Kabanata 14

40 2 0
                                    

Kabanata 14
His farewell message

GAYA ng sinabi ni lola ay doon ako titira sa kanila ng two weeks. Isang araw lang ako sa hospital pagkatapos ay napagdesisyunan kong sa bahay na lang magpahinga muli.

"Sige, manong, pakihintay na po ako, a? Kukuha lang po ako ng ilang damit," wika ko saka dali-daling pumasok sa bahay.

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa'kin si daddy at Maris na nanonood ng movie. Nagtatawanan pa sila dahil nag-joke ata ang bida sa movie. Napatingin sa'kin si Maris, smirking. Yumuko na lang ako at tuloy-tuloy na tumaas ng kwarto ko.

Kumuha ako ng uniform ko at ilang damit saka gamit na magagamit ko sa bahay nila lola. Nilagay ko 'yon sa maliit na pink kong maleta. Dinala ko rin pati ang extra phone ko at laptop ko para hindi ko na kailangang bumalik sa bahay kung kakailanganin ko 'yon. Pati ang school bag ko ay dinala ko na rin.

"Mom," tawag ko. Nasa harap ako ng kwarto nila at dumaan para magpaalam kay mommy. Kumatok muli ako. "Mommy,"

Alam kong nandito siya dahil Sunday ngayon. Wala siyang trabaho.

Bumukas ang pintuan. Niluwa no'n si mommy na nakapusod ang buhok at naka-black robe. "Aalis ka na?"

Tumango ako. "Gusto ko lang po sanang magpaalam,"

Nanahimik siya. Napatitig siya sa dala kong maliit na maleta at school bag na nakasabit sa balikat ko. Tinitigan ko lang siya habang sinusuri ang mga dala ko.

Binalik niya ang tingin sa'kin. "You want me to divorce your dad?" basag niya sa katahimikan na nabuo.

I chuckled. "Nako, mom. You don't need to do that. Alam kong masaya ka kay daddy. Saka magiging okay po ako kay lola," i smiled at her. "You don't need to lose your happiness just for me,"

"But you are my life. My Treya," her eyes became teary and was about to cry. I hugged her and she hugged me back. "Mahal na mahal kita, anak. You don't know how happy i am when you came. If i only knew that your life will be like this, i shouldn't have let you see your father."

"Mom," kumalas ako sa yakap. "I'm happy that you are happy right now. Nasasaktan po ako ngayon pero diba mom, si Chantrea ako. Hindi ako Madriaga at Hescavio para lang sa wala. Ako 'to, mom. You know me, right?"

She nodded. "A brave young lady," she caresses my left cheek. "Balik ka dito after two weeks, anak."

"I will, mom,"

Niyakap ko pa si mommy bago bumaba. Lumapit sa'kin ang isa sa mga kasambahay at binuhat ang maliit kong maleta. Nauna na ang kasambahay na ilabas ang maliit kong maleta. Dumaan muna ako sa mga pictures na naroon. Kinuha ko ang picture ni mommy at nilagay 'yon sa school bag ko saka na lumabas. Hindi ko na rin tinapunan ng tingin sina daddy at Maris na masayang-masaya na nanonood.

MABILIS lang rin namang dumaan ang mga araw. Isang linggo na ako kina lola at lolo. Mas naging close sila sa'kin ngayong nakatira ako sa kanila.

"Apo, kumain ka muna," ani lola habang nilalapag ang isang baso ng juice at sandwich. "Apo, tama na muna yan," saway niya.

"Teka, la. Tatalunin ko lang po si lolo," nakain na lahat ni lolo ang nasa team ko kaya napapadyak ako sa inis habang si lolo ay tumawa. "Lolo, dinadaya mo po ako," pag-aakusa ko.

"Apo, sadyang magaling lang ang lolo. Sa'kin mo namana ang pagiging magaling sa matematika. Wag ka na ring magtaka, apo, dahil sa pagiging matalino ko sa math ay nainlove sa'kin ang lola mo," sumenyas si lolo na may ibubulong siya kaya nilapit ko ang tenga ko sa kaniya. "Laging kumokopya at lagi ring perfect kaya ng ligawan ko siya ay sinagot agad ako dahil may kokopyahan na siya, apo,"

His Brightest Moon (His Series #1) Where stories live. Discover now