Kabanata 10

63 3 0
                                    

Kabanata 10
Star

"OH, expect kita mamayang 7 pm ha? Sa restaurant sa QC. Yung dati nating pinupuntahan. 'Wag late kundi kukurutin 'ko 'yang singit mo."

Tumawa ako. "Grabe naman, ate Jen. Pero sige, after ng lakad namin. Thank you, ate!"

"O sige! Aasahan kita mamaya!" aniya sabay putol ng linya.

"Who's that?" utas ni Ridge sabay akbay sa'kin. Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko at inirapan siya. Naglalakad kami ngayon sa hallway at sa apat na kasama kong gwapo, pinagtitinginan kami.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Why do you care, huh?"

"Baka boyfriend mo na yan, e,"

"Shut up, Ridge," singit ni kuya Ryker. "Baka makakuha sayo ng idea si Chantrea."

Tumawa sa gilid si Theon. "Malaki na si Treya, kuya. Kaya na niya 'yan at kung magkaka-boyfriend man, let's just guide her. Just guide, hindi tayo mangingialam."

Minsan talaga, e, may gamit pala ang utak ni Theon!

"So, ililibre niyo ako ng ice cream?" tanong ko sa kanila. Pasakay na kami sa kotse ni kuya Ryker. Nagsiksikan kami nina Theon at Lexus sa backseat. Si kuya Ryker ang driver at si Ridge ang nasa front seat.

"Si kuya Ryker ang maglilibre sa'tin," usal ni Lexus sa gilid.

"Ako ang bahala sa inyo. Uuwi muna tayo sa bahay then Ridge, drive your own car. Theon and Lexus will be with you. Iuwi mo muna ang dalawa para makapagbihis."

"What?! Treya, sa'kin ka sasakay. Ayoko sa kambal na yan! Lalo na sa Theon na yan," protesta ni Ridge.

"No," umiling si kuya. "Treya will be with me kasi makakasama nating pumunta ng resort ang girlfriend ko."

"Girlfriend?!" sabay-sabay naming sigaw.

"E, nung isang linggo lang nililigawan mo pa yun diba?" may pagdududa sa boses ni Ridge, mukhang hindi makapaniwala.

"Kasasagot niya lang sa'kin. Anyway. that's our plan. Theon and Lex will be with you. Treya and my girlfriend will be with me. Iuuwi ko si Treya saglit while you, iuuwi mo saglit yang dalawa para makapagbihis."

"Kuya, sa boyfriend ko na ako sasakay," utas ko sabay ngisi sa kanila.

Napatingin silang apat sa'kin, nanlalaki ang mga mata. Nagkibit-balikat ako.

"Sabi na sayo, kuya, e! May boyfriend na 'to!" sigaw ni Ridge. Dinuro niya pa ako kaya inirapan ko siya.

"Sinong boyfriend mo?" malamig na sabi ni kuya Ry. "Uupakan ko."

"Just kidding!" humalakhak ako. "Grabe! Parang papatayin niyo pag nag-boyfriend ako, a."

"Make sure, you'll gonna inform us para hindi kami mabigla at hindi namin maupakan kung sino man 'yan," ani Theon.

"Ayan na! Baba na kayo! Ridge will drive his car!" taboy ko sa kambal nang tumigil na ang sasakyan sa harap ng bahay nila kuya Ry. Bumaba ang tatlo para lumipat ng sasakyan. Bumaba rin saglit si kuya Ry para makapagbihis.

Sinundo namin ang girlfriend ni kuya sa bahay nila. Nauna na sina Ridge sa resort at susunod na lang kami. Maputi, payat, maganda at may hanggang balikat ang buhok ng girlfriend ni kuya. Bagay na bagay sila ni kuya dahil they both have this so-called angelic face.

"Treya, this is Kaliyah. Kali, this is Treya. Nag-iisang pinsang babae. The family's princess."

Naglahad ako ng kamay na agad namang tinanggap nung Kali. Ngumisi ako sa kanya. "So how should i call you? Ate Kali?"

His Brightest Moon (His Series #1) Where stories live. Discover now