Kabanata 52

84 3 0
                                    

Kabanata 52
Suntok

MAAGA kaming bumyahe pabalik ng Manila. Private plane nila tita Eriz ang ginamit namin kaya mabilis kaming nakabalik ng Manila. Nabasa ko ang message ni Yara pagkauwi kaya nagpaalam muna ako kina mommy na may pupuntahan lang ako.

"Anong mayro'n?" tanong ko kay Yara pagkarating ko sa cafe na malapit sa village namin.

Hindi namin kasama si Gio. Siguro ay may ginagawa na naman ‘yon. Um-order ako ng frappucino bago nakinig sa sasabihin ni Yara.

"Ano bang meron at kailangan pang nandito ako?" isinandal ko ang likod ko sa upuan ko at ni-relax ang ulo.

"Dahil ikaw ang pinaka-importante dito 'no! Isang araw ka lang na-late sa pag-uwi dito, may hot news na agad!" ani Yara.

Bumuntong-hininga ako bago umayos ng upo. "Ano ba ‘yan? Mas importante ba ‘yan sa pagpapahinga ko?"

"Si Maris at Thyro break na!"

Ngumiwi ako. "Gosh! A useless news, Yara Zemirah," sinandal ko muli ang likod ko sa upuan at pinakitang wala sa balitang sinabi niya ang interes ko.

"Wow! That was useless for you?" manghang komento ni Evie.

I glared at them and rolled my eyes. Their expressions shows amazement of what I had said.

"What? Are we gonna celebrate because they broke up?" tinaasan ko sila ng kilay. "Or what am I supposed to do? Gumawa ng paraan para magkabalikan sila? Lumuhod sa harapan ni Maris o Thyro na sana balikan na niya ang isa?"

Natawa silang tatlo.

"You really moved on, huh? Wala ka ng pakialam sa break up nila," napatango-tango si Nia. "So ‘yong sinabi mo na naka-moved on ka na ay totoo?"

"Oo," tugon ko.

"I'm so happy for you!" tuwang-tuwa na sabi ni Evie.

Tumayo siya at niyakap ako. Lumapit din ang dalawa at nakiyakap din. Wala akong nagawa kundi sakayan ang trip nila.

Mayamaya, dumating na rin ang order ko at naging busy na kami sa kanya-kanyang cellphone. Nag-scroll ako sa news feed ko at puro balitang break up nila ang nasa feed ko. Nakita ko rin ang pag-mention sa'kin ni Ridge sa isang post na tungkol do'n.

Ridge Hescavio: Chantrea Hescavio

Dinumog tuloy ang comment niya. In-angry react ko ‘yon at nag-reply sa comment niya.

Chantrea Hescavio replied to Ridge Hescavio: Jerk! Idc about what is going between them lmao.

Ilang minutes pa lang ang comment ko ay dinumog na rin ‘yon ng mga nahuhulaan kong fans ng ChanRo dati. Napairap ako sa kawalan dahil sa mga nakita ko. Karamihan ay nalulungkot dahil sa break up nila base sa mga post na nakikita ko.

"Hey, Chantrea," a familiar voice spoke behind me.

Nilingon ko ‘yon at napabuga ng malalim na hininga nang makita kung sino ang nagsalita.

"You're here to pester me?" diretsang tanong ko sa kanya.

He smiled. "What if yes?"

"For what?"

"For you to fall in love with me again," kaswal niyang sagot.

Agad ko siyang sinuntok sa mukha. Narinig ko ang pigil na tawa ng mga kaibigan ko sa likod ko. Alam kong medyo masakit ‘yon dahil 'di agad siya nakabawi. Pagkalingon niya naman sa'kin, nginitian niya ako na parang hindi ko siya sinuntok.

Pinakitaan ko siya ng pekeng ngiti. "Sorry, ha? Gano'n kasi ako magpalayas ng aso na umaaligid sa'kin,"

Doon na humalakhak ang mga kaibigan ko.

His Brightest Moon (His Series #1) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant