ka pa..." napakamot ako sa ulo.



"Naku sorry talaga Pusa hah...importante talaga lakad namin. Sige Pusa kailangan na naming umalis..." sabay patay niya sa tawag.










Memories Of Our Moments (When Two Worlds Meet #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن