Kabanata 31

59 3 0
                                    

Kabanata 31
Family

"MAY PTA meeting tayo ngayon. Anong oras pupunta parents niyo?" tanong ni Nia habang kumakain kami ng lunch sa cafeteria.

Wala ng klase pero pinili naming hintayin na lang ang parents namin para malaman rin namin ang mga pinag-usapan nila. Bilang officer din, kailangang nando'n talaga ako.

"Mga 1:30 pm sina mommy, e," usal ni Yara.

"1:20 pm ang parents ko para mas maaga," utas ko. "Sige, mauuna na ako! Baka hinahanap na ako ng mga teacher roon!" paalam ko saka umalis na.

Iniutos sa'kin na ihanda ang mga papel ng paglilistahan ng mga names ng parents na a-attend mamaya. Inaayos ko ‘yon by grade ng may magsalita sa harap ko

"Grade 3," sambit niya.

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang pamilyar na lalaki. Nag-perfect 'O' ang bunganga ko nang makilala ko siya.

"Kayo po? Dito po nag-aaral yung anak niyo?"

He nodded. "Yes. Dito na namin siya in-enroll for Grade 3 at dito rin kasi naming gustong ipanganak ang pangalawa naming baby,"

"Talaga po?" i asked in disbelief.

May inalalayan siyang buntis na babae. Sa hula ko ay mga five months na ang tiyan nito. Malawak ang ngiti nito sa'kin kahit 'di pa niya ako kilala.

"Hija, this is my wife, Cyrille Chua. Honey, this is..." he stopped speaking when he realized that he still doesn't know my name.

"Chantrea po,"

"Honey, this is Chantrea Hescavio,"

Ngumisi kami ni Mrs. Chua sa isa't isa. Nakita ko ang anak nila, si Cyrene, sa gilid ni Mrs. Chua at nakahawak sa kamay nito.

"Chantrea, can we invite you at my gender reveal party tomorrow at 3 pm on our house? I'll be giving you the address later. I hope you don't mind," pagsasalita ni Mrs. Chua.

"Yes, po. I'll come po,"

"Thank you," mas lalong lumaki ang ngiti nito sa'kin. "Aasahan ko ‘yan. By the way, both parents ba dapat ang nakalista o kahit isa lang?"

"Kahit isa lang po. Pwede na rin po kayong umupo after."

This is really possible? Kakakilala lang niya sa'kin at inimbitahan niya agad ako sa ganong event na exclusive lang dapat para sa family members nila?

"WHERE are you going?" i heard the authorative voice of my dad at my back.

Hinarap ko siya. Nasa tabi niya si mommy na gusto rin akong tanungin ng parehas na tanong.

"At someone's house?" patanong ko pang sagot.

Nagtagis ang bagang ni daddy at ramdam ko na ang papataas niyang galit. "At saan naman ‘yon, Chantrea?"

"Nia's house,"

"A liar!" sigaw ni daddy na umalingawngaw sa buong bahay. Napahawak si mommy sa magkabilang balikat ni daddy sa takot na baka sugurin ako ni daddy at saktan. "Hindi ka namin pinalaking ganyan!"

"Pinalaki po? Kailan mo po ako inalagaan, dad? I don't remember."

"Alam namin na nakikipag-usap ka sa ex-boyfriend ng mommy mo. One of the bodyguards heard the conversation. You're gonna attend the gender reveal party of Cedrix's wife?! Are you finding another family, Chantrea?!"

Sarkastiko akong natawa. "Why, dad? You also did the same to me! Naghanap ka ng ibang anak habang nandito ako na naghahanap ng pagmamahal mo! Naisip mo lang ba na 'Masasaktan kaya si Treya pag ginawa ko 'to kay Maris?' o 'Hinihiling kaya muli ni Chantrea na sana hindi na ako ang tatay niya?' because i did ten years ago! You don't need to dictate everything to me because i was just carrying your surname. You never became a father to me!"

His Brightest Moon (His Series #1) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora