Kabanata 15

54 3 0
                                    

Kabanata 15
Broken

NAGISING ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Napapikit ako sa nakakasilaw na liwanag. I rubbed my eyes before trying to stand up. Napaupo akong muli dahil nanghina ang tuhod ko.

Napahawak ako sa tiyan kong gumagawa na ng tunog. Huminga ako ng malalim bago sinubukang tumayo muli. Nakatayo naman ako pero halos wala akong lakas para sumigaw at kumatok muli para humingi ng tulong.

Hindi ako sanay na walang kain. Wala akong kain mula gabi hanggang ngayong umaga na. Hindi ako kailanman nagpalipas ng gutom, minsan ay konti lang ang kinakain ko pero hindi ako dumadating sa point na hindi ako kumakain. Gano'n ako kaalaga ng parents ko.

Umupo na lang ako at nagdasal na sana ay mayroong tumulong sa'kin para makalabas ako. Pinilit ko na lang ang sarili kong makatulog uli para kahit papaano ay magkaroon pa ako ng konting lakas.

Tirik pa rin ang araw ng muli akong nagising. Tingin ko ay hapon na,mukhang napatagal ang tulog ko. Nanghihina pa rin ako kaya nanatili lang akong nakaupo.

"Treya! Are you still there?!"

Nagkaroon ako ng pag-asa nang marinig ang boses niya. Humugot ako ng lakas at tumayo bago sumigaw pabalik.

"I'm here, Thyro!"

"Dammit!" bulaslas niya. "Manong, pabukas na, please. Baka mapano pa siya."

Tumabi ako habang binubuksan ng kasama ni Thyro ang pintuan ng stock room. Mayamaya ay nabuksan rin ng kasama ni Thyro, na napag-alaman kong janitor sa university, ang pintuan. Bago pa ako makalabas ay unti-unting nanlabo na ang paningin ko.

NAGISING na ako sa clinic ng school. Naabutan kong nakatayo sina tito Rhaiden at tita Eriz katabi si mommy, daddy at ang mga pinsan ko. Sa kabilang banda ay ang sina Thyro, Sid at ang mga kaibigan ko including Gio.

Mabilis na lumapit si mommy sa'kin saka ako niyakap. Kumalas rin siya kinalaunan at nag-aalalang binalingan ako.

"A-Akala ko kung ano ng nangyari sayo. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyari sayo, anak."

Mabilis na naglandas ang luha niya sa pisngi niya. Agad kong pinunasan ang mga luha niya.

"Mommy, nakulong lang po ako sa stock room. Wala pong ibang nangyari sakin."

"Buti na lang at hindi tumigil si Thyro hangga't hindi ka nahahanap. Sobrang thankful kami kasi may mala-detective kang manliligaw," saad ni Yara kaya napunta ang atensyon ko sa kanya.

Pagkatapos ay napabaling ako kay Thyro na nakaupo katabi ng kama'ng hinihigaan ko. Mabilis rin akong nag-iwas ng tingin nang maabutang nakatitig rin siya sa'kin. Parang hinihigop ako ng mga titig niya.

Tumikhim si tito kaya sa kanya naman napunta ang atensyon ko. Si mommy ay tumabing muli kay daddy. Pinapatahan siya ni daddy dahil hindi niya mapigilang hindi umiyak.

"Mga hijo, tito ako ni Chantrea. Unica hija namin ang batang ito. Si Gio lang ang pinagkakatiwalaang lalaki na nakakalapit kay Treya ng pamilya namin dahil matagal na naming kilala si Gio. Kung ako sa inyo, hindi ko na tatangkain pang ligawan si Treya kung sasaktan niyo lamang siya. We don't want this young lady crying over a guy, do you understand?" may pagbabanta sa boses ni tito. Nilingon ko ang dalawa na napatango lang, speechless sila pareho.

"Sinong may gawa nito, Thyro?" ani Ridge na nasa likod nina tito at tita katabi si Kuya Ry. "I want that student to suffer so that she or he'll know kung sino ang binabangga niya."

"Na-check ko ang CCTV na malapit sa stock room at ang CCTV na nasa classroom. Tinawag si Treya ni Hera Bautista na kaibigan ni Maggie Rhysleigh Ruesa. Ni-lock nila 'yon kasama ang dalawa pa niyang kaibigan. Ang susi ay hiniram nila sa janitor at nagdahilan na may kukunin. Isang araw na walang kain si Chantrea at sa CCTV na nasa loob ng stock room, natulog lang siya ng natulog para makakuha ng lakas." saad ni Thyro.

His Brightest Moon (His Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon