Chapter 21

89 9 0
                                    

CHAPTER 21: UNTIL




Alas kwatro ng hapon ako dumating sa bahay nila. Sa labas palang subrang ganda na nito kahit hindi man kalakihan, simple yet elegant. Sinundo ako ng isang guard at isinama ako sa loob.

"Mom, Maripusa is already here!" Sigaw ng bunsong kapatid ni Robin na si Diana, 18 years old siya at sila lang dalawa ni Robin ang mag-kapatid.

Lumabas galing sa pintoan ang Mama ni Robin at Mama ko na rin. Naka akbay sila sa isa't isa habang patungo sa akin at ako nama'y palapit din sa kanila.

"Hi...you're so pretty, Filipina beauty." Sabi ni Diana na may ngiti sa labi.

"Just like you..." medyo naiilang pa ako pero I tired to act normal. Agad niya akong niyakap, I was shocked kasi hindi ko inasahang siya pala ang unang yayakap sa akin, gusto ko sanang ako, pero napaka-bait talaga nila.

"No wonder why my son fall in love with you. Such a lovely girl..." hinahaplos ni Mama Selena ang likod ko at sumali siya sa pagyakapan, sa kanilang yakap ay nadama kong tila kailangan nila ng comfort.

Muli kaming humarap sa isa't isa "Ahm, where's Robin po?" Tanong ko at bigla silang natahimik at nagtitigan.

"We have promise to Robin, but I think this is the right time. I want you to be strong just like what Robin want." Sagot ni Mama Selena at 'di naiwasang kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka.





Dinala nila ako sa isang lugar na ayaw kong makita. Bakit dito? Anong nangyayari? Nandito pa ako sa loob ng kotse at inilapit ko ang mukha sa salalim ng bintana para matanaw ang paligid sa labas. Subrang lakas ng tibok sa puso ko, pakiramdam ko nakakulong ako sa loob ng cabinet at nahihirapang huminga kahit aircon naman sa kotse.

Kinakabahan ako habang sina Diana at Mama Selena ay nagyakapan tsaka hinaplos ang isa kong kamay. Hininto na ng driver ang kotse at bumaba na sila, ako nama'y dahan-dahang bumaba kahit hindi ko kaya.

"Maripusa come with us, Robin waiting on you..." bakas ang lungkot sa mukha ni Mama Selena habang inaabot sa akin ang kaniyang kamay.

Nanginginig ang buo kong katawan, gusto kong umatras, ayaw kong maparito "No, no...this can't be...hindi totoo ito..." dahan-dahan ang mga paa kong humahakbang paatras, pero pakiramdam ko may tumitigil sa akin na para bang hinihila din ako palapit sa kanila.

"We fell you, I wish this is just a dream and never happened..." sambit ni Diana na umakbay ng mahigpit kay Mama Selena.

"Robin only wants you to be with him for a long time..." bumubuhos na ng mga luha ang mga mata ni Mama Selena.




Pumagitna sila sa daanan at dahan-dahan akong humakbang papunta kay Robin. Ang bilis ng paghinga ko, ang sikip-sikip ng dibdib ko at sumasabay pa sa pagpatak ang mga luha ko.

Ipinikit ko ang mga mata, at nang aking maimulat wala akong ibang nakita kundi si Robin na naka ngiting tumititig sa akin, inabot niya ang kaniyang kamay at hinihintay akong lumapit at hawakan siya.

Pinipilit kong ngumiti kahit na subrang sakit, kahit na hindi ito ang hinihiling ko. Pagkalapit ko sa kaniya ay magkahaplos na ang aming mga kamay, ngunit sa sandaling ngitian namin sa isa't isa ay biglang parang naging hangin ang lahat. Hindi ko na ramdam ang kaniyang mga kamay, at bigla nalang bumagsak ang buo kong katawan at napa-upo ako sa kaniyang lapida.


"Ang daya mo...paano mo nagawa sa akin ito...? Bakit mo ako iniwan ng maaga...? Sabi mo you want to share your moments with me, eh nasa langit ka na...paano pa natin matutuloy ang ating mga moments kung wala ka na..." my tears fall like a river, halos maubos na lahat ng luha ko, gusto kong sumigaw at ilabas lahat ng sakit pero hindi ko magawa dahil nanginginig ang labi ko.

"Sabi mo hintayin natin ang isa't isa...pero bakit dito mo ako hinintay, dapat sa simbahan tayo eh..." ang mundo ko'y parang gumuho, ang dami kong nais sabihin pero pinipili nalang ng labi ko ang kayang sabihin dahil halos hindi ko na kayang magsalita.




"At times when he's with you, gradually spreads the disease on his body. That's why we don't allow him to visit the Philippines, but when he wants it, no one can stop him." Sabi ni Mama Selena na nasa aking likod at ang paghinga niya ay kasing tulad ng akin, mabigat.

"He have Stage 4 Lungs Cancer..." sagot ni Diana na nagpatayo sa aking mga balahibo at mas lalong nagpa nginig sa aking mga labi. Kaya pala siya umuubo ng malakas, nahihirapang huminga at naglalabas ng mga dugo. Nahihirapan na pala siya sa buhay, pero pinipilit pa rin niya akong ngitian.

Tinabihan ako ni Mama Selena na nagbubuhos rin ang mga luha "He don't want you to know that he had this cancer, but he wants to see you. So he kept calling you and talking to you. Until he's last breath, your name is the last word. He want you to stay in his side for his last moment...but he doesn't want you to see him struggling...his brave, he fights for you, for us...but life surrendered him..." paghihinagpis niya habang hinahaplos ang aking likod.


Nakakuyom ang mga kamay ko habang nakadapo sa lapida ni Robin at ang ulo ko'y nakayuko habang tuloy sa pagbuhos ang mga luha. Ang akala kong kasal, luksa pala. Ang akala kong forever, matatapos pala. Ang nais kong makasama sa pagtanda, wala nasa tabi ko, nagpapahinga na. Iniwan na naman niya akong luhaan.









Memories Of Our Moments (When Two Worlds Meet #2)Where stories live. Discover now