Chapter 10

134 8 0
                                    

CHAPTER 10: COMPLICATED FEELINGS




"I'm happy to hear that. And I'm sorry I forgot that they have room for rent." Napakamot ako sa ulo, wala talaga sa isip ko na nagpapa-renta pala si Ate Cel, ang may-ari dito sa bahay na kaharap lang namin.

"Come, I will show you my room." Inabot niya ang kaniyang kamay at agad ko naman siyang hinawakan.

Isinama niya akong umakyat sa hagdan papunta sa ikalawang palapag kung saan siguro nando'n ang kaniyang kwarto. Nakita ko ang balcony na tinayoan niya kanina at natanaw ko rin ang balcony ko sa aking kwarto.

Akmang bubuksan na niya ang pintoan ng hinintoan namin, siguro ito na 'yon "Hi Robin!" Napalingon kami nang marinig ang tawag sa kaniya ni Ate Cel.

"Yes, Ma’am Cel?" Tanong ni Robin.

Nakita din ako ni Ate Cel "Hi Maripusa! Rinig kong kaibigan mo itong si guwapo, bakit kaibigan lang pwede namang mag jowa ayieh..." kinikilig siya.

Hindi ko alam anong sasabihin ko kaya simpleng ngiti sa labi nalang ang ibinalik ko. Wow naman do'n sa sinabi niyang mag jowa hah, agad-agad. Sana nga lang ganun lang ka-dali.

"Robin if you need something or want something to eat, just say it to me, my trait." Saad ni Ate Cel kay Robin.

"Thank you for your kindness Ma’am." Sagot ni Robin habang ako nama’y nauna ng pumasok sa kaniyang kwarto.

"Your welcome." Rinig ko ang pagbaba ni Ate Cel sa hagdan.


Dahan-dahan akong humarap at nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong nasa likuran ko na pala si Robin kaya nagkalapit ang aming mga katawan. Sa subrang biglaan ng aming pagkadikit ay na out balance ako at agad naman niyang hinawakan ang likod ko kaya nasama siya sa pagkahiga ng aming mga katawan sa kama ng kaniyang kwarto.

Ang kaniyang mga asul na mga mata ay subrang nakaka-in love tignan sa malapitan. Ang aming mga labi ay muntikan ng magkahalikan, subrang lapit kunti nalang. At ang nakakaloka ay ang katawan niya'y nakapatong sa akin.

Sa buong buhay ko, ngayon lang ito nangyari sa akin. Noong mga nakaraang panahon na mahilig pa akong magbasa ng mga love stories ay hinihiling ko na sana magkaroon ako ng ganitong eksina sa buhay. Hindi ako makakilos, ang tanging nagawa ko lang ay ang titigan si Robin, pero sa kalooban ay patay na patay na ako sa subrang kilig na nadama mula sa puso hanggang sa isip.






Dala na ni Robin ang kaniyang camera na lagi nakasabit sa kaniyang leeg. Naiilang pa rin kami sa isa't isa dahil sa nangyari kanina. Nagtitigan lang kami sa labas at tila hinahintay sinong maunang magsalita.

"Sorry, for what happened earlier..." bigla niyang salita habang napakamot sa ulo.

Inangatan ko siya ng tingin "Oh it's okay, don't mind it. You want to try Filipino street foods?" Tanong kong may ngiti sa labi.

"Yeah sure..." sagot niya at agad kong hinawakan ang kaniyang kamay sabay hila.






Pagkadating namin ni Robin sa nagtitinda ay natatakam na siyang tumitingin sa nakalapag na mga pagkain "Choose what you want." sabi ko.

"All." Sagot niya sabay tawa at natawa na rin ako.

"Ate dalawang turon, apat na fishball at apat na kwek-kwek." Sabay turo ko sa mga napili.

Inabot na sa akin ng tindera ang napili kong kakainin namin. Una naming kinain ay mga turon dahil ang ibang napili ay nakalagay naman sa plastic cap samantala ang turon ay naka stick. May ngiti sa labi ko dahil nakikita ko siyang napapikit pa ang mga mata habang ngumunguya. Masarap ang turon na ito lalo na't hindi siya matigas kagatin. Nang matapos ang turon ay tsaka na ang iba kong napili. Gaya ng turon ay nasasarapan din siya sa mga ito, lalo na ang kwek-kwek na sabi niyang  "The best."






Memories Of Our Moments (When Two Worlds Meet #2)Where stories live. Discover now