Chapter 6

163 11 0
                                    

CHAPTER 6: WILL WE MEET AGAIN?





Pagkatapos manuod ay naiwan ako sa lamisa, ni-hindi ko alam anong ginagawa ko sa sarili, lagi kong iniisip ang lalaking ngayon pa lang nakita.

"O anak, mukhang may gumagabal sa'yo..." nilapitan ako ni Papa at tumabi.

"Pa may tanong po ako, dapat po bang pagkatiwalaan ang taong ngayon mo lang nakita, pero may kakaibang sinasabi sa iyong puso?" Tanong ko.

"Sa trabaho ko bilang police, hindi sapat ang nakakaawang mukha para sabihing inocenti ito, minsan talaga ang inakala mong hindi sangkot, siya pala ang totoong salarin, kaya anak huwag basta-basta magtiwala..." luh grabe naman, ang naisip na ni Papa ay crime scene agad.

"Alam ko naman po 'yan Pa, kaso nga lang po hindi ko ramdam sa kaniya na nasa delikadong sitwasyon ako, instead parang hindi ko gusto matapos ang kwentohan namin..." napabuntong hininga ako.

"Taika, taika nga, sino ba 'yang tinutukoy mo?" Kumukunot ang kaniyang noo.

"May nakilala po akong stranger, lalaking unang nagpatibok sa puso ko na hindi ko man lang alam kung bakit, at tapos parang subrang special na niya para sa akin, hindi ko alam anong ibig sabihin nito..." napakamot-ulo nalang ako. Alam ko naman kung ano 'yung feeling ma-in love dahil nga love stories lover ako, pero pagdating na sa sarili kong buhay ay tila nahihirapan akong intindihan itong sitwasyon ko.

"Alam ko 'yan, love at first sight 'yan... ganyan na ganyan ang naramdaman ko sa Mama niyo..." abot tenga ang ngiti niya. Love at first sight? Oo nga noh, hindi ko ito naisip ah...so ibig sabihin, kay Robin lang ako na-love at first sight.

"Ayieh si Pusa umiibig na..." kinikilig ang tuno ng boses niya habang ginugulo ang mga buhok ko.

Nagsalubong ang aking mga kilay "Papa naman, stranger nga 'di ba, so malabong magkita pa kami..." Pero sana magkita pa kami ni Robin, gusto ko lang muling maranasan ang nararamdaman ko sa kaniya.




Pagpasok ko sa kwarto ay agad akong humiga sa kama at kinuha ang laptop. Nag-research ako sa facebook, twitter, instagram at kung ano-ano pang social media platforms.

Napakunot-noo nalang ako "Hala...baka multo si Robin, o baka naman alien..." wala siyang account sa kahit anong social media. "Taika sa google...seryoso...? Akala mo namang famous ‘yong tao na 'yon! Pero sige try natin..." kinakausap ko na naman ang sarili ko.

Halo-halo ang bumungad sa akin na mga resulta, pero isa lang ang umagaw sa aking attention, ang “London University's Photographs Contest.” Isa siyang photographer at nakatira sa London, kaya baka nakasali siya dito sa nasabing contest.

Agad kong na click ang link, bumungad sa akin ang klase-klaseng mga london students na malamang galing sa iba't ibang university, scroll lang ako ng scroll, hanggang sa nakita ng mga mata ko ang nakasulat na “Robin Wayne Constantine, Winner.”

Abot tenga ang ngiti ko "Oh my...ang galing ng love ko..." pumalakpak ako na parang bata at nagawa ko pang tumatalon-talon sa kama na parang ako ‘yong nanalo sa contest, masaya lang ako para kay Robin.

Ang cute ng love ko este ang photograph niya. Hawak niya ang already frame photograph na siya mismo kumuha, isa itong magkasintahan na naglalaro sa dagat kasama ang kanilang pusa. Grabe kaloka, isa pala siya sa mga famous photographer sa london, minsan na rin siya na feature sa mga show, ang bongga nito!

Binasa ko ang interview sa kaniya, may tanong na "What is your hobby or want in life?" Ang sagot niya "I want what I want (laugh)." Napatakip ako sa bibig at natawa "May pagkatulad din pala siya sa akin eh..." tama nga naman, gusto mo ang gusto mo, alangan naman gusto mo ang ayaw mo.








Hindi ako pumasok sa klase dahil holiday, joke lang. Dahil hindi papasok si Maam, joke lang din.
Ito seryoso na talaga, hindi ako pumasok dahil kailangan, once in a week ay kailangan ko raw mag exercise, gawin lahat ng types of exercise, kaya ito nag jogging ako hanggang makalabas sa barangay, patungong market o kahit sa malayo pa.

Kailangan dahil importante at needed, what? Nababad nga ako sa books since kid at walang kahit isang exercise ang nagawa. Kaya pagkadalaga ay sumasakit ang katawan ko, nagmumukha akong matanda, ‘yung bang kikilos ka tapos bigla nalang sasakit ang buto mo, ouch grabe... tinatawanan pa nga ako dahil para daw akong uutot na nanatiling nakatayo.

Hanggang sa narating ko na ang Luna Street, malayo na ito sa amin. Hinihingal akong huminto "Woah! Nakakapagod, medyo malayo na pala ang narating ko..." pawis na pawis ako, buti nalang lagi akong may dalawang waist bag na kasyang-kasya ang tubig at extra shirt. Kailangan ko ng magbihis para makauwi na.

Lumilingon-lingon ako sa paligid dahil baka may dadaan "Ayan wala na..." dali-dali akong nagtago sa isang magandang kahoy na kinatayoan ko, at nag bihis.





Pagkalabas ko ay nanlaki ang mga mata ko nang may lalaki sa kabilang kalsada at kinokuhanan ako ng litrato, agad naman siyang napaiwas kaya pariho naming hindi nakita ang mga mukha. Nagsalubong ang mga kilay ko "Gago 'yon ah!" Dali-dali ko siyang nilapitan habang siya nama'y iba na ang kinokunan ng litrato.

"Hoy!" Nangangalit ang mga ngipin ko habang mahigpit kong hinawakan ang kaniyang balikat sabay iniharap ko sa akin.

Nang maiharap ko siya "Gago kang bastos ka!" Sabay suntok ko sa mukha niya. Nanlaki ang mga mata ko at tila nahuhulog ang aking panga.

"Ouch..." sabay hawak niya sa mukha habang nakakunot ang noo.


Napatakip ako sa bibig "R-Robin...? I'm so sorry..." paghingi ko ng tawad habang dahan-dahan kong inilalapit ang mga kamay ko sa kaniyang mukha.

"Maripusa…? Hi!" Gago itong lalaki na 'to, nasuntok ko na nga nakuha pa akong ngitian. Aba...mukhang tuloyan na nga niyang nanakaw ang puso ko.

"I'm so sorry..." nahaplos ko na ang kaniyang mga pisngi at nagkatitigan kami.

"No it's okay..." sabay kindat niya.

Agad kong inalis ang mga kamay ko sa mga pisngi niya "Well not so sorry, because you take pictures of me while I changing clothes!" Humawak ako sa mga bewang ko habang sinalubongan siya ng mga kilay.

"No it's not what you've think, that beautiful tree is what I taking pictures of..." sabay turo niya sa kahoy na pinagtagoan ko at napalunok ako. Oh oh, napahiya ako...first time in my life nakadama ako ng hiya sa harapan ng lalaki. Well attractive din naman kasi tignan ang kahoy, may mga bungang bulaklak na kulay white, para siyang mga kahoy sa Japan.

"Well on that case I'm really sorry from the bottom of my heart...but I need to go now..." sabay hakbang ko at tumakbo mula sa pinangalingan ko kanina dahil uuwi na.


Oo nga pala, humingi pala ako ng sign kung dapat bang pagkatiwalaan na siya at pakinggan ang sinasabi ng puso...ito nangyari na nga. Hindi, last na ito. Kung muli kaming magkikita na dapat isang magandang pangyayari, ‘yung tipong hindi ganito na nag-away kami...'yung bang magkatitigan, magkahawakan, magkabutihan, o magtulongan. Pero ang tanong ko ngayon, will we meet again? Para kasing ang impossible pang-mangyari ulit, dahil maluwag ang mundo at maliit ang tsansa na kami'y muling magkita.  Pero like I said, bahala na ang tadhana, bahala na.







Memories Of Our Moments (When Two Worlds Meet #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon