Chapter 7

173 12 0
                                    

CHAPTER 7: LET'S SWIM TOGETHER



Malabo na naman ang klase namin ngayong araw, kaya maaga kaming pinauwi, bagay na gustong-gusto ko. Alas dose pa naman ng tanghali kaya naisipan kong i-treat muna ang sarili, matagal na rin simula nong gumala ako kahit saan, 'yung ako lang mag-isa.

Manila Ocean Park ang napili kong puntahan dahil mahigit isang taon na rin mula nong dumalaw ako rito. Nandito pa ako sa entrance gate "Oi bro, look who we encounter... Maripusa Grayson, a beautiful badass girl from Future High..." lapit sa akin ng dalawang lalaki na hindi ko kilala. Famous pala talaga ako, hindi ko alam ah.

"Police Papa niyan, kaya mag dahan-dahan ka..." bulong nito sa kasama niya.

"Wala akong paki, lahat ng gusto ko makukuha ko." Kagat labi ng binulongan, yabang ng gagong 'to sarap tadyakan. Palapit siya ng palapit sa akin habang ako nama'y umaatras at naghahanap ng tyempo para siya'y suntokin.

"Hey!" Rinig kong taas boses galing sa kanilang likuran. Hinarap nila ang nag salita sa likod at ang isa ay agad nagtago sa likod ng mayabang.

Sumilip ako "Robin...?" Bigla nalang akong ngumiting nakatitig sa kaniya.

"And who are you white asshole?!" Yabang talaga sarap na suntokin, pero titignan ko muna kung anong gagawin ni Robin.

"I'm going to teach you a lesson!" Agad niya silang nilapitan at mabilis na itinusok ang mga daliri niya sa mga mata nila at idiniin pa lalo.

"Argghh! Tama na! Tama na bro...!" Pagmamakaawa ng mayabang, inalis ni Robin ang kaniyang mga kamay at dali-dali silang tumakbo.

"Duwag naman pala kayo!" Sigaw ko.

"Hey, are you okay?" Tanong ni Robin sa likod ko. Ang lamig ng kaniyang boses na para bang isang simoy ng hangin na pumapalibot sa aking katawan.

Dahan-dahan akong humarap "H-Hi..." abot tenga ang ngiti ko kahit medyo naiilang ako dahil sa pagsuntok ko sa kaniya kahapon.

Talagang kami na nga sa isa't isa, I mean susundin ko na ang sinasabi ng puso ko. This is the right sign and a right place for us. "Let's go inside..." may ngiti sa labi niya habang inabot sa akin ang kaniyang kamay, dahan-dahan ko namang inilapit ang isa kong kamay habang tila naririnig ko ang pintig ng aking puso.
Magkahawak ang aming mga kamay na pumasok sa loob. Ngayon pa lang nasasabi ko ng Robin is my future husband I've been waiting for.



"Woowww..." subra kaming namangha sa oceanarium, ang aming mga mata ay parang mga butuin na kumikislap habang lumilingon sa paligid. Ang daming nabago, meron ng mga lights decorations, at ang mas masaya ay lalakad ka na napapalibutan ng mga marine creatures sa loob na may salamin.

Nilingon ko si Robin "Do you want?" Tanong kong may ngiti sa labi habang nakatitig sa kaniya na nanatiling namangha habang idinapo ang mga kamay sa salamin.

Lumingon siya sa akin "For what?" Tanong niya.

"Just answer me..." hindi ko pinahalata ang excitement ko sa gagawin namin.

"Y-Yes..." kitang-kita sa mukha niya ang pagtataka pero nakuha pa rin niyang ngumiti.

Agad kong hinawakan ang kaniyang kamay "Let's go..." dali-dali ko siyang hinila na may abot tengang ngiti.



Hindi maikubli ang labis na tuwa naming nadama sa pag Aquanaut Voyage dito sa loob ng aquarium, syempre may suot na mga safety equipment kung lalangoy.

Nanatili siyang nakatago sa likod ko at humawak sa aking braso, ang mga kamay niya'y nanginginig. Natawa ako, tiyak kong first time niya ito. Hinaplos ko ang mga kamay niya na nakadapo sa aking balikat at sa isip ko'y "Just enjoy." Sa tingin ko naman ay naintindihan niya ang ibig kong iparating. Dahan-dahan siyang bumalik sa tabi ko.

Memories Of Our Moments (When Two Worlds Meet #2)Onde histórias criam vida. Descubra agora