Kabanata 54

78 2 0
                                    

Kabanata 54
Ring

"HI, WE want the latest the latest model of iPhone," bungad na pagsasalita ni daddy pagkapasok namin sa bilihan ng cellphone.

"Sige, sir. Pakihintay na lang po," magalang na sabi ng saleslady.

Tumango lang si daddy. Nakita kong nakuha namin ang atensyon ng mga tao kaya nagsilapitan agad sila sa'min.

"Pwede pong pa-picture? Idol ko po kasi kayong dalawa!" tuwang-tuwa na sabi ng isang babae.

Tumango at ngumiti lang si daddy. Isa-isa silang nagpapicture. Saktong pagkatapos nilang magpapicture ay bumalik na yung saleslady dala ang demo phone at isang stock ng phone na bibilhin namin.

Napangiti ako nang makitang may nagpa-picture uli kay daddy habang dine-demo ng saleslady ang tungkol sa bibilihin naming cellphone. Kahit matagal na siyang umalis sa showbiz, noong na-busy siya sa kompanya, ay marami pa ring nakakakilala sa kanya.

"Seventy nine thousand po, sir," wika ng saleslady. Nilabas naman ni daddy ang credit card niya. Binalot kaagad ng saleslady ang cellphone nang ma-confirm Ang bayad.

"Saan na tayo? Kakain muna ba tayo?" Tanong ni daddy nang makalabas na kami sa store ng phone.

"Uhm, pwede pong sa world of fun po muna tayo?"

Napangiti si daddy. "Gusto mong maglaro?" I nodded. "Okay, let's go,"

Bumili si daddy ng 500 worth na tokens para makapaglaro kami. Basketball ang napili naming laruin. Pataasan ng score pero lagi akong natatalo. Tumatawa na lang si daddy tuwing sinasabihan ko siyang madaya.

"Pagod na ako, anak," sabi niya nang maubos na namin ang binili naming tokens. "Kain na tayo,"

"Take out na lang, daddy, para kasabay nating kumain si mommy. Invite ko na rin po ‘yong mga pinsan ko,"

"Pumili ka sa menu," kinuha niya ang credit card niya mula sa wallet niya. "Ikaw na bahala sa i-oorder mo. Uupo muna ako, hihintayin na lang kita dito,"

Tumango at ngumiti lang ako kay daddy. Sa Shakey's ko napiling bumili ng pagkain at pinakamalaking size ng pizza nila ang kinuha ko para magkasya sa'ming lahat.

"SINO ‘yon, daddy? May inaasahan ka po bang bisita?" tanong ko nang malapit na kami sa gate ng bahay at napansin kong may babaeng nakaupo sa gilid ng gate namin.

"Wala naman, anak,"

"Teka," kinilala ko pa lalo ang mukha at halos talunin ko ang sasakyan nang mamukhaan ko siya. "Si Maris po ‘yon, daddy!"

"Teka, ihihinto ko,"

Bumaba agad ako nang maihinto ni daddy ang sasakyan. Nilapitan ko si Maris at nabigla sa lagay niya ngayon. Umupo ako para magpantay ang mga mukha namin. Gulo-gulo ang buhok, umiiyak, nakapaa (hawak niya ang sandal niya) at gusot-gusot ang damit. Inipit ko sa likod ng tenga niya ang iilang nakaharang na buhok niya sa mukha. Napabuntong-hininga ako nang makita ko pang gulo-gulo na rin pala ang makeup niya.

"What happened to you?" puno ng pag-aalala na tanong ko.

Nag-angat agad siya ng tingin nang marinig ang boses ko. Napatayo siya kaya napatayo rin ako. Napasinghap ako ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko.

"Treya, alam kong makapal ang mukha kong humingi ng favor sa dami ng kasalanan ko sayo pero..." humikbi siya. "pero ibigay mo na sa'kin si Thyro. Hindi ko kayang mawala siya ng tuluyan sakin," tuluyan na siyang humagulgol.

Napuno ng awa at pag-aalala ang sistema ko. "T-Teka hindi naman kami ni Thyro. Hindi mo kailangang magmakaawa sa'kin dahil hindi kami. Isa pa, hindi ko hawak ang feelings niya. Hindi ko rin hawak ang isip niya. Siya ang nagdedecide para sa sarili niya kaya 'wag kang magmakaawa sa'kin na sayo na lang siya dahil hindi ko rin siya pag-aari."

His Brightest Moon (His Series #1) Where stories live. Discover now