Chapter 11

109 8 0
                                    

CHAPTER 11: CAN'T STOP MY HEART FROM LOVING YOU



Nagkulong ako sa kwarto at walang ibang ginawa kundi ang umiyak. Parang malabo kasing maging kami ni Robin. Parang lang naman 'di ba, so baka may change pa. Tsk, ganito na talaga ako, nag-iisip ng mga negative at sinasabay naman ang pagiging positive. Minsan pa nga nag-aaway ang isip ko dagdag sa gulo ng buhay ko. Plano ko pa naman magbasa na ng mga love stories. Pero parang nawawalan ako ng inspiration.

Tapos na kaming kumain kanina at hindi nga ako masyadong kumikibo. Maaga akong matulog ngayon dahil lunes na naman bukas.



"Sir, Ma’am, how's Maripusa?" Rinig ko ang boses ni Robin sa labas ng bahay.

"Si Robin 'yon ah..." dali-dali akong pumunta sa balcony at tumanaw sa ibaba.

"We don't also know what happen to our daughter. But I don't think she's okay..." sagot ni Papa.

"Are you both cat fighting? Like hiya! Eat this hands!" Natawa ako kay Mama dahil may kasamang action habang nag sasalita, si Papa pa ini-exampulan niya.

"No we never do that. I think there's something bad words come from those fellow women’s we encounter..." sabay lingon ni Robin sa kalsada.

Napalingon si Mama kay Papa "Mahal anong sinasabi niya? Hindi ko kayang intindihin ang ganyan kahabang english..."

"Baka ‘yong mga babaeng kadalasang kasamaan ng loob ni Pusa..." sagot ni Papa.

"Ah talagang walang magawa ang mga 'yon! Lagi talaga nilang inaaway ang Pusa ko! Mga inggitera, sugodin ko nga!" Akmang susugod si Mama na nakahanda ang mga kamao.

Agad naman siyang pinigilan ni Papa "Mahal kumalma ka nga..."



"Can you do me a favor Sir and Ma’am?" Tanong ni Robin.

"Yeah sure, what's that?" Sagot ni Papa.

"Please comfort her for me and say that I'm so sorry..." klarong-klaro ang senseridad ni Robin. Wala naman siyang kailangan ihingi ng tawad eh, wala siyang kasalanan. Lubhang emotional at slight sensitive lang talaga ako.

"Makakarating." Sabay sagot nina Mama at Papa.

"And if she feels okay, tell her I have her ice cream on Ma’am Cel's reef. It almost melted." Ang cute niyang natawa habang napakamot sa ulo.

"Awww so sweat...talagang binilhan niya ako, o aking irog..." kinikilig ako sa pagiging sweet niya kaya niyayakap ko ang sarili habang nakatitig sa kaniya.


Mayamaya ay nag-angat siya ng tingin dito sa itaas kaya dali-dali akong umupo dahil baka makita niya ako dito sa balcony. Nanlaki ang mga mata ko "Nakita ba niya ako?" Tanong ko sa sarili.

"Thank you Ma’am and Sir..." parang paalis na siya.




Mayamaya ay tumahimik na ang paligid, kaya dahan-dahan akong tumayo "Jusmeyo pwet ng kabayo!" Napasigaw ako sa subrang gulat. Naku baka naka-disturbo ang sigaw ko sa mga natutulog na.

Memories Of Our Moments (When Two Worlds Meet #2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz