Chapter 13

97 8 0
                                    

CHAPTER 13: TRUE LOVE BEGIN




Pagkatapos ng bwesit na pangyayari ay bumili na kami ng mainit na tubig, kasing init ng komukulo kong dugo sa lalaking gago na 'yon!

Bumalik kami sa classroom at kami nalang pala ang hinihintay, halos lahat ay nakaupo na "Sorry po Ma’am..." pag-hingi namin ng tawad ni Anna.

"Okay lang ilagay niyo nalang diyan sa lamisa ko, salamat. Maupo na kayo..." nilagay ko ito sa lamisang nasa likuran at sabay kaming umupo ni Anna sa magkatabi naming upoan.

"Let's do some activity! Tatawagin ko bawat isa sa inyo at tatayo kayo para sagotin ang itatanong ko, kapag makatama kayo automatic meron kayong 15 points, pwede din mag pass pero wala kang points..." sambit ni Ma’am na nakatayo sa aming harapan.

"Okay sige, simulan na natin." Nililingon niya ang bawat isa sa amin, mukhang nag-iisip kung sino ang unang tatawagin.

"Rodriquez! Music. Who's invented the karaoke?" Tanong ni Ma’am

Agad namang tumayo si Rodriguez "Roberto del Rosaryo!" Sagot niya.

"Correct! Grayson!" Ayan ako na.

"Ma’am!" Chill lang akong tumayo kunwari maraming alam.

"Mathematics and-"

"Pass!" Agad kong pinutol ang sasabihin ni Ma’am at natawa lahat ng classmates ko. Bakit ba kasi sa akin napunta ang tanong ng Mathematics na 'yan. Medyo bobo ako diyan. Minsan naiintindihan ko pero paglipas ng ilang oras hindi ko na gets. Bakit kaya ganun ang Math noh, may mga lessons na kaparihas lang naman sa isang lesson, may mga inalis lang at idinagdag pero hindi talaga nalalayo, sinong niluko niyo. Sana may makaintindi sa akin.


Abot tenga ang ngiti kong umuwi sa bahay at tinanaw ang balcony ng kwarto ni Robin "Nakauwi na ako Love."





Pag-sapit ng gabi, first time na busy ako sa mga assignments at kumakanta pa akong nag re-research kasi kunti lang ang nai-sulat ko sa notebook kaya palaban ako sa internet. Napahinto ako sa ginagawa dahil parang may kumakanta at tila galing sa ibaba.

Pumunta ako sa balcony "R-Robin?" Tama ba ang nakikita ko? Hinaharanahan ako ni Robin?


Abot tenga ang aking ngiti habang nakatitig kay Robin na naka barong. Humaharana siya sa gitna ng kalsada habang nakatanaw sa akin, siya'y nag-gigitara at slung na kinanta ang Gitara by Parokya Ni Edgar. Sinasabayan pa siya nina Papa at Kuya na nakasuot din ng mga barong at may hawak na mga rosas.

Nagtapos sila sa pag-bow "Awww ang cute niyo tignan..." napahawak ako sa sariling mga pisngi na namumula. Para na naman akong nasa love stories na hinaharanahan ng lalaking makakatuloyan habang buhay.

Biglang bumukas ang pintoan ng aking kwarto at bumungad sa akin si Mama  "Anak ready ka na ba?" Naka ngiti niyang tanong.

What's on earth happening here? Nagugulohan pa rin ako sa mga nangyayari. Napakunot-noo ako "Ready sa ano po?" Tanong ko. Isa lang naiisip ko, nililigawan ako ni Robin. Pero ayaw kong mag assume dahil baka wala lang, baka isa lang ito sa mga trip niya o nais masubukan rito sa bansang Pilipinas, ang paghaharana.

Lumabas kami ni Mama sa loob ng bahay at napatakip ako sa bibig nang makitang nasa garden namin at naka upong naghihintay si Robin sa lamesang may magarang decorations, may kunting snacks at tubig ang nakalapag at may mga ilaw na kumikislap na kung titignan sa malayo ay parang mga bituin. Isang sweet date night ba ito?

Pumasok na sina Mama, Papa at Kuya sa loob ng bahay. Palapit ako sa lamisa at inalayan ako ni Robin sa pag-upo, tsaka siya bumalik sa kaniyang upuan at magkaharap kami.



Nagkatitigan ang aming mga mata "Hi. How are you?" Tanong niyang may ngiti sa labi.

"Much better, cause I'm with you." Sagot ko.

"Can I have your hands?" Sabay hawak niya sa mga kamay ko. Napalunok ako. Nag tanong ka pa, eh hinawakan mo na naman, ikaw talaga, halikan mo na kaya ako.

"Okay, I have something to tell you and I want it to be Tagalog, so I got help from your family translated this..." napabuntong hininga siya at excited akong marinig ang sasabihin niya.

Naiilang siyang may hawak na papel at ako nama’y napatakip sa bibig habang pinipigilan kong matawa sa cute niyang mukha.


"Sa bawat pag-gising, mukha mo ang nakikita.
Sa bawat pag-tulog, ika'y aking naaalala.
Sa bawat tibok ng puso ko, ikaw ang isinisigaw.
Sa bawat ngiti ko, Ikaw ang dahilan ng lahat ng 'to." Kitang-kita ko sa kaniyang mga mata ang isang totoong pagsinta sa akin, mga matang nagmamahal ng tapat at walang kataposan.

"Maripusa Benibentura Grayson, will you be my girlfriend?" Tanong niyang nagpanganga sa aking labi at para bang tumayo ang aking mga balahibo.


Ito na naman ako, hindi ako maka-sagot at parang nawawala sa sarili. Biglang dumaan sa aking isipan ang dating ako. Ngayong gabi, marami na namang tanong na gumagabal. Paano kung iiwan niya ako? Paano kung meron isa sa amin ang bigla nalang matauhan? Paano kung hindi pala kami sa isa't isa? Paano kung hindi pala happy ending ang love story namin?

Dahan-dahan kong hinahaplos ang aking ulo at ipinikit ang mga mata "Susundin ko ang puso ko." Sabi ko sa sarili at huminga ng malalim.




Bumuntong hininga ako at inimulat ang mga mata "Robin..."

"Yes?" Tanong niya habang ang lapit ng aming mga tingin.

"If I say yes, will you never leave me?" Isang mahalaga kong tanong.

"Yes." Isang sagot niyang sapat na para sa akin kaya napa ngiti ako sa labi.

"I have fear, fear of loving and losing. I'm scared my life will end in sadness. What if, this is just our moments and won't last forever." Nagsimula ng pumatak ang aking mga luha.

"There's no ending, life continues. There is no sadness unless you choose to be happy, and I choose it with you. If I've given last minute, then I’m going to make that our moment. The question is, can you be part of my last moment?" Damang-dama ko ang pag-ibig niya sa akin. Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong klase ng panliligaw na tila isang wedding proposal na.

Nandito na ang matagal kong hinihintay, kaya hindi ko na ito papakawalan pa. Final na, bubuo na ako ng mas maraming masasayang ala-ala kasama si Robin. Mas lalong bumuhos ang mga luha ko, luha ng tuwa "Yes! I do, my Love!" Sagot ko at ang ngiti namin ay abot tenga na halos ikapunit na ng aming mga labi, sabay mahigpit na yakap sa isa't isa.






Nakatayo kami ni Robin sa dalawang balcony na komo-konekta sa amin. Parihas pa rin kaming hindi maka get over sa kilig at saya sa gabing ito. "Hi my Love!" Sabay naming bati sa isa't isa. Nakakakilig na "Love" na ang tawagan namin. Labis-labis ang tuwa kong nadarama, mula ulo hanggang paa.

"I love you!" Nakipag flying kiss kami sa isa't isa.

I already found a man to share my moments with. A man that completes me. May we end with a happy ending or a sad ending, but it doesn't matter, at least I opened my heart at nagpakatotoo ako sa nararamdaman ko. Handa na akong sumogal, at isa lang ang hinihiling ko, na sana hindi ako matalo, at habang buhay na masaya kasama ang mga mahal sa buhay, lalo na si Robin.







Memories Of Our Moments (When Two Worlds Meet #2)Where stories live. Discover now