Kabanata 44

89 2 0
                                    

Kabanata 44
Newfound friends

"HEY," bati ko sa mga magkakaibigan nang makita ko sila sa room namin.

Napatayo silang lahat 'tsaka gulat na tumingin sakin. Pagkatapos ng eksenang nangyari no'ng nag-enroll ako ay umalis ako agad at hindi na nagpakitang muli sa magkakaibigan.

"Ikaw pala 'yong gusto naming makita dati pa! Ni hindi mo man lang sinabi samin na Madriaga ka pala," nakasimangot pa si Julia habang sinasabi 'yon.

"Sorry," ngumiwi ako. "Gustong-gusto ko kasing marinig na sabik 'yong mga tao dito na makita ako at makilala."

"Sorry to say this but..." Isaac pause, having second thoughts about what he will 'bout to say. "Are you unwanted on Manila?"

I nod. "By many people,"

"Alam mo dito, belong ka lagi!" hinila ako ni Kira paupo. "Lalo na sa'min. We want to be friends with you at kung gusto mong maging leader ng barkada o gusto mong ikaw ang sundin namin, okay lang!"

"Ayoko ng gano'n 'no. Actually, may trauma ako about meeting new people at mas lumala 'yon ngayon. Kaya hindi na ako nagpakita uli sainyo dahil do'n pero na-realize kong harmless naman kayo at mabait kayo sakin so..." Tinignan ko silang lahat. "We're now friends,"

"'Yon naman pala, e! Sumama ka na samin. Wala pang masyadong gagawin sa first day kaya gagala tayo sa university," usal ni Ysha saka hinila na ako palabas ng room.

Habang naglalakad kami ay awtomatikong napapalingon mapa-babae o lalaki sakin. Napalingon ako sa likuran ko para i-check kung ako nga ba talaga ang tinititigan nila at ako nga.

Isaac has a clean cut hair, a handsome face and i think he's introvert. Lincoln has a shoulder length hair, and has a handsome face, also. Julia has a fair skin and an angel-like face. Kira is a morena and looks like a badgirl. In short, mukha siyang mataray and somehow, I can see Yara to her. Ysha is a morena, too. Mahinhin at maganda.

Sa kakalingon ko sa kanilang lima ay nakabangga ako ng kung sino. When I turned my gaze to that someone, the girl seems so annoyed at me.

"S-Sorry," tanging nasabi ko.

"Hindi mo kasi tinitignan ang dinadaanan mo, e!" the girl shouted.

"Kaycee, don't talk to her like that!" Singit ni Julia.

Kumunot ang noo ko. I knew someone before that has a name of Kaycee.

"Kaycee? Anak ka ba ni tita Saffy?"

She raised her eyebrows at me before she answered. "Ako nga,"

Napangiti ako. "Nice to meet you, Kaycee. I'm Mayumi Madriaga's daughter."

Nanlaki ang mga mata niya bago ako sabik na niyakap. Bumitaw rin agad siya saka nahihiyang tumingin sa'kin.

"Sorry, di ko alam kung pano ma-express yung happiness!" tumawa siya. "My mom will be more than happy to see you again!"

Sa araw ding 'yon ay binisita ko ang mommy niya. Gaya ng sabi niya, tuwang-tuwa ang mommy niya na makita uli ako. Pagkauwi ko ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Humiga ako sa kama at ramdam kong drained na ng sobra ang katawan ko.

Nagsimulang mangilid ang mga luha ko habang inaalala ang mga memories namin ni Thyro at ang mga mga sakit na naidulot sa'kin ng Manila.

Pa'no kaya pag bumalik ako, pa'no ko haharapin ang lahat ng 'yon? Hindi ko pa alam sa ngayon. Basta ang alam ko, lagi akong drained, umiiyak at walang gana sa lahat. Nothing makes me productive at all and I... I already knew that i lost myself dahil hindi ako ang tamad na Chantrea.

The old Chantrea will do anything just to stay productive. She's always productive, actually. She knows what she likes and what is her goals in life but it feels like when I lost Thyro, my dad betrayed me, my parents had divorced and i had coma for months. After all of that, I became lost. I became a child who is lost and who doesn't have a home to go to.

Humagulgol ako hanggang sa kaya ko. Hindi ko inisip ang mga taong makakarinig sa'kin dahil sa pagkakataong ito, pagod na pagod na ako. Hindi ko na kayang itago lahat ng sakit na nararanasan ko.

Humihikbi akong bumangon ng kama. Kumuha ng notebook at ballpen mula sa study table ko. Umupo ako sa study table ko saka nagsimulang isulat lahat ng sama ng loob ko. Pinagsama-sama ko ang mga sentences ro'n at hindi ko namalayang nakasulat na pala ako ng mga kanta.

"ANG ganda talaga dito," puri ni Julia sa falls.

Nandito kami ngayon dahil walang klase at gusto nilang gumala kaya bumili kami ng mga pagkain saka dumiretso na rito sa falls.

"I agree. Sa falls na 'to nangyari 'yong una at huling fam picture namin," singit ko. Napatingin silang lima sa'kin na ipinagkibit-balikat ko lang.

"Denise, you're too mysterious! Kwentuhan mo naman kami sa ex mo kung mayro'n ka!" Kira says.

Aayaw na sana ako pero ipinilit nilang magkwento ako kaya natatawa akong pumayag. "Okay, fine,"

"Dati, wala akong interest sa love. Until we met, sa isang park habang parehas na nakatitig sa buwan. Hinabol niya ako kahit iniwasan ko na siya. Naging kami for 7 months, I guess? Malabo na kasi kami after ng 7 months namin. Hindi ako naka-attend ng birthday niya. Akala ko 'yon 'yong dahilan kung bakit ayaw na niya sa'kin pero hindi pala dahil hinihintay niya lang akong magkamali para may dahilan siya para iwanan ako."

"Sakit naman no'n," komento ni Lincoln.

"He betrayed me. Kumausap at nag-entertain siya ng ibang babae habang kami pa. Then I got into coma for nine months. Binisita niya ako at sinecure niya uli ako. Akala ko, okay na pero nahuli ko silang may ginagawang kababalaghan," ngumiwi ako. "You already know that thing guys!" ani ko sabay awkward na tumawa.

"Sinampal mo ba 'yong babae?!" utas ni Julia.

"Hindi," ngumiti ako. "Pinanood ko silang gawin 'yong bagay na 'yon. Habang nagpapakasarap siya, nadudurog ako. Do'n ako natauhan kaya nong 18th birthday ko, pinalaya ko siya."

"Dapat pala hindi na natin siya pinagkwento," maarteng pinupunasan ni Kira ang mga luha niya.

His Brightest Moon (His Series #1) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang