Chapter 3

241 12 0
                                    

CHAPTER 3: HOME OF THE READERS





Sa subrang bored ay lumabas ako sa classroom. Lumilingon ako sa paligid, maraming mga guwapo rito at meron ding mga student couples...kadiri! Ni-isa wala talaga akong crush, dati oo pero bata pa ko no'n, at mas marami akong crush na hindi nag exist, tulad ng mga fictional characters.

Hindi ko magawang gumalaw na para bang binuhusan ako ng malamig na tubig nang biglang maalala ang pinag-gagawa ko dati. Kapag kinikilig ako ay tumatalon-talon at sumi-sigaw talaga ako, minsan pa nga'y nakakasapak ng mga katabi, kay Kuya ko talaga nagagawa at kahit sa mga hindi kakilala. Wala kasi akong pinipiling lugar para magbasa ng love stories, sa kwarto, sa bobong ng bahay, sa hapag-kainan, sa jeep, sa banyo, at kahit saan. Pero ang paborito kong lugar ay sa mga dalampasigan, tahimik at malamig ang hangin na tila masarap yakapin. Sarap sa feeling magbasa doon.

"Tama na nga...tama ng pag-alala sa mga nakaraan." Sabi ko sarili at tinuloy ang paglalakad.




Kanina pa ako libot ng libot sa campus, pabalik-balik pero hindi ko alam kung saan ako pupunta. "Nahilo na ako, saan ba ako pupunta? Sa canteen? Pero hindi pa naman ako nagugutom. Sa sport center? Ano naman gagawin ko do'n..." sabi ko sa sarili habang nag-iisip pa rin kung saan pupunta.

"Sa Library!" Napatakim ako sa bibig sa bigla kong pagbanggit ng paborito kong lugar dati. Kumunot ang noo ko "Ano ka ba Pusa! Gusto mo ba talagang uuwi ka namang luhaan. "Hindi naman siguro masama. Meron naman ibang pwedeng basahin diyan..." natigil ako nang makitang may nakatingin na mga students sa akin, siguro naiisip nilang nababalyo na ako dahil kinakausap ang sarili. Napakamot ako sa ulo "Sige na nga..." sabay hakbang ko papunta sa library.




Nanatili lang akong nakatayo sa labas ng library "Parang hindi ko kaya...pwede pa naman ako umatras," tumalikod ako at dahan-dahang umatras, pero biglang may bahagi ng katawan ko ang nagpahinto sa akin. Bumalik ako sa pintoan at dahan-dahang inilapit ang kamay para itulak ito. Nanlaki ang mga mata ko at inalayo ko ang kamay nang biglang bumukas ang pintoan, bumungad sa akin si Ma’am Castillio, ang librarian.

Abot tenga ang ngiti niya "O Maripusa...hali ka...ikaw talaga lagi kong inaasahang pupunta dito..." maluwag niyang binuksan ang pintoan.

May ngiti sa labi ko habang dahan-dahang pumasok sa loob "Alam mo, sa subrang pagkagusto ko sa'yong bata ka, ay inihanda ko ang mga librong gusto mong basahin, ayon o..." sabay turo niya sa maraming libro na nakapatong-patong sa lamisa.

Nilingon ko siya "Maraming salamat po Ma’am." Pasalamat kong may ngiti sa labi.

"Walang ano man. O sige na, gawin mo ang gusto mong gawin, pwede ka ring humiram kung gusto mo..." sabay balik niya sa kaniyang upuan.



Lumapit ako sa lamisa at umupo sa upuan kung saan nakaharap ang mga libro. Pumili na ako ng unang babasahin, bigla akong napahinto at tinitigan ang librong ang book cover ay nagkahalikan kaya malamang love story ito. Sinubukan kong tignan ang blurb at binasa, nagandahan ako kaya dahan-dahan ko itong binuksan. Habang binabasa ko ay parang bumabalik ang dating ako, ngumi-ngiti kapag kinikilig or excited sa next chapter.

Napahinto ako at dumaan sa aking isipan ang mga stories na sumugat sa aking puso. Agad akong nag shortcut, binasa ko ang last chapter. Nang mabasa kong "Kung nasaan ka man ngayon, lagi kang nasa puso ko." Mabilis kong isinirado ang libro tsaka tumayo at humakbang palabas.

"O tapos ka na? Hindi ka ba hihiram?" Napahinto ako sa tanong ni Ma’am Castillio.

Humarap ako sa kaniya "Sa susunod na po Ma’am...mukhang sumakit tiyan ko..." sabay haplos ng isa kong kamay sa tiyan ko.

"Sige, magpa-galing ka..." ngumiti kami sa isa't isa at itinuloy ko ang paghakbang palabas.

"Sumpa na ba talaga ito? Bakit puros mga sad endings na bumubungad sa akin?" Mga katanongan ko para sa sarili. Alam ko na ang mga early signs na sad ending ito at hindi magkakatuloyan ang mga bida kaya kapag napansin ko ay hindi ko ito tinatapos. O ‘di ba mga happy moments lang nila ang naalala ko.




Dahil bored na ako dito sa school, panindigan ko nalang ang pag panggap na masakit ang tiyan ko. Kinuha ko ang bag sa classroom "Oi Maripusa saan ka pupunta? Uwian na ba?" Napatigil akong humakbang nang lumapit ang iba kong classmates.

"Dating gawa..." sabay ngiti ko sa labi.

"Mag cu-cuting ka na naman..." nagtawanan sila.

"Walang pakialaman!" Kumonot ang noo ko habang nagsasalubong ang mga kilay.

"Aba syempre, bayaw kaya ka namin. Ano number ni Edward?" Sabay labas ng kanya-kanyang cellphone ang mga babae.

Iniripatan ko sila "Diyan na nga kayo!" Itinuloy ko ang pag-alis.




Hina-haplos ko ang tiyan ko at bagsak ang mukha't balikat, nagmukhang kawawa, kunwaring masakit ang tiyan. Dahil hindi ko pwedeng iwan ang bag, ipinasok ko ito sa tiyan. Sa liit nito ay kasya naman, hindi ko sene-seryoso ang pag-aaral kaya walang masyadong laman ang aking bag, kung may kailangan akong hindi ko dala ay humi-hiram ako sa mga ka-klase, agad naman din nila akong pinahihiram dahil mabait naman sila sa akin, mukhang prinsesa nga ako sa classroom.



Nang makarating sa entrance gate ay lumapit ako sa Guard "Kuya may doctor po ba sa clinic?" Tanong kong hinihingal habang hinahaplos ang tiyan.

"Tignan mo nalang Ding..." sagot niya.

Nakita kong may papasok na kotse "This is it..." sabi ko sa sarili. Pagkabukas niya sa gate ay agad akong tumakbo ng mabilis palabas sa campus.

"Hoy!" Rinig kong sigaw niya.

Natatawa ako habang tumatakbo palayo "Very basic." Saktong may jeep ang huminto dahil may pumara kaya agad din akong sumakay sa front seat "Kuya sa Oceana po..." sabi ko habang tinanggal sa tiyan ang bag.

"Cutting?! Kabataan naman talaga o..." parinig sa akin ng driver na sa daanan pa rin ang tingin.

"Kuya for your information matanda na po ako, mag 21 na nga ako." Sinalubongan ko siya ng mga kilay.

Napalingon siya sa akin "Talaga? Mukha ka pang bata ah...mukhang 17..." sambit niya.

"Marami pong nagsasabi sa akin niyan. Gusto niyo po ba kagatin ko kayo, vampira daw po kasi ako." Hindi ko pinahalata ang pagbibiro, may ngiti lang sa labi ko habang titinitigan siya.

"Gusto kitang bata ka..." natawa siya.

"Naku kinikilig po ako..." nagtawanan kami na parang kami ni Papa.







Memories Of Our Moments (When Two Worlds Meet #2)Where stories live. Discover now