Kabanata 2

104 3 0
                                    

Kabanata 2
New friend

"OMG! I'm excited for our first day!" tili ni Nia sa kabilang linya.
Nilayo ko ang phone ko dahil sobrang lakas ng tili niya.

"Malapit na ako sa university," wika ko. Masyado pa kaming maaga para sa unang klase. Hinawi ko ang takas kong buhok at tumingin sa daan. Kumanan kami nang makarating sa mismong university para makapag-park.

Akmang susundan pa rin ako ng bodyguards na na-assign ni daddy pero mabilis akong kumontra. "Mga kuya, wag niyo na akong sundan. Kaya ko na ang sarili ko at ako na rin ang bahala kay daddy at mommy."

Hindi ko na hinintay ang sagot nila. Tumalikod na ako at dumiretso na papasok sa university. Natanaw ko si Nia at Yara na lumilinga-linga at parang may hinihintay. Patakbo akong lumapit sa kanya. Sabik nila akong niyakap.

Nakasuot kami ng skirt na maikli. Hanggang sa taas 'yon ng tuhod. Checkered skirt ang suot namin. Pinaghalong black, white at red ang kulay no'n. Naka-white blouse na may ribbon sa gitna. Red, white at black rin ang kulay ng ribbon.  May coat rin kami na pinapatong sa white blouse. Plain black 'yon at may naka-print na logo ng school sa right side ng coat.

Ang necktie lang sa polo shirt ng mga lalaki sa university ang naiiba sa uniform. At imbes na skirt ay naka-black pants sila.

"We've missed you! Sobrang busy mo naman kasi sa mga shoot mo!" himutok ni Nia. Sumimangot pa siya kaya natawa ako. Naglakad na kami papalapit sa bulletin board at hinanap ang mga pangalan namin.

Nag-high five kaming tatlo nang makitang magkakaklase kami. Iba ang building ng mga scholars kaya hindi namin kasama si Gio. Madaliang flag ceremony at pag-welcome sa bagong school year ang nangyari.

"Okay, class, welcome to grade 10 class A. We have three transferees. The two are artists while the other one is a famous model. It is our school's pride to have them in this university. Miss Chantrea, miss Yara and miss Vaneya, kindly introduce yourselves." sabi ng adviser namin na si ma'am Sarmiento.

Unang nagpakilala si Nia. Sumunod si Yara. Kabado akong tumayo saka pumunta sa harap. Lahat ng mata nila ay nakatingin sa'kin. Nanlalambot ang tuhod ko dahil do'n. Sanay ako sa mga maraming tao at matang nakatitig sa'kin pero dahil iba ang sitwasyon at ibang tao na naman ang pakikisamahan ko ay kinakabahan ako.

"I'm Chantrea Denise Madriaga Hescavio. I'm 15 years old. You can call me Treya." usal ko sabay ngisi.

Malalaki ang hakbang kong bumalik sa kinauupuan ko.

"You look tensed and... hmm nahihiya. May problema ba?" bulong sa'kin ni Yara. Umiling na lang ako't hindi na sumagot sa kanya. Hindi ko na rin siya tinapunan ng tingin at nag-focus na lang sa teacher na nasa harap.

"TWO hundred seventy po, ma'am," sabi ng ale sa cashier. Lumingon ako sa katabing cashier at tinignan kung pa'no magbayad ang mga estudyante rito. Dali-dali kong inabot ang atm card ko sa ale nang makitang gano'n nagbayad ang babaeng kasabay ko. Parang sa grocery store lang ay ganon rin ang ginawa ng ale. Ni-swipe niya lang ang atm card ko. High-tech na ang lahat ng aktibidad sa university na 'to. ‘Yon na rin ay dahil puro mayayaman ang mga nag-aaral dito.

Kinuha ko na ang atm at ang tray na may lamang pagkain ko pagkatapos makumpirma ng ale ang bayad ko. Umupo ako sa table nila Nia. Katabi ko si Yara habang si Nia ay nasa tapat namin.

"I want some friends na galing dito sa university. Sawang-sawa na ako sa mukha niyo, e. Simula bata pa lang tayo nakikita ko na kayo." nagrereklamong saad ni Nia.

Inirapan ko siya at gano'n rin si Yara habang nginunguya 'ko ang fries na binili 'ko.

"Parang nagrereklamo ka, a," bakas ang inis sa boses ni Yara. Napatango-tango siya. "Oo, nagrereklamo ka nga."

His Brightest Moon (His Series #1) Where stories live. Discover now